Friday, July 30, 2010

Daan

May pinagdadaanan ako! Kalye, kalsada, overpass, underpass highway, walkway, atbp. Lahat yan pinagdadaanan ko pauwi ng bahay. At parang na-master ko na nga ang hitsura pati sukat nila. Sa gawing kaliwa may lamat, sa bandang kanan may bako at sa gitna nagbubuhol ang trapiko. Trapikong nagdadala ng peste sa araw-araw na biyahe ko.

Sa kalye makikita ang mga bubuyog ng bayan. Bubuyog na lalong nagpapatingkad sa sikat ng araw. Init ang hatid ng mga dilang malupit. At hagupit ang hampas ng dilang walang patid.Wala namang bulaklak pero lahat ng bubuyog ay nagkalat.

Kalsada ang paraiso ng mga langgam ng lansangan. Hindi nauubos sa paglakad at pilit na nilalakad patawid ang buhay. Paulit-ulit. Pabalik-balik. Walang sawa at tila walang kapaguran. Maipagmamalaki ko, isa ako sa mga langgam na ito.

Sa mga overpass at underpass masasalamin ang kahirapan ng lipunan. Mga kaluluwang nakahandusay sa daanan. Walang masilungan. Walang laman ang tiyan. Mga munting nilalang na kuntento na sa mga baryang ihuhulog sa mga latang lalagyan.

Ang mga walkway ay pulungan ng komedya ng bayan. Tambayan ng mga gong na walang kahulugan. Pulungan ng mga nilalang na ang alam lang ay huwad na kagandahan.

Highway. Paborito kong daanan. Salamin ito ng buhay na walang pag-unlad. Na datapwa't maraming buwis na nasisingil, patuloy pa rin itong naghihirap. Samu't-sari ang taong walang disiplina sa trapiko. At sinasabayan pa ito ng mga pulis/MMDA na walang modo. Idagdag mo pa dito ang mga u-turn na walang silbi, mga traffic signs na walang tulong sa pag-gaan ng daloy ng trapiko at mga batas na dagdag sakit ulo.

Bakit ba kailangan daanan pa ang mga ito. Bakit di na lang lumipad ang tao? Bakit di ko kayang mag-teleport kagaya ni Son Goku. Bakit walang time space warp tulad ng kay Lay-Ar at Shaider.

Habang kailangan ng walkway, highway, passageway, passersby at passenger kailangan ko na lang magtiis na pagdaanan ko ito.

Monday, July 26, 2010

Unang SONA ni P-Noy

Mapalad ako. Inabutan ko ang talumpati ng kauna-unahan pangulo na pinagkakatiwalaan ko --- sa ngayon. Dati rati, binabasa ko lang sa mga dyaryo ang talumpati ng mga nagdaang pangulo. Ngayon, masaya ako at narinig ko ng buong-buo mula sa pinakamataas na pinuno ng bansa ang kanyang unang SONA.

Simple. Diretso. Makatotohanan. Yun ang mga salitang ginamit ni P-Noy. Hindi mabulaklak gaya ng karaniwan. Hindi nangako. Hindi nagmayabang. At narinig ko ang dapat kong marinig mula sa kanya.

Hindi lahat sinaklawan ng kanyang talumpati. At iyon ang nagustuhan ko. Natuwa ako at hindi siya naglista ng mga bagay na gagawin niya. Ibig sabihin, nabitin ako at ang madlang Pilipino. Marami pa akong dapat asahan at hilingin sa kanya. Mabuti na din iyon. Hindi siya nagbigay ng mga pangakong ipapako niya sa bandang huli. Samakatwid, binuksan niya ang pinto ng transparency on governance. At sisiguruhin kong magiging bukas ang mata ko sa mga bagay na iyan.

Kooperasyon. Yan ang maliwanag na narinig ko mula sa kanya. Humihingi at humihiling siya nito. At di man niya sinabi, alam kong ibibigay niya rin ito sa mamamayang Pilipino. Kooperasyon upang isulong ang kanyang plataporma. At kooperasyon para maghintay ang madla ng ginhawa sa buhay.

Matalim na pananalita. Maanghang na pagbabanta. Hihilingin ko lang na maging matatag siya. Pag-asa. At sana hindi dahil lang nagpapa-bibo siya.

Thursday, July 22, 2010

Wala Ng Libre Ngayon

Wala ng libre ngayon. Lahat may kapalit. Yan ang batas na hindi mababago ng nagbababagong panahon. Kasi naman kapag libre ang lahat, malamang maubos ang kalikasan ng hindi napapalitan. Ayos lang yon. Para may balanse ang buhay. Ang nakapagtataka lang ay iyong dating libre, may bayad na ngayon!

Halimbawa, dati kapag gusto mo bumasa ng libro pupunta ka lang ng library, solb ka na. Ngayon, kailangan may membership card ka na (renewable in one year) at may reservation na din ng libro ngayon. First Come, First Serve policy ika nga.

Noong araw kapag gusto mo magkaron ng kakaibang kuwento, tatambay ka lang sa barberya at tiyak suki ka ng mga kuwentong kakatwa. Ngayon, para maging "in" ka, kailangan meron ka ng celpon. At dapat may load araw-araw para una ka sa mga jokes na isinalin sa wikang jejemon. NaIintdddheaAnn NeOh pfoh bvahh? Anak ng!

Pag nagutom ka, kailangan mo pumunta sa fast food chain. Ngayon may delivery na. At kapag malamig ang pagkain na na-deliver, i-microwave mo na lang kaysa maghintay ka ulit ng 30 minutos para palitan yun. Luwa na mata mo nun pag nagkataon. 

Noong unang panahon, analog black and white TV lang maligaya na ang mga kapitbahay mo. Ngayon, de-cable  na ang mga TV nila para updated sa pinaka-magandang pelikulang ipinapalabas. Pero kung taga-Taguig ka, magtiyaga ka  na lang sa cable company na namamatay ang serbisyo kapag kasarapan na ng siyesta. Ang masakit lang, wala silang customer service na mapagtatanungan. Nagsisiyesta kasi ang mga empleyado kapag kailangan mo sila.


Dati rati ang cafeteria, tambayan ng mga nagkakape o nagme-meryenda. Subukan mong pumasok ng mga coffee shop ngayon. Ginawa na itong tambayan ng makabagong kabataan. Na para bang hindi ka dapat pumasok dun kung wala kang dalang laptop. Minsan pa nga, walang pakundangan na iuurong ang upuan mo para lang maisaksak ang pesteng baterya ng laptop nila. Ang masasabi ko lang: "Hampas-lupa ka ate! Ayaw mo magbayad ng malaki sa Meralco kaya sa coffee shop ka nagco-computer! 'Tse!"

Noon kung may problema ka, tatawagan mo lang ang kaibigan mo at darating na siya. Ngayon dahil iba na ang panahon, busy na siya. Kailangan planuhin kung kelan kayo magkikita at dapat ilibre mo siya. Pag nagkita naman kayo, mas madami pala ang kuwento niya. Di mo aakalain na mas madami pala siyang problemang dala. Magdusa ka na lang kasi siya ang niyaya mo. Mas masarap pang kausap ang rebulto sa Paseo!

Pag may nagkasala sayo madalas na ipagdasal mo na lang ang pagkakasala sila. Makabago na ngayon. Dahil hindi mo na kailangan pa gawin yun. Digital na kasi ang karma. Kadalasan nga, naka-DSLR pa! Express delivery ang dating at di mo inaasahan at di mo napaghandaan. Kaya isuot mo na ang iyong force shield, ilabas na ang laser sword at tawagin na si Daimos para hindi ka mahanap ni Carmi Martin.

Tuesday, July 20, 2010

Balik Na

Tapos na ang bakasyon. Nagbabalik na ko.

Mas makatarungan, mas matapang. Wala ng panahon para umupo at mag-abang. Natapos na ang panahon ng paghihintay. Ang ilang buwan ng katahimikan ay akin ng tinutuldukan.

Mabubuhay na ulit ang blog na ito. Naubos na din ang mga Ingles ko. Tagalog dictionary na ulit ang hawak ko. Tapos na din ang mga teleserye at talambuhay ko.

Back to work na ulit ako.

Sunday, July 11, 2010

I'm Who Should I Be

I am a choice not an option. If you have a problem with that, then we definitely are into trouble. I can't be your toy when you are bored. I can't be your past time if you have nothing to do. I also have limits and I am so damn serious about that.

I have the heart to understand. But I do not have the time to wait forever. I don't have to dwell into something I am not entitled to. I can't be there as you please. I don't have the patience and I will stand by it.

I can do so many things. And I will bear the pain even when it means it's over. You can't tell me which direction to take. I am not stupid. I can sense a rejection even without being told so.

Simply put it: I am worth I am.