Thursday, December 24, 2009

Maligayang Pasko

Inilalaaan ko ang araw ng Sabado para sa aking sarili. Tinatawag ko ang mga ganitong pagkakaton na "Apple Time." Kasi naman kahit na ordinaryo na sa paningin at panlasa natin ang mansanas, hindi naman karaniwan itong nagiging bida sa hapag-kainan. Parang ako. Madalas man ako umalis ng bahay, hindi ko naman nabibigyan ng importansya ang sarili ko.

Pero parang delubyo lang, ang karaniwang Sabado ko ay pinalitan ng komedya sa lansangan. Ang kapayapaan ng aking Apple Time ay biglang humingi ng break time. Yun pala ang hudyat na malapit na ang birthday ni Bro.

Ang dating payapang simbahan dinayo bigla ng masang Pilipino na parang park lang. (Dami kasi nagpapabinyag). Ang mga library, ginawang coffee shop ng mga estudyante at ang topic ng discussion: facebook gifts! Ang mga mall, parang palaging may riot kasi hindi mo na malalaman ang pagkakaiba ng Glorietta sa Divisoria. Ang mga parking lot, akala mo may showroom sa dami ng nakaparadang sasakyan. Ang mga resto parang box office na din sa haba ng waiting line. At ang pinakamatindi: yung dating 400 na t-shirt sa department store, Php650 na ngayon! Shet!

Kung susumahin, ang mga ganitong pangyayari ay isang himala ni Kristo. Kasi naman sa 365 na araw sa isang taon, may isang buong buwan siyang inilaan para isabog ang pag-ibig niya sa sangkatauhan. Isang buwan na triple ang pagpapala.

Kaya sa bawat regalong bubuksan natin ngayong taon, bukod sa laman, isipin natin ang mga malikhaing kamay na bumalot nun. Kung wala kang matanggap na regalo, ikaw ang magbigay! Wag ka mag-hintay! Sa bawat pagbating matatanggap sa text man o greeting card, alalahanin ang mga taong nagdugo ang ilong makaisip lang ng Christmas greeting sa wikang Ingles. Sa bawat pagkain na nakalaan sa hapag-kainan ay ang mga pusong inilaan sa pagkain na iyong titikman. Sa bawat namamasko at kumakatok sa ating mga pintuan ay ang pag-asang makapag-hatid at magbigay sa iba pang nangangailangan ng pagmamahal. At sa bawat magandang kaganapan ay ang kagalakan ng pasasalamat sa poon nating Maykapal.

Kaya ang Paskong ito ay espesyal. At ang bawat isa sa atin ay espesyal. Syempre naman, espesyal din ang lumikha sa atin e.

Maligayang Pasko. Mula sa aking puso papunta sa inyong lahat.

Happy Birthday, Jesus!

Tuesday, December 15, 2009

Nakakapagod

Minsan, hinihiling ko na sana de-baterya na lang ang katawan ko. Yung rechargeable. Para kapag naubos ang enerhiya, isasaksak na lang sa kuryente ng ilang oras at gagana na ulit. Maganda din sana yung baterya na napapalitan ang balot. O kaya naman bateryang yari sa plastik. Mahulog man o apakan, hindi ito masasaktan.  Yung katawan na puwedeng yurakan at hindi mararamdaman. Iniisip ko kung baterya ako, may pagkakataon akong ulit-ulitin na parang robot lang ang aking mga gawain. Yung paulit-ulit at hindi nakakasawa. Yung mapipilit kang tumawa kahit hindi ka masaya.

Madalas ipinagpapalagay ko na ako ay isang laruan. Pinagpapasa-pasahan. Mainit sa mata ng lahat kasi uso o kaya bago sa kasalukuyan. Pero madaling mapagsasawaan. At may binabagayan. May puso pero hindi nakikita. Madaling masira kasi gawang low-class material. Madaling itapon na lang kung saan. 

Sa kasalukuyan, iniisip ko sana ako na lang ay isang orasan. Umiikot lang at hawak ng dalawang kamay ang kanyang buhay. Walang nakikialam. Sandigan ng lahat pero madalas din makalimutan.

Pero tao pala ako.

Monday, December 7, 2009

Insatiable

Man is an insatiable animal. They never get contented. They have selfish hearts. They have most of the time evil intentions. Vested interests reign in their life. They have worldly desires. They can't get enough.

You give them a fruit and they'll ask for a tree. You give them food and they'll ask for the recipe. You give them a coin but they'll ask for a bill. You give them water, they'll ask for a cola.

You give them a hand, they'll ask to get everything done. You offer them a seat yet will seek a lounge. You give them a ride, they'll find a car. You give them a script after which they'll ask for a book. You give them your heart, they'll ask for your life.

Whatever happen to simple and pure hearts? Wherever did morals and self-less love go? Is understanding too hard to give?

When man ask for something, they must also offer something in return. You cannot ask for something you cannot give. Or you can't demand for something you never did. You cannot point a finger if you also did something like that. We have no right to be choosy. We have no right to qualm. Everything we are now is a result of how we speak and think. How we have become is a result of our ingratitude. Everything is just how it is supposed to be.

Saturday, December 5, 2009

The Art of Letting Go

The art of letting go is an art even artist finds hard to learn. There are some I know who failed and fell over and over just by trying it.  And some died learning it.

Who would not know Richard Bach’s famous phrase: “If you love something, set it free; if it comes back it's yours, if it doesn't, it never was.”  To most of us, it is a cliché. But why is it too hard to follow? Why does the question of “how do we begin doing it?” pops through all the time.

Most of us not want to let go. Learning to accept is the hardest first stage we all have to deal with. The feeling of comfort, the regret, the pain of being on loose ends is just but a few requirements to master it. Not to mention there is also a dying heart at stake in doing this.

Why do you cling on even when you are in pain? Why do you hope when you know it is hopeless? Why do you still care when the world already left you carelessly?

Believe it or not, the highest form of love is to let go. Sounds weird? Sure it is. Risky. But worth trying. Just like a mother eagle who taught her child how to fly and catch its prey. It is so difficult to accept that the baby eagle has to fall on the ground to learn how to fly. Just like a parent who allowed her child to enter the dangerous world of education. It is difficult to imagine how an innocent mind can be polluted by worldly desires. Just like a voter who cast a vote in belief of change. Voters cast their most important vote knowing at the end of the day, there will still be vested interests to rule our government. And just like each one of us who let go of one chance to choose a better option. Gambling and risking our heart out.

These are all forms of letting go. Hard. Severe. Painful. Drowsing. Drowning.

But letting go also means bravery. Bravery to accept some things are better without our protective shelter.  Some things are meant to be explored by others. Some fruits needed to be picked by another farmer. Letting go does not mean we are losing something. It is just a mature way of moving forward and facing a better life.  It is also one way to gauge our capacity as leaders --- on whether or not we can soar high even without assistance from others or from our comfort zones.

It isn’t easy to start all over again. But the long-term results will prove it worthy. Letting go does not necessarily mean goodbye. Some things are just worth another try. In a new perspective. In someone else arms.

Wednesday, December 2, 2009

Pagbabago

Walang permanente sa mundo kungdi ang salitang pagbabago. Araw-araw nagbabago ang buhay natin. At araw-araw may pagbabago. Hindi ka nabubuhay para manatiling estatwa lang. At kahit tambay ka pa tiyak kong nagbabago ka din. Lahat nagbabago. Lahat.

Halimbawa, pagbabago ng araw: ngayon ay Miyerkules bukas Huwebes. Pagbabago ng edad: ngayon 27 na ako; next year 28 na. Ngayon lalaki yung crush mo, bukas bading na siya at mas mukhang babae pa sa'yo. Ngayon busog ka, mamaya gutom ka na. Ngayon may pera ka pa, bukas gusto mo sweldo na. Ngayon presidente si Gloria, sa 2010 congresswoman na siya!

Madaming uri ng pagbabago. May mga pagbabagong dumadating na parang hangin lang. Ibig sabihin, hindi napapansin at biglang nawawala na lang. Meron din naman parang bagyo; dadaan para sirain ang buhay mo. May mga pagbabagong parang tubig: patuloy ang pag-daloy at hindi tumitigil. May parang apoy; masakit at nag-iiwan pa ng lamat. Meron din pagbabagong akala  mo para sa'yo pero napupunta sa kamay ng iba. At may mga pagbabagong ayaw mo pero kailangan mo.

Hindi lahat ng pagbabago ay madaling yakapin o tanggapin. Hindi naman kasi lahat ng pagbabago ay kakikitaan ng kabutihan sa unang beses na makasalubong mo ito. Madalas kasi nakabalot ito ng mga salitang negatibo tapos ireregalo sa'yo. Dahil dito, hindi lahat matapang na harapin ito. At hindi lahat bukas palad sa pagbabago.

Pero mapipigil mo ba ito sa pagdating sa buhay mo? Masasabi mo ba sa petsa na huminto siya dahil ayaw mo pang tumanda? Mapipigil mo ba ang araw sa pagsikat dahil lang ayaw mo pa bumangon sa kama? Makakaiwas ka ba sa panahon gayong ang lahat ng ito ay mga pangyayaring itinakda na ng kapalaran? Mapipigil mo ba si Gloria sa pagtakbo sa pulitika e sa talagang sakim siya?

Sa totoo lang hindi naman talaga mahirap yakapin ang pagbabago. Nagiging mahirap lang siya dahil ayaw natin baguhin ang mga bagay na nakasanayan na. Ayaw natin magbago dahil ayaw natin mahirapan ulit. Ayaw natin tanggapin na magiging mas maginhawa lang ang buhay natin kung dadaan tayo sa panibagong sakripisyo at paghihirap. Bakit meron bang umaakyat agad na hindi lumibot para humanap ng hagdan pataas?

Ayaw man natin tanggapin, mahirap man unawain, masaklap man isipin, parte ng buhay ang pagbabago. Ganun lang yun. Pag tinanggihan mo ang pagbabago, tinanggihan mo na din ang mabuhay sa mundo.

Saturday, November 28, 2009

Tama. Mali. Isa pang Mali. Nasan ang Tama?

Aminin mo man sa hindi, tuwing nasasaktan ka, maliban sa pag-iyak at pag-aray ginagawa mo gumanti. Wag ka magpanggap. Minsan pa nga doble ang sakit na ibinabalik mo sa nakasakit sa’yo. Kung minsan naman, hindi ka man pisikal na nakaganti, sa likod ng iyong utak (kung meron man) ay ang mga mala-monyito mong plano ng pagganti.

Halimbawa na lang nung inasar ka ng kaibigan mo, tumawa ka ng malakas pero hinampas-biro mo siya ng pagkalakas-lakas na parang mababali na ang mga buto niya. Kunwari natutuwa o natatawa ka. Pero ang totoo, gusto mo lang naman makaganti sa maliit na paraan. O kaya naman nung minsang mapadaan sa harap mo yung kapitbahay mo nagpatay malisya ka na lang nung sinadya mong patidin siya. Di mo kasi lubos maisip na siya ang nakuhang muse sa liga ng baranggay imbis ikaw sa kabila ng pagiging maskulada at mukhang lalaki niya. Inisip mo kung masisira ang delapida niyang mukha matatanggal na siya sa paningin mo ng ilang linggo. Kaya lang malaki mag-bigay ng donasyon ang nanay niya kaya i-tsinismis mo na lang siya sa iba niyo pang kapit-bahay.

Gusto mo man iwasan rumesbak, di mo ito magawa. Kasi nga natural sa tao ang gumanti at lumaban kapag nasasaktan. Kahit na wala ka na sa katwiran.

Pero hindi dahil normal lang ang pakiramdam na ito, maari na natin itong gawing lisensya para makapanakit ng iba. Hindi lahat ng akala mong tama ay tama at hindi lahat ng alam mong mabuti ay mabuti nga. Kaya nga itinuturo sa eskuwelahan ang good manners and right conduct. At meron din counseling services ang simbahan. Lahat ng ito mga batas na hindi nakasulat pero sinusunod ng karamihan.

E bakit ka ba gumaganti kapag nasasaktan? Simple lang naman ang alam kong sagot diyan. Nakasanayan na kasi natin na laging sisihin ang iba sa sarili nating pagkakamali. Kumbaga, pinapagaan natin ang nararamdaman natin sa pinakamadaling paraan na alam natin. At iyon ang idamay ang ibang tao. Ang madalas nating katwiran: kasalanan kasi niya! Kawawa naman kung sino man siya. Sige nga, bilangin mo ang beses na sinuri mo ang sarili mo kapag nasasaktan ka? Gaano mo kadaming beses nasabi na kasalanan mo at wala ng iba pa?

Aba at pakiramdam mo pinanganak kang walang pagkakamali? Walang ganyan sa totoong buhay. Ano ito beauty contest? At feeling mo kung di mo idadamay ang iba, magiging mas magaan ang pagpasan mo sa mga problema ng mundo? Kung sa pakiramdam mo pasan mo ang mundo, mag-isip ka ulit! Hindi ka si Atlas at lalong di na uso ang Greek mythology ngayon.

Meron akong kakilalang babae.  Sinira daw ang buhay niya ng asawa niya nung mabuntis siya nito. Hindi daw tuloy siya makahanap ng trabaho at sa halip nag-aalaga na lang siya ng anak niya. Iniisip ko lang, paano nasira ang buhay niya sa pagkakaroon ng anak? At bakit ganun ang pakiramdam niya sa asawa niya? Sa pagkakaalam ko kapag nabuntis ang isang babae, gusto rin niya ito. Kasi wala namang mambubuntis kung walang gustong magpabuntis. Itinuturing kaya niyang sumpa ang anak niya? Kung di pala siya sigurado bakit siya nagpasakal este nagpakasal? Sino ngayon ang sumira ng buhay nino? Tsk... tsk...

Hindi naman masama humanap ng karamay, idaan lang natin sa katwiran. Mas madaling gawin ang mali pero mas masarap pakinabangan ang bunga ng mga bagay na ginawa sa paraang tama. Kung sa pag-ganti gumagaan ang loob mo, tandaan mong lahat ng bagay ay may kapalit sa mundo.

Yaman din lang trip mong mandamay ng iba, siguraduhin mo na sasaya ka sa bandang huli at di mo na kailangan pang magsisi.

Thursday, November 19, 2009

Bakit?

Kapag nababangga, nagkakapasa. At nagkakasugat naman kapag nadadapa. Pero bakit umiiyak ang tao pag nasasaktan siya? Ang pagluha ba ay katumbas ng mga sugat at pasa? Nasasaktan din ba ang mga mata kaya lumalabas ang mga luha? Bakit hindi kulay dugo ang luha? Kung umiiyak kapag nasasaktan, bakit naman may umiiyak sa kagalakan?

Bakit may tumatawa kahit hindi masaya? Bakit may masaya pero hindi maligaya? Talaga bang kailangan ng isang lalaki o babae para masukat ang kasiyahan ng tao? Bakit kailangan pang magdiwang kapag sagad ang kaligayahan? At bakit tinatawanan ang kapitbahay naming bungi? Hindi naman siya isang teleserye pero bakit marami ang nahuhumaling? Bakit may teleseryeng hindi patok sa masang manonood kahit ang bida dito ay ang pinakabata at pinakamagagandang nilalang sa larangan ng telebisyon? Kailangan ba talagang magaganda at gwapo ang bida sa pelikula? Bakit yung Pido, Dida patok sa takilya gayong ang pangit ng bida?

Kung tinatawanan ang nakakatawa, bakit sinisipulan ng mga lalaki ang sexy at maganda? Nagiging ibon ba ang mga binata kapag namamangha?

Bakit may nagsisinungaling at akala hindi mabubuking? At bakit may nabisto na pero sagad-tanggi pa din? Bakit kailangan maging totoo palagi? Meron bang kunwari lang na nabubuhay sa lipunan? Bakit kailangan may tao para mabuo ang isang pamayanan? Bakit may kapitbahay pero walang bahay? Bakit may mga bahay pero walang laman? Bakit may nagugutom kahit may pagkain? O kaya naman nagugutom pero tinitiis ang gutom? Bakit may naglalakad kahit may sasakyan? At bakit may gustong sumakay pero ayaw pasakayin o kaya walang masakyan? Bakit palaging matindi ang trapik sa Edsa? Sadya bang pink ang paboritong kulay ni BF?

Bakit may tanong pero walang sagot? Bakit may sagot kahit walang tanong? At bakit may intrimitida na sumasagot kahit hindi tinatanong?  Sa kabaligtaran, bakit may taong kahit anong pilit pasagutin hindi mo mapipilit paaminin? At bakit ayaw paniwalaan kahit nagsasabi ng katotohanan?

Bakit? Bakit? Bakit?

Sunday, November 15, 2009

Where I Left My Heart At

Yesterday, November 14, I went to U-Belt to arrange on something. Like my usual routine, I walked my way to my destination from Quiapo. After passing through Recto I realised a lot of things already changed. Some establishments have been changed by another. It was a surprise that those changes were mostly for the better. Hmmmm.... the only constant thing is change!

I passed by Morayta where my Alma Mater is located. FEU looks magnificent now. The new building extravagantly describes the university's passion for architecture and art. It didn't surprise me though that there were more street vendors now than before. Believe it or not, I was never a fanatic of street food but college years will be incomplete without it. Which student would miss it? If I wasn't on a diet, I wouldn't hold back in tasting those street foods again: hotdogs, kwek-kwek, fish balls, footlong, corn on a cob, banana cue, turon, etc. Yummy! But maybe another time.

I continued walking and found more students going the same direction I do. I suddenly felt being one of them. Seven years ago, I was walking the same rushing steps as they did. Going to computer shops to rush reports and do some print outs. Having the cheapest book binds by the nearby photocopy shop. Bumming around while waiting for the next class. Going to a friend's apartment to eat lunch or spend afternoon siesta. Or just mocking passersby to keep time running.


Student life. College years. Who could ever imagine that life will flow this fast? Seven years ago, I was rushing my way out of the university to the corporate world. But now, I'd like to turn back time to spend it back to school. I suddenly missed going to the library to research SCRA. I wanted to read the oldest books from the Filipiniana section again. Go up the 5th floor of the Law Building that has no elevator to attend one of my major class. I missed scholarly discussions with my professors. Ask out of the world questions during when I forgot to study my lessons. Come in late to class and get away with it. Or even debate my classmates to stop the surprise quiz from happening. How I long to go to the Freedom park. See mass at the chapel. Oh, how I missed being a college student again.

Now I am starting to get crazy and lost again. If I am feeling this emptiness for a time worth spent college years, how then will I manage to drift from the memories of my graduate studies life? The path I failed to complete or should I say I am delaying to complete.

I suddenly felt going to UP again. Walk my way from Asian Centre to the main library and back to do long research. Borrow books which I always rush to complete reading. Even sweat and tired, I long to see the NCPAG library one more time to hand write my papers. Eat at the College of Law Cafeteria after a day of research at the library. I loved waiting at the Romulo Hall grounds for my class to start.  Eat isaw or drink buco juice at the shopping center. I miss seing the beautiful  Film Centre and walk towards the College of Music for nothing. And before I forget its been quite a while since I've tasted Devil's Food Cake from Chocs and Kisses.

It's shameful to admit but I have to. This path I am now is difficult to pass through because my heart is not there. I left it somewhere else.

Wednesday, November 4, 2009

Diet Another Day




Ilang buwan na lang 2010 na. Isang bagong taon na naman ng mga uso at mga nagpapauso. Ang trend daw ng taon na ito ay Health and Wellbeing. Di niyo ba napapansin, halos lahat ng produkto ngayon may pangako ng “better life.” Meron diyan tsa, kape, food supplement, damit, sabon, juice, atbp. Kahit nga asin at toyo idinamay na din. Lahat ng mga produktong ito ay may pangako na sa kabila ng mabilis at modernong pamumuhay, may solusyon na upang paginhawain o di kaya pahahabain ang buhay natin.

Pero ang hitik talaga sa merkado ngayon ay ang samu’t-saring produkto ng pampapayat. May tabletas pa na iinumin tapos papayat ka daw --- effortless! Tinanong ko yung kaibigan ko na tumatangkilik sa inumin na yun, akalain mo daw palagi siya nakakaramdam ng pagsakit ng tiyan. Pero okay lang daw yun kasi parte daw yun nung produkto. At kailan pa naging effortless ang pananakit ng tiyan? Tsk... tsk.... tsk.

Sa makatwid, ang mga manlolokong produktong ito ay hindi nakakapagpabuti o nakakapagpahaba ng buhay. Ito ay pansamantalang solusyon lamang.  Hindi ko minamasama ang iba na gumagamit ng mga produktong iyon. Ang sakin lang, pag-aralang mabuti kung totoo ang sinasabi ng kanilang ’marketing strategy.’

Kaya ang adik na kagaya ko ay sinubukan ang dramang go natural.

Nung minsang nagpa-check up kasi ako sa duktor, pinagsabihan niya ako na magbawas daw ng timbang kasi nagiging sanhi ito ng aking pagkakasakit ko. E siyempre, ayokong matsugi ng maaga kaya sumunod naman ako sa kanya.

Ang kaso lang, hindi ko inakala na ang pagdidiyeta pala ay magdadala sa akin ng pinakamalaking komedya ng buhay ko. Una, hindi ko inakala na ang mga halaman na kinakain ng mga kambing, kalabaw at kabayo ay puwede din pala sa tao.  Kasi naman sa dami ng kinakain kong dahon (garden salad, lettuce salad, vegetable salad --- parehas lang lahat ito) kulang na lang pati damo kainin ko na. Halos nakalimutan ko na nga ang pagkakaiba ng mga lasa nila.

Pangalawa, dahil sa drama ko naging unlicensed nutritionist-dietician na ako. Paano ba naman lahat ng kinakain ko binibilang ko ang calories. Bawal ang high-carb, kailangan low fat, high-protein at kung anu-ano pang rekisitos para lang makakain sa isang araw. Hindi naman nutrition ang tinapos ko, pero bakit bigla ko na lang inaaral ito?

At isa na rin akong fitness consultant sa dami ng exercise na inaaral ko. May exercise para sa braso, sa palo-palo este hita, sa bewang at balakang, sa paa, sa binti, sa kamay, daliri, atbp. Kulang na lang mata, ilong, bibig at tenga ko mag-ehersisyo na din. At kailangan naka-monitor ang timbang ko. Para lang akong ibebentang hayop ano?

Pero ang lubos na nakakaaliw isipin na parang damit pala ang klase ng mga diyeta sa mundo. Ang dami-dami. Iba-ibang klase at nagbabago siya sa paglipas ng panahon. Meron silang tinatawag na Blood type diet kung saan ibinabagay sa uri ng dugo ang paraan ng pagbabawas ng timbang. E paano kaya pag royal blood? Hindi sinabi nung duktor kung paano e. Diyetang popular sa mga artista --- South Beach Diet.  Pero hindi ito diyeta na pang-dagat. Dito naman pinapag-aralan ang good carbs vs bad carbs. Nakakatawa lang kasi parang hahampasin ka kapag kumain ka ng bad carbs at sasabitan ka ng medalya pag good carbs ang kinain mo.

Kahindik-hindik ang lahat ng ito. Parang ayaw ka na pakainin at parang kasalanan na kapag kumain ka pa.  Kaya ako isang diet lang ang paborito ko sa lahat: Diet another day!

Wednesday, October 21, 2009

Tulog Ka Na Ba? Part Two

Sa unang bersyon ng blog na ito, nailarawan ko na ang tindi ng hirap ng pagbibilang ng tupa kapag hindi makatulog. Ito ang dahilan kaya binilang ko ang pigsa ng kapitbahay namin. Kaya lang lumipat na siya at wala na akong mapagbalingan. Balik tupa na tuloy ako.

Nung minsang di na naman ako makatulog, nagbilang na nga ako ng tupa. Tupa sa Facebook. Malaking bagay talaga ang nagagawa ng teknolohiya. Nagagawa nitong posible ang imposible. Kaya mga friends, padalhan niyo ko ng maraming animals sa Farmville at Farm Town ha. Wag lang yung baby elephant, masyado kasing malaki. Naalala ko tuloy yung katawan ko palagi.

Sa mga nagdaang araw, maswerte na ko kung makatulog ako ng 5 oras. Ewan ko ba, habang tumatagal lalong lumalala ang insomnia ko. At sa palagay ko malaking dahilan nito ay ang pagsulat ko ng blog na Tulog Ka Na Ba? Dahil dito, yung mga dating gimik ko di na epektib. Wala na tuloy ako mabiktima! Siyet! Bukod pa dito, talagang impluwensya sa’kin ang Facebook. Kung bakit naman kasi inimbento nila ang samu’t-saring application dito. Kulang tuloy ang 24 hours para masagot ang lahat. Tsk... tsk... tsk.

Nararamdaman ko na talaga ang epekto ng laging kulang sa tulog. Nung minsang lumabas kami ng mga kaibigan ko, napansin nila na may dumi daw sa ilalim ng mata ko. Pinunasan pa nila. Ayaw matanggal. Shet! Eyebag kaya yun, mukha lang uling na pinahid! Inisip ko tuloy, concern lang ba yun o nilalait na ko? Pero okay na din yung maitim na eyebags. At least hindi ko na kailangan mag-make up. Kunwari na lang pankista ako. Di ba uso naman yun?

Ika nga ng mga matatanda, ang hindi pagkatulog sa gabi ay sanhi ng malalim na pag-iisip. E paano naman yung mga blangko ang pag-iisip sa kadahilanang wala itong laman? Hmmm... medyo mahirap din ito ha.

Sinasabi ng mga totoong eksperto na mabisa daw ang musika sa mga di makatulog. Ang naging problema ko lang ay ang pagpili ng musikang pakikinggan. At kagaya ng iba ko pang mga kaibigan, may nagsabi sa’kin na mainam daw pakinggan ang mga klasikong piyesa ni Beethoven o kaya nung kay Mozart. Sinunod ko naman ang payo niya. Nung umpisa talagang na-relaks ako. Parang hele na umiihip sa duyan. Talagang payapa sa damdamin. Ayan konti na lang at makakatulog na ko. Nakapikit na yung isang mata ko  ng bigla na lang akong napabalikwas. Aba! At bakit tunog pang-ponebre pala ang mga ito?! Naririnig ko na ang mga tugtog na ito kapag may patay. Teka, teka. Nagpapaantok lang ako, hindi ko gusto pakinggan ang magiging tugtog sa araw ng libing ko! Utang na loob.

Di bale ng wag makatulog. Hayaan na natin ito.

Saturday, October 17, 2009

The Adventures of Ugok 4 and Kikoy Matsing

Noong araw, si Kikoy Matsing at si Ugok 4 ay matalik na magkaibigan. Sa di malamang kadahilanan, sila ay naging magkabigan. Wala naman kasi nakakapili ng kaibigan. Sino makakaisip na ang isang hayop at tao ay puwede rin pala maging isa sa puso. Kahit ayaw mo man sa isang tao, magigising ka na lang isang araw na magkasundo na pala kayo. At kahit anong sampal mo sa mukha mo, di ka na matatauhan dahil magkaibigan na kayo. Wala ka man choice masaya ka pa din. Pero lagi mo dapat alalahanin na kahit ipinagkakatiwala mo ang sarili mo sa iba, dapat mas mahal mo pa rin sarili mo. Baka sa dakong huli naging magkaibigan pala kayo dahil sa benepisyong kaugnay nito. Sa modernong salita, ang tawag dito user friendly.

Minsan sa pamamasyal ng magkaibigan ay nakakita sila ng puno ng saging. Sabi ni Kikoy: “Ugok 4, friends naman tayo, sakin na lang yung saging. Tutal naman matsing ako.” Tumawa ng malakas si Ugok 4 na animoy masisiraan na ng ulo. Hala tumawa pa ng tumawa labas na ang utak sa ngala-ngala. Ayun at hindi na siya makahinga, kailangan na ng Lifeline Arrows! Naglupasay na sa kakatawa. Biglang sagot: (Erap mode) “Walang kai-kaibigan. Walang kama-kamag-anak. Wag mo ako susubukan! E ano naman kung matsing ka, mukha naman akong matsing! Wahaha haha”

At duon na nagsimula ang pinakamalaking pagtatalo ng dalawa.

Dahil hindi sila magka-sundo, naisipan ni Kikoy Matsing na idaan na lang sa duwelo ang laban para sa puno. Ang magkamali ay siyang pipingutin ko! Ay hindi pala, pag nagkamali iikot ng 100 times habang nagpu-push up tapos magka-cartwheel ng paulit-ulit hanggang makarating sa Ali Mall (Visayan version ng Ale Mall. Ito ang bagong tayong mall sa lugar na di pa natatagpuan). Pagkatapos pararanasin ko ng Roller Coaster Ride na isa rin sa mga blog na isinulat ko.

Nagustuhan ni Ugok ang ideya kaya sumang-ayon siya. Parang Amazing Race to Death lang ito o kaya parang Beer Factor Challenge. Ek – say – ting!

Round 1: Sinubukan nila ang larong bato-bato pick. Heto ang pinaka-mabilis at pinaka-mabisang basehan ng lakas. Walang ekstra pawis na bubunuin. Kung baga, di na kailangan gamitan ng utak ang mga simpleng bagay. Pers time lang maglalaro ng bato-bato pick ni Ugok 4 kaya pinagbutihan niya ng husto ito. Hindi kasi naglalaro ng mga ganito ang taga-alta sociedad. Poor man’s game daw ito. Rich kid sya! Ang kanyang game plan: matalo si Kikoy sa loob ng 2 seconds. Agad niyang kinuha ang pinaka-malaking adobe sa kanto ng gubat sabay sigaw: “Bato! Batoooo!!!! Pick mo Kikoy!” Nagulantang si Kikoy sa ginawa ng kaibigan. Huli na para saluhin ang bato. Hindi niya mawari kung mag-a acrobatic siya o kaya naman mag-aala matrix moves o di kaya sisigaw ng darna para magkaron sya ng super powers. Hindi naman kasi siya si Ding para maging alisto sa mga bato. Sapul sa mukha niya. Five stars! Five stars ang nakita niya paiikot-ikot sa paningin niya. Panalo si Ugok 4 kay Kikoy Matsing. By Teknikal Nak Awt!

Round 2: Nang magkamalay na si Kikoy Matsing, tuloy na ang laban. Naisipan naman nila ang tagisan ng lakas. Tug of War na lang daw ang laban. Agad na kinuha ni Ugok 4 ang kanyang NSeries 955555000666 at nag-text. Ginamit niya ang Unlimited Textless power ng SunnySmart on Globe Network! Tatawag siya ng tulong sa mga kaibigan niya.

Samantala, naisip ni Kikoy Matsing na gumanti kay Ugok dahil sa nauna nilang laban. Ito na ang kanyang pagkakataon para maungusan ang kaibigan. Kapag nasaktan dapat lumaban. Nang makahanap na siya ng lubid, kumuha siya ng alkitran at ipinahid sa lubid. Iyon ang lubid na ipapahawak kay Ugok 4. Tingnan na lang niya kung manalo pa ito.

Nang makabalik si Kikoy Matsing nagulat siya sa kanyang nakita. Napupuguran na ng mga sanggano at barbaro ang lugar tagisan nila ni Ugok 4. Yun pala ang tinawag na tulong ni Ugok 4. Agad siya inatake ng mga ito. Binugbog siya ng husto at walang itinarang balat na walang latay. Tuwang-tuwa si Ugok 4! Panalo na naman siya! Ito ang bersyon niya ng Thug of War!

Hindi na inabutan pa ng ikatlong round si Kikoy. Black-out. Nagisnan niya ang sarili sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Puti ang paligid at sobrang tahimik. Agad niya hinanap si San Pedro. May babaeng nakaputi ang sumagot: “Wala si San Pedro, si Lucifer po ang kapalit niya.” Sampung ulit na nag-antanda ng krus si Kikoy! Aba at nasa impiyerno pala siya. Buti na lang nakita niya si Ugok 4 may yakap na puno ng saging. Sabi niya: “Lumabas lang si Dr. Lucy. Masakit ba?” sabay pinisil ng mahigpit ang namamaga at kulay talong niyang kamay.

Hindi na nakasigaw pa si Kikoy Matsing. Hinimatay na siya sa sakit. Napakamot lang ng ulo si Ugok 4 at nagtatakang nagtanong: “Anong nangyari?”


Moral Lesson: Tuso man daw ang matsing, siya ay matsing pa din. At dahil Ugok na tunay na maituturing, sa dakong dulo’y ugok pa din.

Wednesday, October 7, 2009

Ang Parada

Tanggap ko na. Tinigil ko na ang pagnanasang makita kita ulit. Tuluyan ka na kasing nagpaalam. Huminto na ko sa paghihintay, alam kong hindi ka na babalik. Hindi naman ako manhid. Nakakaramdam din ako. At alam ko din naman ang limitasyon ko. Bakit ko aaksayahin ang oras ko kung alam ko namang walang patutunguhan ito? Alam kong di na mauulit ang nakalipas pa. Pansamantala lang ang lahat.

Ninais kong habulin ka, pero di mo na ako nakikita. Kaya hininto ko na ang ilusyon at pag-asang makita ka muli dahil iba na ang direksyon ng iyong paningin. Nakahanap ka na ng ibang pag-aalayan ng iyong mga ngiti. Bali wala lang ang sandaling kapiling ka. Para sa iyo hindi naman ito mahalaga. Gusto ko sanang banggitin ang pangalan mo, pero pipigilan ko na lang ang sarili ko. Magpapanggap ka lang naman na walang narinig. Sa hangin lang mapupunta ang mga salita ko.

Kumulimlim na ang langit sabay ng sakit na aking nadarama. Ang sandaling pagtingkad ng araw ay isang alaala na lamang. Sa dakong huli talagang ako ay panghalili lang. Ganito na talaga ito. Kailangan ko na itong tanggapin.

Sa susunod na lang... magdadala ako ng ballpen tapos magpapa-autograph na ko, ha?

Friday, October 2, 2009

Bawas Kaalaman: Mga Salitang Di Dapat Matutunan

Babala: Ang mga salitang mababasa sa ibaba ay mga karunungang hindi dapat yakapin ninuman. Ito ay mga salitang orihinal ngunit kinopya lang ng may-akda. Obligasyon ng mga bumabasa na tumawa kahit corny ang istorya. Iba-ibang trip lang yan. Hindi ito puwedeng kopyahin. Gumawa ka ng sarili mong bersyon! Ang manggaya: sabog!

Absent – (abbb – sent) – ito ang pamosong bar sa Greenbelt 3. Kadalasan makikitang nakatambay dito ang gwapong si Borgy Manotoc. Sang-ayon sa bangaw na nakasabay ko sa bar na ito, bagay daw pumunta dito ang mga mahihilig sa dagat. Medyo matagal ko inisip kung bakit kasi hindi naman matubig ang lugar na iyon. Buti na lang isa pang bangaw ang nagsabing:  “Techno daw kasi ang music dun.” Ayun saka ko naisip ang salitang techno-marine. Sabihin niyo nga, ako ba ang slow?!

Violait – (va-yo-leyt) – kulay na paborito ng mga taong may hilig kay Barney. Ito din ang kulay ng paborito kong ice cream: ube. Minsan ginamit din ang salitang ito ng galit na mamang pulis na nakatago sa ilalim ng Mantrade para ipaalam na may nalabag kang batas trapiko. Pahihintuin niya ang sasakyan mo sa gitna ng daan kung saan kukuyugin ka ng mga dyip kaya bababa ka na lang ng walang angal. Tapos hihingin niya ang lisensya mo. Makikita mo na lang nakasulat sa tiket na nag-violait ka pala ng trapik rules. Imbes magalit ka, tatawa ka na lang.

Shine – (shayn) – ang tawag sa mga paskil/poster na nakasabit o nakadikit sa mga poste o pader. Madalas ginagamit ito sa mga batas trapiko.  Minsan nagawi ako sa QC, nagulat ako dahil lahat ng bangketa dun nakabalot ng peyborit color ni BF: pink.  Sinubukan kong tumawid para makasakay. Nagulat ako ng malakasang hinila ako ni mamang MMDA pabalik sa pedestrian lane, sabay sigaw: “Bawal po tumawid dito, magbasa po kayo ng trapik shine!” Mabuti na lang magalang siya, napigilan ko ang pagtawa.

Red –  (red) – Past  tense ng salitang read. Galit na nakipagtalo pa sa’kin sa spelling yung yaya ng anak ng kaibigan ko nung  minsang i-tama ko ang lesson nito. Kaya pala kumukuha ng tutor ang kaibigan ko. Mapanganib pala si yaya pag hindi binabara.

Fashion –  (fasss-shyon) – ang ritwal na ginagawa tuwing Semana Santa. Si manang kasi, nagpapanggap na sosyal dahil nakapunta na ng states ang anak. Ayun naging komedya tuloy ang padasal.

Yellow – (ye-low) - Ito  yung malamig na kinakayod na parang snow at ginagamit na pang-sangkap sa halo-halo. Sinagot ko ang tanong ng isang kaibigang nag-aaral mag-Tagalog kung ano ang translation ng ‘ice.’ Sinulat niya ito at ng aking basahin, ganito pala ang kanyang spelling.

Serious –  (Sir–yus) – pangalan ng peyborit Harry Potter character ko: “Serious Black.” Mali ba spelling? Okay lang yun, uso naman yun e.

Fowcett –  (fow–sett) – English translation ng gripo. Ganito kasi mag-pronounce kapag In-english ang Tagalog na paraan ng pagbabasa. Nung isang araw lang nanood ako ng dokyumentaryo ng mga abnormalidad ng tao. Isang doctor-psychologist ang nagbanggit ng fears ng tao. Nabanggit niya ang salitang ito. Sinubukan ko pang i-rewind. Tama nga ang dinig ko. Nawalan agad ng kredibilidad si Doc sa’kin. Mahirap na baka makakita pa ko ng praning, tapos hampasin ako ng tu-bow.

Trends –  (thrends) – Subsection ng mall kung saan ka makakabili ng mga sinulid, karayom at kung anu-ano pang gamit na pantahi. Isang flyer ang nakapukaw ng atensyon ko. Ang nakalarawan: isang napakagandang hikaw at kumukinang na singsing ang diumanoy naka-sale. Dagdag pa sa flyer, sa trends section daw mabibili yun. Tinanong ko yung isang sales lady kung saan ang trends section. Pinuntahan ko sang-ayon sa kanyang direksyon. Anak ng pating! Sinulid ba bibilhin ko?

Tuesday, September 29, 2009

Beautifully Hidden Blessings

Once again, the country suffered devastation from mother nature. More than physical damages, people suffered emotional turmoil and traumatic experiences. At this stage, NDCC has counted 106 fatalities, 73 of which from Rizal area alone and they are still counting casualties. Since Saturday, we heard a thousand version of stories from different people on how much the typhoon brought damage to their homes and families.

We only see darkness at this stage caused by brownout, no cable TV, poor network coverage, no internet connection and a lot more. There were homeless families, hungry stomachs and what have you's in the world.

We may be saddened and disheartened at this stage. Sorrow fills our heart. While it is indeed difficult to turn our head towards goodness, we have to force ourselves to look towards God's direction.

What happened last Saturday may be a tragic scenario to most of us, but let's look at the greater blessings it brought us. The television had been non-stop in calling for donations and offering help. Government officials has released a multitude of funds to help those people who have suffered from the phenomenon. There were volunteers here and then. And people over the world sending concerns and news over the internet.

Who could ever imagine that in a span of 36 hours, television stations can raise millions of goods and cash to fund the relief operations. How can we describe the hundreds of our younger generations who went out and volunteered their service to those who are in need? Isn't it also rightful to say that God is also looking at us when He showed us that even the rich can also get affected by a natural phenomenon? And while this happened, don't we find it magnificent how energetic those rescuers are in finding casualties even at the most impossible place? Can't we see the warmth of prayers and texts sent to us by our dearest friends? Don't we also realise how strong bonding we have made with our neighbors who has been helping us constantly amidst them needing help as well? And how beautiful do we find everyone constantly praying for those who suffered the most.

Remember: Weeping will be followed by joy (Psalm 30:5). We may be grieving in pain because of the loved ones we lost, the material things gone and the homes we can't go back to. But we also have to count those beautiful blessings sent by God to us.

Gratitude to those who opened property doors to serve as immediate evacuation centres. Deepest thanks to people who stretched their pockets to generously give despite economic crisis. To churches who magnificently offered prayers during masses and services. How wonderful it is for the good hearted NGO's to offer help without even being asked. And don't we find it weird now that our government is cramming to find the solution to this current problem. In the end, this is all about Filipino values being tied back once more.

While we sank in deepest weary, remember that we owe it to God that we are still alive today together with the rest of our family members. He could have easily taken our lives. But see, He spared us his mercy. He has shown us his everlasting love.

It might be pain right now but this might also be His call to draw us all back to him. Let's continue to pray hard for those who are in pain and is suffering that they may learn to let go and move on. God is an ever loving and merciful God. He listens and he fills our heart. All we have to do is call Him and let's not lose faith. Amen.

Thursday, September 24, 2009

Honest Lies

The biggest and the most repeated mistake any person can make is the denial of pain and rejection.  That’s why you mostly hear the phrases” “it’s okay,” “you’ll get by,” “that’s all right,” “there’s another chance,” etc. There is nothing wrong with this. Being human, you have an unconscious defense of protecting yourself from pain or shame. It’s human nature also to say nice things about failure to make someone better. The only time this turns unhealthy is when you start being addicted to the momentary feeling of comfort.  This leads you to delineate your physical being from thinking rationally and practically.

Like for example when someone is overweight you modestly term it as “healthy” even when your tongue is almost saying “obese”. Or when your friend religiously auditions for a  singing group pretending you don’t hear her being tone deaf and you still aid her the illusion that there will be another group next time. When at the back of your mind, you already plan to offer your novena to get her wish granted. Or you met the ugly frog princess of your friend and utter “she’s really nice” to the question of “How does she look like?”. You assume that just because you get away with it once, you presume everything will be the same as the previous ones. What you don’t realise is that the more you do this, the more you open yourself to greater lies.

Sadly, the big difference between knowing and feeling is invincible to the naked eye. You most of the time know that you’re all already at the tip of falling yet you hopelessly believe that there might be another chance. You quietly deny yourself the truth because you are just either scared to face the truth or you are just too coward to let go.  For instance, you tag your relationship as “it’s complicated” when the term only means not in a relationship. So what?!  You can’t decide whether or not you are in a relationship? Or are you trying to make people believe you are in a relationship but it’s just too complicated to even start with? What you’re actually telling me is that you’re in a quagmire but still thinks it is just fair so.  So what’s the difference between status “it’s complicated” and being single or not in a relationship?  Simple: it’s complicated gives you the delusion that you are in an unsure state of mind whether to stay or not stay in a relationship. In other words, you are honestly cheating yourself. While being single only means you accept being not in a relationship but it gives you the optimism of being happy in the future.

Culture check: Filipinos love to sugarcoat things to stay in a harmonious relationship. Listen: Your heart deserves truth for once.  You once heard Thomas Jefferson say:Honesty is the first chapter to the book of wisdom. Yet you only prove that wisdom does not apply to you.

I remember Paolo Coelho mentioned in one of his novels: “No one can lie, no one can hide anything, when he looks directly into someone’s eyes.” So prevent yourself from the habit of lying.  Try gazing into someone else eyes and begin telling the truth. Stop being nice to someone just because of what they can give or offer. Believe me, they only need an honest and a clean heart from you. You can simply bitch once and get it over with or allow yourself to be deceived and miserable till your next life.

Simply say “I’m not interested” to a man who offers to date you than say you are unavailable and think he’ll stop courting you. Or just say “I’m lazy today” than fabricate your reason for unapproved leave of absence and be found to be roaming around the mall by your supervisor. And be transparent to say STOP! rather than saying "till next time."

It isn’t too late to do it. You not only give enough justice for yourself but also avoid from sinning. In the end you will unravel the difference between an ordinary person and a knight: an ordinary person wears an armour to protect herself.  While the knight wears it to protect and fight for the greater truth.

Friday, September 18, 2009

Perfectly Imperfect

Silky, flawless skin…those cheekbones…34-24-35…flat,  toned
abs…long, cellulite-resistant legs…she looks perfect! You are watching Top Supermodel of the World Cindy Crawford on cable TV and you could hardly deny the powerful rush of heat on your face as you blurt out, "I dont like her!" Listen: Envy.What you’re actually saying is that you’re incredibly imperfect and perfect Cindy Crawford rubs it in.

To start with, you wake up one morning with a hideous angry zit right in the middle of your nose. You never imagined that being a late bloomer meant having acne at age 30. You’re panicking over the fact that you have the same waistline as your brother, who’s a wrestler and a football player, that’s why you hardly wear your blouses "tucked in." You cringed every time you hear the name Bill Clinton on TV…which reminds you of your "belly". And your litany goes longer—face is too round, nose is too flared, gums are too dark, you have no butt, you have three chins, etc.., etc.

Most people are uncomfortable with imperfection. And it doesn't have to be in the physical aspect alone. Intelligence, talents, expectations, and yes, even spirituality, is judged by the standards of "imperfection." We keep saying, "Nobody’s perfect," but we have a hundred and one ways of denying our imperfections. A writer wrote, "Words as is well-known, are the greatest foes of reality." The unspoken reality says that you have to be the best, the most excellent, the prettiest, the most popular, or you are nothing at all. This is a tragic human mistake because being human is being all or nothing at all. You were, are, will always be a paradox—beautiful and ugly, winner and looser, sinner and saint.

One of the trademarks of the closet perfectionist is the great difficulty to forgive oneself. Because of the all-or-nothing standard you haven't gotten around to forgive yourself for the past sins. Like, you made life difficult for your mother five years ago because you got pregnant and didn't know who is the father of your son. And you slandered your best friend last year…so day in and day out, you carry the weight of guilt and shame. And because you’ve mastered the art of being nasty to yourself, you experience great difficulty forgiving and accepting others. The bible says, "Love your neighbor as you love yourself."

I am convinced that the reason most people cant forgive and love others is because they cant forgive and love their own selves. So, why not abandon the self-defeating attitude of perfection? How? Simple. Forgive. Forgive yourself for being imperfect. Forgive your parents for being imperfect. Forgive the world for being imperfect. And go back to God’s embrace for making the presence of crack’s in everything thing he has made the wondrous perfection of imperfection. For love won't exist without it.

Being human is the art of living with our imperfections each day. Every waking moment. The Bible calls it pilgrimage. God doesn't expect you to be perfect, He expects you to be a pilgrim. Why not begin your pilgrimage today. You’ll finally feel more at home with yourself and others. Much happier, too.

And by the way, Cindy Crawford hasn’t had much success in marriage. Pretty imperfect?

Monday, September 14, 2009

Ganito Kami sa Makati

Subtitled: How to become a registered voter and wish you hadn't at all
                

Wag sana ganito sa buong bansa!

This blog is a yellowApple post. I am not scared and I dare to shed light to everyone. In this blog, I will let everyone know how I managed to overcome a horrible experience courtesy of COMELEC – Makati Branch.


Last Friday, I went to process some papers for my plan to go back to school. It was a freaking rainy day. Since I finished early, I decided to drop by COMELEC to finally exercise my privilege and my right to suffrage. I'm already 27 and been a tax payer for 7 years and haven't even had a say on my government. I thought this was high time for me to finally have my vote cast for next year's election. Plus the fact that I am a real admirer of Binay and he might need my support when he run for national election. This on my mind, I climbed my way up the 2nd floor of Makati Fire Station where COMELEC office is located. To my suprise, I found the lobby free of people lining up for registration. I knocked and enter the office only to find Ms. Eyeglasses on the front table. I asked if I can do my registration that day and she immediately shun me away saying that there is no registration that day and that I should get back on Monday.

As a first timer I politely asked the requirements to get registered. The less polite Ms. Eyeglasses shun me away the second time and directed me to the wall. The wall lists valid ID's which can be used for registration. Since, I am literal enough to understand that the wall does not speak, I bugged Ms. Eyeglasses again and asked: "Heto lang po ba ang requirements? Kailangan bang mag-submit ng ID na may Makati address?." Thankful enough Ms. Eyeglasses has not change mood and snobbishly said: "Isa lang sa mga yan!"

Since she's the boss, my only recourse is to go home and wait for Monday which happened to be today.

I remember waking up as early as 5am today just to get prepared but never did I thought that I'll have an extended nightmare.What expected to have been a good day turned out to be such a horror story that I dare not watch again.

I came with my brother so he can also get registered. We arrived 9AM at the office and was welcomed by Mr. Thin guy who immediately instructed us to photocopy our IDs. When we got back, he scanned through our photocopied IDs and said that the IDs weren't valid as there is no address listed on it.Whoooaaaah! I immediately recalled and retold what Ms. Eyeglasses told me but I was not listened to. He directed us to get a Police Clearance. Fine again. Boss number 2.

When we got to Makati Central Police Station, there were already a lot of people lined up to get their clearances. Dismay as I am, I have no choice but to line up and get it done for the day. I was overwhelmingly surprised to find the cost of the clearance. Php170! Just enough to feed a poor family's meal. Truth is, the clearance only cost 50 bucks, the remaining 120 is for their so called "Technical and processing fee." My initial reaction, who are those technical processing people and why do they charge that much?

I suddenly remember one of the subject courses I took in college where we analysed how there is such a big rate of unemployment in the Philippines. I can't help but think that however developed Makati is, we still can't deny the fact that there are still poor families living in this city. Assuming that Makati have good employment rate, we can't negate the fact that there are still a lot who strives to get employed and always unsuccessful. Why did I say so? All employers right now requires applicants to submit police clearances. And for a breadwinner of a poor family who barely make food on the table, paying Php170 bucks for a police clearance will have to let go. I wonder if Makati is ever thinking of this. But enough of this ideologies.

I am assuming that the technical and processing fee will cover for printing, paper, picture ink and police merienda. And since we are talking about technical fee, this might cover the load credits of the techie Mr. Superguard who is busy with his mobile phone texting that when I asked the process on getting the clearance, he asked me to line up. We were already standing for 5 minutes when the nice lady in my front said that the line is for picture taking and that I should first fill out a freaking form before paying. WTF! Mr. Superguard misled me simply because he can't be bothered texting! Fine and done thee. Just to finally undergo the correct process I let go. But for whatever reason, my brother was called and was asked to take his picture again, as apparently according to the so called technical staff, the information input isn't successful. How and why in the world they don't always make it on the first time?  Why do they still run carabaos when there are already tractors around? My only point: if they have the face to charge people that much, they should also have the balls to improve their system.

So after an hour and a half, we finally have our clearances. We went back (excitedly?) to COMELEC, but Mr. Thin Guy is no longer there. He was replaced by Big Daddy in orange who said that it is already cut off and that it is time that they go on lunch now. He took our photocopied IDs and said will just call our names by 1pm.  I scanned through my watch and found it is a quarter to 11. Do I have a choice again? This is Boss Number 3 we have on the floor.

We came back and found a lot of people already waiting. It was already 1:05 and no one started calling names. The office door is still closed no matter how many people already knocked. Big Daddy in orange went out the door by 1:10pm and announced: "Tapos na po ang cut off. Balik na lang po kayo bukas ng umaga. Dapat po alas-tres ang cut off kaya lang madaming tao kaya bukas na po kayo bumalik." WOW! Raging people here they come. Let's go back to what he said: there were a lot of people hence the cut off was not extended? So what the heck? Why didn't they ever let the hungry and angry people waiting outside know?

It is such a humid aftie and so that explains why people were really nuts about waiting. How come there's not even a single exhaust around? At 2pm, there was this Mr. Tummy who went out of the COMELEC office and began shouting to people. His litany includes people blocking the doorway, people can't understand that they can only accommodate a certain number of individuals a day, people shouldn't be angry etc. etc.. So let me go back to him and ask: why is he ranting outside when he should have been working at his desk and speed up the registration process? Why is he is taking a cigarette break chatting with his fat buddies outside when he just came from an extended lunch at 1:10PM? And why does he need to freaking bitch outside when he could be a little diplomatic.

Sum up we ended at 3:30 PM.

That tragic registration process cost my whole day when I could have been spying for another interesting school to accommodate me next semester. Or I could have been using this to rest. My brother lost his two therapy sessions and has been unproductive for the day. Not to mention the disappointment from his clients. I am just thankful I am on leave today and my brother's a free lancer. But how about the other citizens out there? They only want to invoke their right to suffrage. But they have been made to wait for hours, hungry and heat exhausted but earned nothing.

I freaked out with the realisation that government staff can boss around because no one else will do the job if they don't. For the first time since he ruled Makati, I begin to lay doubts on our dearest Mayor. I might have to check other options for national election.  And how else can he fulfill his banner? I wish this doesn't happen to my entire motherland.

Sunday, September 13, 2009

Pagbabalik Tanaw

Ika-13 ng Setyembre 1982. Ipinanganak ako sa ganap na ika-anim ng umaga. Isa itong araw na hindi inaasahan ng lahat. Isa itong binabagyong araw ng Setyembre. Parang sumpa lang. Akalain niyo pagkapanganak ko pa lang, lumuluha na ang langit. Bakeeeeettttt?

E wala naman kasing alam na buntis yung nanay ko. Unwanted Child  kasi ako. Maka-ilang ulit pa ngang binalak na ipalaglag ako. Iniisip ko, kung talagang ninais ng nanay ko na ipalaglag ako, wala din naman ako magagawa. Kasi wala namang bata ang humiling na mabuhay o ipanganak sila sa mundo. Hindi sila nagkaron ng karapatan mamili ng magulang.

Nung ipinagbubuntis ako, ilang beses sumapi sa kulto ng starvation ang nanay ko. Di siya kumakain at talagang hunger strike ang drama ng samahang iyon. Sinubukan niya pa nga mag-yoga noon sa pag-aakalang isa itong uri ng akrobat na nakamamatay. Naisipan din pumasok ng nanay ko bilang isang detektib para lang lubusan siyang mapagod at mawala na ko sa sinapupunan niya. Binalak din niya mag-bungee jumping para matuluyan na kaya lang hindi natuloy kasi may acrophobia siya.  At kung ano-ano pang gimik ang naisip niya. Kaya lang olats siya palagi. Sadyang malakas ang kapit ko. May lahi ata akong mangkukulam kasi talagang kinapitan ko ng husto ang tiyan ng nanay ko. Kaya pala palaging mabilis humaba ang kuko ko.

Isang araw bago ako ipanganak,hindi pa din siya sumusuko sa ideyang wag ko na masilayan ang mundo. Kuwento niya pa kahit daw pumutok na ang panubigan niya, tiniis niya ng husto sa pag-aakalang may pag-asa pa siya na mamatay ako. E hindi pala puwede yun. Sa ayaw at sa gusto man niya, lalabas talaga ko. Mamimili lang siya: papayagan niya na ako mag-hello world o sasama na siya sa hukay sa tiyanak na nasa sinapupunan niya. Ayun nanaig ang pagmamahal ng nanay ko sa sarili niya. Sa awa naman ng mga hokus pokus ng mga espiritu ng maligno, isang napakagandang anghel ang lumabas sa katauhan ko. O walang kokontra, birthday ko ngayon.

At dahil birthday ko ngayon, wag kayo magagalit. Dahil maliban sa pagiging anghel na katauhan ko, lahat ng mga pinagsasabi ko hindi totoo.

Sang-ayon sa NSO copy ng birth certificate ko, four pounds lang daw ako nung pinanganak ako. Sinong mag-aakala? Tingnan niyo naman at lumaki akong dambuhala. Ang tanda ko, grade six ako nung huli akong makitang payat. E makakalimutin pa naman ako. Kung sa paanong paraan talagang nagmistulang elepante ako sa laki. Paano ba naman, wala akong tigil sa paglamon. Kahit nga sa loob ng bookstore, iniisip ko bumili ng pagkain.

Pero di man matigil ang paglapad ko, alam ko pa din na maganda ako. Kaya nga madami ang nagkakagusto sa’kin. Aba! Sigurado ako dun. Bago ka mag-react diyan, mag-isip ka muna. Sige nga, kailan ba kayo nakakita ng baboy na hindi cute? At kailan kayo nakakita ng lechon na hindi pinansin o kinain? Yun ang patunay na gusto ako ng lahat at talagang cute ako.

Naalala ko pa bata pa lang ako talagang mapang-asar na talaga ako. Meron nga akong kalaro noon na binu-bully ko palagi. Hindi siya puwede maglaro kung hindi siya ang palaging taya. Kaya lang di niya ata ako natagalan. Lumipat sila ng bahay ng walang paalam na parang iniwasan pa na malaman ko iyon. Akala siguro pipigilan ko. Wihihihihi. At least, sa murang gulang alam na niya manindigan. Bakit pa niya kailangan magtiis kung meron naman ibang pagpipilian? At ako namang hindi napagtiyagaan o pinili, bakit naman ako magmumukmok? Wala mang magtagal, sigurado naman akong may dadating na iba diyan. Halimaw man o bakulaw dadating din yun. Pag di dumating e di wag.

Nung pumasok ako sa school, walang araw na wala akong kaaway. Gusto ko kasi ako ang laging bida. Bidang kontrabida. Madalas naman panalo ako. Isinusumbong ko palagi ang klasmeyt ko sa titser ko e. Siyempre, bakit naman ako magpapatalo kung alam kong may laban ako? Ika nga ng brand ng damit No Fear. Palaging walang takot. Bakit ka naman matatakot kung di mo pa nasusubukan? Kung subukan mo man at kahindik-hindik ang kalalabasan, e ano naman ngayon? Ang mahalaga sinubukan mo at mas matapang ka na ngayon. Matalo man sa laban, wala namang pagsisisi sa dakong huli.

College na ako nung magsimula akong tumino. Kung katinuan ngang maituturing iyon. Heto ang panahon ng katotohanan para sa’kin. Yugto na pinakamasarap balik-balikan. Totoong buhay estudyante. Kung para sa karamihan high school ang pinakamasarap na panahon ng pag-aaral, sa’kin college. Lahat ng nakilala ko nun nagkaron ng malalaking parte ng puso ko. Lahat ng matitinding kalokohan at katototahanan nakita ko dahil sa kolehiyo.

College din nung nagsimula akong mag-rebelde sa aking sarili at sa aking kapaligiran. Hindi pala totoong pantay-pantay ang tao. Pinapaniwala lang tayo ng mga mambabatas na priority nila tayo pero ang totoo busy sila mag-isip kung paano at saang paraan pa sila makakamolestiya sa mga tao. Kahit nga sa loob ng pamilya may pulitika. At kahit sa pagbili mo ng pagkain, hindi ka lulubayan nito.

Naalala ko nung mag-21 ako talagang humagulgol ako sa iyak. Hagulgol ng kaligayahan. Ang sarap ng pakiramdam. Salamat sa Civil/Family Code. Hindi man ako naging lubos na malaya, may karapatan na ako para i-invoke ito. Majority rules!

Parang kailan lang, 27 na pala ako. Hindi perpekto ang naging huling 7 taon sa buhay ko. Pero naghudyat ito ng malalaking pagbabago sa buhay ko. Tulad halimbawa ng mga desisyong ginawa at hindi na mababawi. Mga desisyon na mas mabuti sa nakararami kaysa sa sarili. Mga relasyong pinasok at inayawan sa di malamang kadahilanan. Mga commitments na hindi mapanindigan. Bagay na ginusto para sa sumaya ang iba. Mga multo at horror story ng buhay na ayaw na alalahanin o pag-usapan pa. At mga taong kilala ko noon pero parang hindi na ngayon.

Ang bilis ng panahon. At hindi ko na talaga mapigilan pa ang pagtanda. Hindi na mapigilan ang mga pagbabago. Halimbawa kahapon, baboy pa lang akong maituturing ngayon na-promote na ko. Isang certified panda na ako. Salamat sa Facebook at talagang malaking tulong sila sa paglaki at lalong pag-itim ng eyebags ko. Salamat sa Bleach at Death Note lalo akong nag-isip monyita. Mabuti na lang marunong din ako magbasa ng Bibliya. Salamat kay Inuyasha at naging senti ako. At kay Garfield na inspirasyon ko para wag pumayat. Salamat sa mga kaibigan kong inspirasyon ko sa maraming bagay. Kung akala niyo nakakatulong ako sa inyo, kabaligtaran yun. Mas doble ang tulong na nagagawa niyo sa’kin. Di niyo lang napapansin. Salamat sa mga distractors ko at sa awa ng witchraft, tumatalbog sa kanila ang panlalait nila. Di man ako naniniwala sa karma, alam kong umeepekto rin yun paminsan-minsan. Walang tapos na pasasalamat sa maraming matitiyagang nagbabasa ng blog ko at hindi pa din nila nahuhulaan kung sino ang mga characters na isinusulat ko. Nawa’y manatiling ganun habang buhay. Salamat din naman sa pamilya ko at napagtanto ko na ang mga pangarap ko ay hindi magiging totoo habang iniisip kong pangarap lang ito. At higit na pasasalamat kay Bro dahil buhay na naman ako. Bigyan niya pa sana ako ng mas maraming birthday para may susunod na Pagbabalik-tanaw blog.

Hindi ako nag-se celebrate ng birthday. Hininto ko na ang ritwal na ito nung mag-18 ako. Hindi na mahalaga kung bakit. Simple lang ang ibig sabihin sa'kin ng okasyong birthday: pagbabalik-tanawa at pasasalamat.  Isang araw na dapat ilaan sa katahimikan at pagninilay-nilay At kung meron man akong aral na natutunan sa nakalipas na 27 taon ay ang halaga ng pagiging bata. Kabataan na minsan lang dadaan sa buhay ko. Sayang lang at hindi ko ito nalubos.

Puwede bang maging bata ulit? Kung sabagay twen-teen seven pa lang naman ako e.

Monday, September 7, 2009

Colour Wheel


Sinasabi ng mga dalubhasa sa sining ng Sikolohiya na ang mga taong may hilig daw sa mga kulay ay may angking galing sa pagkamalikhain (inclination to art). Kung nagsimula ang pagka-giliw mo sa mga kulay mula sa pagkabata, hindi malayong sa larangan ng sining mapunta ang iyong propesyon. Apat sa 10 bata na mahilig sa kulay o pagkukulay ay lumalaking may hilig sa sining ng pag-guhit. Habang ang natitirang 6 naman ay nagkakaron ng hilig sa larangan ng pagsulat. Ahem, ahem. Ayun naman pala. Kaya nung malaman ko ito, hindi na ko nagtaka kung bakit may angking talento ako sa pagsulat.

Yun naman daw mga taong malaki na nung nagkahilig sa kulay ay nagkakaroon ng mayabong na karera sa larangan ng disenyo o kaya naman ay sa pagiging events coordinator. Habang yun naman daw mas nais ang manood lang (laging audience o taong-bayan) ay tumatandang tsismoso o tsimosa. O di naman kaya mabilis sila maloko, mabola, magoyo o yung tinatawag nila sa English na gullible.

Parang ngayon. Naniwala at nadala kayo sa mga pinagsasabi ko habang hindi naman totoo ang lahat ng ito. Sa madaling sabi, naniwala kayo sa mga inimbento kong ito. Di ba parang realistic? Epektib!

Victim!!!!!

Sound effect: GKNB?! song!

Pero kung sa tutuuisin sa kulay naipahahayag ng tao ang kanyang saloobin. Sabi nga nila, "While art is a great form of expression, colour is the greatest display of it!" Sinong nagsabi? Ako! Alangan naman humanap pa ko ng ibang source e di credit pa nila 'to! O ayan, strike two na ko ha.

Nung bata pa ko, mahilig talaga ako mag-ekspiremento sa kulay. Tuwing Linggo kapag nagsisimba kami ng buong pamilya, nagagalit sa 'kin ang nanay ko kapag pinipilit ko magsuot ng ternong dark green blouse at dark brown pants. Ang lagi kong tanong: "Bakit hindi puwede? Bago naman ang blouse ko ha?" Salamat na lang nung mag-elementary ako, naintindihan ko na kapag ganun ang suot, baka isipin ng taong makakakita na isa akong puno o kaya naman model ng clean and green project ng simbahan. Parang kumain ka ng pandesal na may ketchup tapos sinawsaw mo sa taho. O kaya uminom ka ng coke tapos nilagyan ng cream habang kumakain ka ng mangga't bagoong. O kaya naman sinubukan mong lagyan ng peanut butter ang itlog na sunny side up. Parang oreo cookies na isinawsaw mo sa wine. Yung ganung pakiramdam. Puwedeng kainin pero yikes ang pakiramdam. Salamat na lang sa nanay ko at niligtas niya ko sa tiyak na kahihiyan. Pag nagkataon baka makilala pa ko sa ganung trend. No way! Highway!

Voice Over: I did not kill anybody!

Hindi ko alam kung talagang may topak lang talaga ako. Naalala ko kasi nung mag-7th birthday yung kalaro ko, habang excited ang lahat para sa pagbubukas ng mga regalo, ako naka-tingin sa mga lobo. Sabi nila ang kulay daw ng mga lobo na iyon ay rainbow. Nagtaka ako, pa'no nila nalaman na rainbow ang kulay e hindi naman umuulan. Atsaka napakalayo at napakataas naman ng rainbow para malaman yun. Pero sa kabilang banda, natuwa ako sa mga kulay ng lobo. Nursery Rhyme Mode: Red is the color of an apple. Orange, is the color of an orange. Yellow is the color of the wonderful sun.

Bukod sa mga kulay na yun, meron din white, green, purple, tsaka yung matingkad na rosas na parang kulay pula. Ano na nga ba yun? Puscha, este Fucha, este, Fuschiya. Putcha! Dark Pink na lang!

Ang nakapagtataka nung mga panahong iyon, bakit walang silver na lobo? Bakit may puting lobo pero walang black? Bakit walang gold? Bakit walang brown? Bakit ganun? Nay, bakit?

Nung lumaki na ko (at talagang malaki ako) hindi pa rin nawala sa ugat ko ang pagkahilig sa kulay. Parang aids lang --- walang lunas. Ngayon mas madami akong kilala na ginagamit ang kulay kapag nagse-senti sila.

Emo ang background music para mas cool.

Halimbawa pag masaya ka, lagi mong sinasabing sinabawang gulay ang buhay mo (makulay kasi). Pero 'pag malungkot ka, sinasabi mo naman na "I'm blue." O di ba, parang si cookie monster lang.

Yung mga college pals ko na sobrang arte, red ang kulay ng ballpen pag galit sa mga boypren nila. Tapos silver and gold pag bati na sila with matching scented stationary pa. Yung mga sosyal at pa-sosyal pink para may fashion sense kuno, tapos may iba't-ibang kulay ng highlighter yung mga yun. Sarap kulayan ang mga mukha nila ng violet! Pag walang alam kungdi mangopya ng mangopya, walang kulay ang ballpen nila. Wala kasi silang ballpen. Pag bading -- green. Pag aktibista laging matingkad ang suot. Parang giyera palagi. Yung di nag-to toothbrush bukod sa mabaho ang hininga, yellow ang ngipin nila. Yung iba brown ang underarm (nagpuputik). Yung iba naka-uniform na puti kahit green ang uniporme namin. Namumuti kasi sa alikabok! Pero ang pinakamalupit yung klasmeyt ko na black ang suot na damit sa buong semester, bumagsak!

Iba't-iba man ang kulay mo o kahit anong kulay ka pa, mas matindi pa din ang kulay ng loob. Wag ka mahihiya. Paborito ko man ang kulay na dilaw, hindi ako tagapag-sunod ni Tita Cory. Sa bandang dulo pinaka-maganda pa din sa paningin ko ang walang kulay. Colourless ika nga. Pero hindi si Casper siyempre. Parang tubig lang: malinaw. Yun ang kulay ng totoong malinis na damdamin. Purong damdamin at dalisay ang hangarin. Bihira na ngayon ang ganito ha. Mas madalas sa hindi kulay pusali na.

Ikaw, anong kulay ka?

Friday, September 4, 2009

Biyahe Papuntang Monumento


"Kung nakamamatay ang maling akala, pa'no pa kung maling hinala?"

Curtain Call. Action!

Scenario: Sa isang masikip na bus nakatayo ang mga pasahero papuntang Monumento. Isa sa mga pasahero ng bus na ito ay ang isang binatilyong gwapo (pag tulog) at may suot na itim na backpack. Kamukha siya ni Pepeng Agimat pero walang kulubot sa mukha. Nakatayo sa likod niya ang isa namang lalaking kalbo, di katandaan at kamukha ni Kitano-kun (tingnan mo wall photos ko para makilala mo siya kung ayaw mo naman e di wag). Itatago natin siya sa pangalang Mamang Kalbo sa likod ng batang Pepeng Agimat na walang kulubot sa mukha.

Sadyang napakasikip sa bus na iyon. Animo'y magkakapalit-palit na ng mukha ang mga tao. Buti na lang walang aso. Dahil parang sardinas ang mga tao sa bus, hindi na halos sila makagalaw. Huwag na mabanggit na amoy sardinas din sa loob ng bus. Baho! Gravvvvvveeeee!!! Glade spray muna tayo ha.... O ayan. Lysol naman.

Dahil hindi na makagalaw ang lalaki sa kanyang harapan, binuksan ng mamang kalbo ang bag na itim ng binatang gwapo. Duon kinuha niya ang wallet at cellphone nito at dali-daling ibinulsa ito. Ay tragedy.

Sa di kalayuan nakatayo si Ugok 3. Nakita niya ang: krimen? Daglian siyang tumakbo (pero slomo para may special effects) para sagipin ang wari'y ninanakawan na mama. Kinonyatan ni Ugok 3 ang mamang kalbo kasing lakas ng hampas ng isang maso na parang lalabas na ang utak sa lakas. Nagbukol pa ito ng mas malaki pa sa piso (yung pisong pilak ha). Namula ang lalaki sa sakit at nagkulay kamote ang mga labi niya na hindi makasigaw ng aray sa solid na konyat ni Ugok 3.

Feeling national superhero si Ugok 3 sa nagawa. Medal of Valor awardee siya pag nagkataon. Nagtapang-tapangan siya at tinangkang tadyakan ang lalaking namimilipit sa sakit. Biglang lingon ng lalaking may-ari ng bag at nagulat na napasigaw:

"No, please. Dooooonnnnn't! Tatay ko po yan!"

Ayun natawa lang si Ugok 3. Sabi niya: "Peace, yoh!" sabay baba sa bus.

Curtain closes.

Tuesday, September 1, 2009

Roller Coaster Ride

Ang biyahe ng buhay ay isang hamon na tanging kamatayan lang ang makakatapos. Sadyang mahirap. Sadyang mapagbiro. Ika nga ng marami, para itong roller coaster.

Roller coaster.

Isang paikot-ikot na pag-agos. Paulit ulit dahil pabilog ang direksyon nito. E kelan ba naging parisukat ang bilog? Sige nga, imagine-nin mo nga kung parisukat ang direksyon ng roller coaster? Iniisip ko pa lang talagang nauuntog na ko. Di ko carry! Helmet please!

Baka imbes ma-high ka sa saya, bigla kang ma-low sa iyak. Parang yung kanta ni Flo-Rida? Pano na nga yun? Singing mode: Up the bottom jeans... Lo, lo, lo, lo! O wag mag-react. Alam ko mali na ang lyrics mali pa ang spelling.

Pero sa kabilang banda, ano nga ba ang mararamdaman mo kapag parisukat ang roller coaster? Malamang di mo na yun mararamdaman dahil ER na ang bagsak mo. Emediete Rest. Wahahaha!

Pag nagkataon, kakantahan kita ng:

Kung kayo'y may anak na umiiyak
Bigyan lamang ng isang tadyak
Hawakan sa leeg at ibalibag
Duon magkakaroon ng free, free bukol.

Sa tutuusin, wala naman kasing madaling pag-agos. Kahit pa nga yung ilog na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig dadaan pa din sa maliliit at malalaking bato. Gaano man kaganda at kalawak ng dagat, sa gitna nito may pating pa din na nakaabang para kainin ka. Kahit nga siguro yung mga mayayaman ngayon sigurado akong ilang sugal ang nilabanan para lang makapili ng kasayahang angkop sa kanila. Kailangan lang natin tanggapin na ang buhay ay isang perya na makulay. Kailangan mo lang piliin ng mabuti ang "ride" na magdadala sa'yo sa tamang landas ng kaligayahan.

Malamang nagtataka na kayo kung bakit senti mode ako ngayon. Simple lang naman ang sagot: Idol ko kasi si Sentino! Yung batang malapit kay Bro.

Senti mode din kasi ang nararamdaman ng sunod na bidang character ng blog ko. Bida?!!! You must be kidding!

Si Ugok 2.

Kakaiba si Ugok sa kanyang mga ka-tropa. Kahit mag-back track ka pa, sinabi ko din kakaiba si Ugok 1. Make sense to me? Coffee mate for my coffee.

Ayaw niya ng may kasama palagi. Loner kasi siya. Like niya kasi palagi away from the limelight. You know, the fans and the interviews plus shooting, commercials, guestings and all.....(guni-guni lang ito, pag naniwala ka, biktima ka ng Wow Mali!)

Sa araw na ito, sumakay siya sa roller coaster. Sinubukan niya ang kilalang carnival sa Laguna na ang pangalan ay EK (Enchang Karnibal). Sabi ko na nga e, iniisip niyo Enchanted Kingdom e. Hmmmm... wag ka tatawa. Psst... kita ko na gilagid mo.

Pag andar ng coaster, kinabahan siya. Sino ba ang hindi? Roller coaster sa peryahan? Yikes!

Sumigaw siya: "Help!!! Help!!! Where's my Hero?"

Ayun walang nakarinig. Hindi dumating si Darna. Nagsho-shooting pa kasi. Pinapataas niya pa ang rating niya sa TV. Wala din si Kumander Bawang kasi matanda na. Bukod sa panahon pa ng Bagets ang era niya. Si Kapitan Inggo naman wala ng break kaya hindi maka-rescue. Hindi makalipad si Captain Barbel kasi nawawala ang barbel niya. Ninakaw ng kapit-bahay niyang paminta na nangangarap maging gym instructor. Si Dyesebel naman nasa dagat hindi makalipad. Kahit nga si Marina at Dugong walang maipadalang alagad. Si Superman naman hindi pupunta ng Pilipinas, nasa Amerika kasi siya, takot pumunta ng 'pinas kasi baka kidnapin lang ng Abu Sayyaf. Malaking ransom yun pag nagkataon. Masyadong mahal ang TF ni Batman kaya can't afford to rescue. Si Spiderman naman, napulupot sa mga sapot niya. Tapos na kasi ang trilogy movie niya kulang na sa praktis.

Ganun lang. Parang thriller story pero hindi ka natakot. Isipin mo na lang apat na beses mo pinanood ang Shake Rattle and Roll pero tumatawa ka pa din pagkatapos. Sabay sabi! Oh, my you're such a waste of money.


Kaya nung tumigil ang roller coaster, bumaba na din si Ugok 2. Sabay suka! Yuck!

Sunday, August 30, 2009

Commercial Muna


Marami ang nagtatanong sakin. Ano daw ba ang nagagawa ng pagba-blog ko? Ano ba ang napapala at nakukuha ko? Bakit kailangan mag-blog ako? Anong silbi nito sa buhay ko? Ang mga ito ay mga lehitimong pagsusuri ng aking mga kritiko. Ang ilan naman tinatanong ng mga sumusubok ng aking bait. Akala siguro ng iba, may potensyal na maging Sisa ako sa hinaharap. Pero dapat ko aminin. Siyempre di naman ako showbiz. Paulit-ulit ko din tinatanong sa sarili ko ang mga sagot sa tanong nila. Wala pa din akong konkretong sagot na maibigay. Bukod kasi sa math, hindi rumerihistro sa utak ko ang mahihirap na tanong. Lalo na kapag test of skill lang naman ang tanong sa akin.

Aksaya ng oras yan ang tawag ng ilan. Tanong ko naman, bakit binabasa nila? Tapos may pakialamera pa na akala mo pinakamagaling sila! Hindi naman kailangan mag-ingay para mapansin o magpapansin. Meron naman ilan na tumatango at ngumingiti lang. Hindi lahat ng pagtahimik ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. Kadalasan pa nga, ito ang pinakamabisang paraan ng pagtutol. At ramdam ko yun. Hindi naman mahina ang senses ko. Kaya yung mahilig ilabas ang mga gilagid nila para kunwari'y sumasang-ayon ang madalas na sumaksak patalikod. Pero siguraduhin niyo lang sterilized ang kutsilyo para mabubuhay pa ko pagkatapos.

Kadalasan sa hindi, mas madami ang pumupuna kaysa sa pumupuri. Di ba nga ang noypi kilalang magagaling na kritiko? Tingnan mo dahil duon ilang beses nagkaron ng bersyon ng Edsa. At dahil din dun kaya hindi nila mapabagsak ang rehimen ni Gloria. Ha ha ha. Ang ilan pa nga itinuturing akong isang mabuting halimbawa ng kumedya na ari mo'y isang sakit na nakakahawa. Kaya tuwing magsusulat ako, dalawang beses ko pinag-iisipan ng husto kung ipagpapatuloy ko ba o hindi ang susunod na kuwento ko.

Pero bakit naman ako magpapatalo sa kanila? Habang may nagagalit at pumupuna nangangahulugan iyon na hindi ako nag-iisa. Negatibong kumento ang nagpapatunay na nakakaantig ako ng damdamin ng iba. Bakit kaya? Ganito yun. Parang episode ng MMK lang. Napapag-isip ng ilan na kagaya sila ng ilan sa mga tauhan ng kuwento ko at di nila matanggap na napansin ng iba ang uling nila sa mukha. Hindi naman ako nanglalait. Nagsasabi lang ng totoo. Yun nga lang madalas eksaherado. At dahil masakit malaman ang katotohanan, karamihan sa atin nagbubulag-bulagan. Dahil hindi madali tanggapin ang totoo, galit-galitan ang drama mo. Nagtatago ka sa maskara ng hollow ni Ichigo. Dapat mag-audition ka na lang sa Star Struck!

Sa totoo lang hindi madali ang magsulat. Lalo na sa wikang Tagalog. Sinabi ko na ito dati, inulit ko lang. Sobrang hirap lalo na kung wikang banyaga ang bumubuhay sayo. Kaya nga Taglish ang ginawa kong uri ng pag-sulat. Playing safe, ika nga. Sabi ng kaibigan ko free reign writing daw ang paraan ng pag-sulat ko. Ang tawag ko naman dito satiriko. Habang ang karamihan ay pinapayaman ang balarila ni Uncle Sam, dumudugo naman ang ilong ko kaka-translate ng wika ni Juan. Halos lahat kasi ng salita asimilado na. Sinusubok ko din kung hanggang saan ako tatagal ng hindi umiinom ng isang basong tubig na may laman na Ingles!

Yung ibang bumabasa ng sinusulat ko, nagtataka pano ko daw naiisip ang mga kuwento ko. Simple lang ang sagot. Karamihan sa mga sinusulat ko ay totoo. Yun nga lang tinatago ko sila sa mga pangalan na nakakatuwa kasi yun ang paraan ko ng paglalarawan sa kanila. Kaya kung tawa ka ng tawa, mag-isip ka ng dalawang beses baka ikaw na ang dummy character sa isa sa mga blog ko. Bwahahahahahaha!

Sa bandang huli hindi lang pagpapahayag ang naiisip kong dahilan ng aking pagba-blog. Isa itong pagkahilig. Isang adiksyon. Isang matinding bisyo. Daig pa nito ang isang kaha ng yosi na sinabayan ng laklak ng isang bote ng tequila. Parang droga lang ito na hindi ko titigilan kahit isang libong beses pa ko ipa-rehab. Ito ang sagot ko sa napakabilis na maraton ng buhay. Ang mga kuwento ko ay kadalasang larawan ng pagpapanggap. At sa bawat pagtigil ko sa aking routine hinaharap ko ang kabilang bahagi buhay na hindi madaling harapin at tanggapin. At sa pagitan ng bawat teleserye ako ang inyong commercial.

Saturday, August 29, 2009

Ang Kasunod sa nauna kong blog. Ito ang pagpapatuloy ng kwento ng Tropang Ugok. Sakay ka na at wala akong sasakyan, okay?!

Whoooooaaaah!!


Ang haba ng title 'no?!



In loving memory of Roden. Den, para sa'yo ang kwentong ito. (Manny Pacquiao mode)



Matapos sumakit ang tiyan ng mga ugok sisimulan ko na ang susunod na kabanata.

Disclaimer: Sa ngalan ng patas na pamamahayag, isa-isa ko silang ikukuwento sa inyo. Ika nga ng iba, justice is serve. Walang kuneksyon. Ride ka lang.

Ngayon ikukuwento ko sa inyo si Ugok 1. Kagaya nga ng sinabi ko sa naunang blog, nasabi ko na yun kaya di ko na uulitin. Basahin niyo na lang kung gusto niyo malaman. Mas masaya mag-back track!

Sa labis na gutom ni Ugok 1, naisipan niyang bumili ng BLT sa Oliver's SS. Wow! May budget! Pero hindi niya alam ang ibig sabihin ng BLT kaya ibubulong ko sa kanya. Kunwari di niyo narinig ha. BLT stands for Bubuyog, Langgam at Tipaklong. Akala niyo pagkain 'no? Sa Oliver's Superpet Shop kasi siya pumunta. Akala niyo Oliver's Super Sandwiches 'no? E di wala ng thrill ang story ko? Hmmp!

Pero bakit ba BLT ang binili niya? Ganito kasi yun. Malungkutin si Ugok 2 at kapag mag-isa lang siya sa kanyang mga gig gaya ngayon, puro matitino ang nakakausap niya. Kaya naisipan niya magkaron ng pet para may kalaro siya at mapaglibangan. Pag di ka nagbabasa ng maayos, mapapansin mo na hindi Ugok 1 ang sinulat ko. Hindi typo yun. Sinusubukan lang kita kung talagang nagbabasa ka. Kaya ayan babalikan mo ang naunang pangungusap para mapatunayan na nagkamali ka. Ha ha ha.

E bakit yun ang pet na gusto niya? Kasi mahal niya ako, mahal ko rin siya kaya kaming dalawa ay laging magkasama (parang aso lang).

At dahil bago ang kanyang mga alaga, ginawan niya ito ng sobrang gandang bahay ---- ang lupa sa paso ng halaman nila. Gabi na nun kaya kailangan na ng rest ng kanyang pets. Minimum of 12 hours dapat para lumaking healthy and strong. Pero para lalong lumaking strong, dapat uminom ng gatas. Iba kasi ang laki sa gatas. Matibay ang isipan. Kaya bumili siya ng:

Siyempre Magnulya lang (Magnolia -- sa commercial ni M.Pacquiao). Alam ko na akala niyo Bear Brand 'no. Noon pa man, Magnulya na! Kaya "Drink yur Magnulya melk pers."

Masyadong mahaba ang araw niya, kahit gabi na. Naramdaman niya ang uhaw sa kanyang lalamunan. Malamang sa lalamunan niya mararamdaman yun, san pa ba? Ayun naisipan niya uminom. Nung....you know. You know. Vitwater.

Tapos na.

Sino may angal?

Friday, August 28, 2009

Tulog Ka Na Ba?

Para kay Kelly Sue


Wag ka madi-disappoint




Naranasan niyo na bang hindi makatulog sa gabi? Yung pakiramdam na kahit sampung beses ka tumambling ay hindi pipikit ang mga mata mo? Tumalon ka man ng isang libong beses at awayin mo pa ang katabi mo para mapagod ka pero la epek pa din. Parang mainit pero bukas naman ang aircon. Parang gutom ka pero isang bandehadong kanin ang kinain mo. Yung pakiramdam na iiyak ka pero naubos ang luha. Inaantok ka pero wala kang dream catcher kaya hindi ka makatulog at natatakot ka lumabas ang wicked witch sa nabasa mong fairy tale? Kulang na lang uminom ka ng isang boteng ativan. Haaaaayyy....

Insomnia!

Isa itong sumpa na hindi mo maiiwasan kahit magtago ka pa sa ilalim ng lupa! Minsan nga inisip ko pa magpa-misa para lang dalawin ako ng espiritu ng antok! Sinubukan ko nga suhulan yung pastor namin para lang ipadala niya ang kaibigan niyang anghel de la antok. Pero walang nangyari at nabigo lang ako.

Minsan may nag-sabi saken na magbilang daw ako ng tupa para makatulog. Sabi ko, walang tupa sa Maynila! Kaya binilang ko na lang yung pigsa sa mukha nung kapitbahay namin. Kaya lang mahina ako sa math, kaya nung maubo ako biglang nawala ako sa bilang. Inulit ko ulit sa simula! Shet lalo lang nagising ang diwa ko. Yung isang kaibigan ko nagsabi mabisa daw kung papagurin ko ang mga mata ko. Manood daw ako ng DVD. Aantukin daw ako. Sinunod ko naman at nanood ako ng series na DVD. Sa sobrang ganda ng palabas, natapos ko na ang palabas. At totoo nga naman epektib! Dahil umaga na ng matapos ko ang palabas! Hindi ko na kailangan pang matulog. May bonus pa yun dahil lalong lumaki ang bill namin sa Meralco.

Sabi naman nung isa ko pang kaibigan, uminom daw ako ng gatas. Siyempre uto-uto ako kaya sinunod ko. Nakalimutan ko acidic nga pala ako. Ayun lalo akong di nakatulog sa sakit ng tiyan ko. Makarma sana yung nagpayo saken. Grrrrrr.... Nag-iisip tuloy ako kung talagang kaibigan ko nga siya. Hmmmmm....

Dahil trahedya lang naman ang nararanasan ko sa pakikinig sa iba, naisipan ko maging creative na lang. Ika nga, love your own! Lamang din lang naman na hindi ako makatulog, bakit hindi ko pa idamay ang iba? Aba, bakit ako malulungkot mag-isa kung kaya ko naman isali ang iba. Bwahahahaha.

At dahil teki na lahat ng tao, dapat teki na din ang paraan ko: text marathon! Naisip ko imbentuhin ang text quote na ito:

Text 1: Tulog ka na ba? Sorry, nagising kita. Di pa kasi ako tulog. Pasensya ka na, sige tulog ka na ulit. Pero meron lang akong tanong, kung gising ka pa bakit di ka pa tulog?

Text 2: Tulog ka na ba? Ako hindi pa. Pag di ka nag-reply ibig sabihin tulog ka na. Kaya lang meron bang tulog na nagbabasa ng text? Pero kung gising ka pa at di ka nag-reply bakit di ka pa natutulog?

Ayun epektib! Maraming sumasagot at nagalit saken. Akalain mo pinagbintangan akong ginigising ko daw sila? Whoooah!!! Para sinend ko lang naman ng apat na beses na sunod-sunod yung text.

Lumuwag ang pakiramdam ko. Masaya sa pakiramdam na malaman na hindi na lang ako ang nag-iisang gising sa disoras ng gabi. Kaya ayun, ilang minuto lang tulog na ko.

Kaya magmadali! Ibigay mo na saken ang mobile number mo para ma-experience mo din ang na-experience ng iba. Ika nga sa English: "The more, the merrier!" Sisiguruhin ko na ang text ko sa iba ay ite-text ko din sayo. Hehehehe.

Good night!

Thursday, August 27, 2009

Tropang Ugok

Para kay Roden at Leo


Mahirap manuri ng mga tao. Lalo na kapag hindi ka naman manunuri. Pero mas mahirap naman manuri kapag hindi na kailangan suriin ang tao. Parang yung tropang kilala ko.
Sa isang di kalayuang bayan na ang tawag ay Joke City, may isang tropang di kilala ng kahit sino man. Kaya nga ipapakilala ko sila sa inyo ngayon e. Sila ang samahang hindi ginagaya at ayaw gayahin nino man. Kahit ako pa. Ang chaka!
Ang mga miyembro nila ay talagang ordinaryo pero di agad makakalimutan ang kanilang pangalan dahil hindi ito pinag-isipan. Ang unang miyembro ay si Ugok 1, sinundan ni Ugok 2, sunod si Ugok 3 at ang huling miyembro ay si Ugok 3. Ay mali Ugok 4 pala. Waaaaaaah!!! Talagang nakakahawa sila.
Sila ang: TROPANG UGOK! Tarantan-tanan tan-tan, tarantan-tanan tan-tan, tanananan tanananan. (Voltes 5 mode)
Si Ugok 1 ang number 1 ugok sa kanilang 4 (di ba obvious sa pangalan?). Si Ugok 2 naman ay isang ligo lang ang talo kay Ugok 2 at kalahating ligo lang ang lamang kay Ugok 3. Habang si Ugok 4 naman ay nahawaan lang ng ka-ugukan ng 3 (pero meron na siyang skill, dinevelop lang).
Minsan nagutom ang tropa at naisipan nilang matulog. Hindi dahil ayaw nila kumain kungdi dahil ugok nga sila. Nang sila ay gumising, nagisnan nila ang kadarating lang na si San Pedro na may dalang 2 itlog. Galing kasi sa Pateros si San Pedro tiningnan kung puwede ng pansabong ang mga itik. Ayun ang nakita lang niya ay itlog ng itik na kung tawagin ng matitino ay balut.
Hiningi agad ng Tropang Ugok ang dalang itlog ni San Pedro. Kinain nila ito. Hati-hati silang apat. Nang maubos nila ito, saka nila napansin ang mabahong amoy ng itlog. Bugok pala ang itlog. Wehehehe. Ang takaw kasi. Buti nga.
Itutuloy


Joke lang!
Nang di lumaon sumakit ang tiyan ng Tropang Ugok.

Sige na nga itutuloy na lang talaga. Kawawa naman ang mga Ugok masasakit na ang tiyan.

Tuesday, August 25, 2009

Sina B1 at B2 at ang mga kaibigang Os-o


Mga Tauhan Sa Kwento:
Bida:
B1 at B2
Mimi
Lulu
Morgan
Kontra-bida: Dodeng Daga (Rat in a Hat)
Men In Black and White
Bidang Kontra-bida: Ruby
Cameo Role:
Ugok 1-4

Ang Istorya:

Sina B1 at B2 ay nakatira sa malayong kaharian ng mga saging. Bagong lipat lang sila sa lugar na iyon. Dati silang mga villagers sa Dasma. Lumipat sila sa lugar na iyon nang sulsulan sila ni Dodeng Daga na mag-avail ng goods and services. Binentahan sila nito ng isang bahay bakasyunan pang-Work Life Balance. Kaya ng mala-milagrong ma-aprub ang VL nila, naisipan nila mamundok na lang (parang NPA lang di ba?). Sang-ayon kay Dodeng Daga, ang lugar na ito ay may perpekto at mabilis na sistema at walang outages. Wala ditong order
delays at NOCout notices. Sa madaling salita, isa itong ideal world. Isa itong tahimik at payapang kaharian na pinamumunuan ni Ruby, isang tigre na bumubuga ng apoy. At dahil bumubuga siya ng apoy, hindi siya magsasalita sa blog na ito. Baka masunog pa ako!

Trendy at makabago sina B1 at B2. Dala nila ang kanilang PSP at laptop nung mamasyal sila sa park para makipag-EB sa mga Os-o. Medyo late na sila ng 2 oras sa date na iyon. Nagulat sila ng malamang may gate pala ang park at may entrance fee pa ito. Hinarang sila ng Men in Black and White at sinabihang: "Pakisuot lang ID niyo!" Napakamot ng ulo si B1 at tinangkang tanungin si B2 kung may ID ba silang dala. Mabuti na lang nagmartsa palapit sa kanila sina Ugok 1, 2, 3 and 4 na may dalang dog tag na may nakasulat: "ID Ito". Ayun. Na-solb ang problema. Ayos!

Nang makapasok na sila sa park, nakita nila ang nakangiting si Lulu kasama nina Morgan at Mimi na may dalang pagkain na binili nila sa 7/11. Hindi kasi masarap ang pagkain sa pantry. Pagkatapos ng 10 minutong usapan, nagutom na ang mga magkakaibigan. Saktong isusubo na nila ang pagkain ng lapitan sila ng Men in Black and White at nagsabing: "Ma'am/Sir, bawal po kumain ng poteto chips! Ililista ko po ang pangalan niyo."

Sa labis na kalungkutan, binuksan na lang ni B2 ang laptop na hawak ni B1 para makapag-facebook. Maglalaro na lang sila ng Mafia Wars. Ten minutes mula ng mag-log in sila ng maramdaman nila ang system slows. At dahil kilalang mahusay na mekaniko si Morgan, siya na lang ang umayos ng laptop. Ang resulta ng kanyang imbestigasyon: madami kasi silang gumagamit kaya mabagal ang application, bibilis din iyon mamaya. Pagkalipas ng tatlong oras, hindi pa din sila maka-konek sa internet. Dun lang naalala ni Mimi na hindi nga pala gagana ang wireless broadand sa lugar nila. Wala kasi ito sa GMAP. Bukod pa dun, nabanggit sa unang paragraph na ideal ang kahariang iyon. Siyempre para matupad ang ideyalismo na iyon, dapat walang broadband! ('Pag di mo na-gets, slow ka! Bwahahahahaha!).

Naisipang mag-reklamo nina B1 at B2 sa kinauukulan. Sinamahan sila ni Lulu sa himpilan ng pulis pangkalawakan. Nakita nila si Shaider at Amy at sinumbong nila kay Tulfo ang problema. Kaya lang Linggo yun, sarado na ang himpilan ng Bitag.

Tumawag na lang sila sa hotline. Doon, nakausap nila si Dodeng Daga na bumati ng: "Why should I help you?" na may malakas at matinis na tinig (perky lang). Agad na umangal si B1 at B2 at tinakot na lilipat na lang sila sa kaharian ng mga maligno.

Agad na bumanat si Dodeng Daga: "Sir, Terms and Conditions apply."


Monday, August 24, 2009

Ang Langaw na Bangaw


Minsan sa isang maduming bayan, may isang langaw na ang ngalan ay Bangaw. Hindi naman siya bangaw kungdi isang langaw ngunit Bangaw ang pangalan niya. Nakakatuwa kung iisipin dahil kahit mukha siyang bangaw, isa lamang siyang langaw.

At Bangaw nga ang tawag sa kanya.

Si Bangaw ay mayabang na langaw. Iniisip niya na dahil Bangaw ang tawag sa kanya, isa na siyang mataas na uri ng langaw. Bukod sa pagiging mayabang, mahilig din si Bangaw sumakay sa ibabaw ng kalabaw. Pagkatapos sisigaw siya ng: "Up, up in a way!" Hindi niya alam ang ibig sabihin nun pero wala siyang paki. At dahil marunong siya mag-English, feeling niya sosyal siya. Sosyal na langaw. Parang yung mga "friends" niyang kolehiyala sa IS. Pero hindi siya dun nag-aaral.

Dahil marunong siya mag-English (nosebleed) pero di niya alam ang ibig sabihin nagkaron siya ng circle of friends. Di naglaon, nag-tayo siya ng neighborhood of friends. Siyempre, wag ka na magtaka dahil siya din ang founder-president ng grupong yun. Self-appointed. Walang naka-angal kasi hinamon niya ang mga kasamahan niyang langaw ng: "Talk to my lawyer!" Astig.

Minsan naisip ni Bangaw na yayain ang mga ka-sosyalang langaw sa isang bar. Wala silang pera kaya nag-bar flying na lang sila. (Dagdag karunungang hindi niyo dapat matutunan at tandaan: Hindi ginagamit ng mga langaw ang salitang bar hopping kasi hindi naman sila tipaklong. Hindi sila nagho-hop. Lumilipad lang. Kaya nga ang English ng langaw ay fly). Namimili sila ng bar na papasukin kasi ayaw nila matawag na loser ng "Society of Friends." Ang minimum requirement: dapat may pogi sa loob ng bar! Pogi, mayaman at dapat ililibre sila ng drinks pagkatapos sumayaw ng Beautiful Girls (ni Sean Kingston hindi ni Jose Mari Chan! Utang na loob).

Nang napagod na ang mga kasamahan niyang langaw kakasayaw sa music na Jae Ho, napagpasiyahan na lang nila dumapo sa mga tira-tira. At dahil sosyal siya ang sabi niya in English (nosebleed ulit): "Yuck! You're such a loser yaya! Is that your best?"

Nagalit ang kanyang mga kasamahang langaw kaya hinamon siya ng mga ito. Lumipad si Bangaw habang sumasayaw sa saliw ng musikang Nobody But You. Sa kanyang paglipad, naamoy niya ang napakabangon sizzling sisig na kahahango pa lang sa apoy este grill para sosyal din. Mayabang na sinagot niya ang kanyang network of friends: "I'll show you what I've got." (nosebleed pangatlong beses na) sabay dapo sa napakainit na sizzling plate.

Ayun natepok siya.

Tapos na din ang kuwento ko.