Monday, December 20, 2010

Ano Daw?

Kakaiba talaga ang Pinoy. One of a kind ika nga ng ilan. Kakaiba ang pamumuhay, pag-iisip at pag-uugali. Pero alam niyo ba na kahit isa akong Pinoy hindi ko matagalan ang mga tamang hirit ng kapwa ko Pinoy? Nakakatawa di ba? At dahil iisa ang nakagisnang kultura, iisa din tuloy ang naging takbo ng pangaraw-araw na mga eksena.

Narito ang ilan sa mga naipon kong istorya. Medyo matagal na din na puro malungkot ang blogs ko. At dahil magpa- Pasko na, isi-share ko sa inyo ang mga istoryang kakaiba. Regalo ko. Sana matanggal ang pustiso mo sa kakatawa.

Sa isang highway, sakay ng isang kotse.
Naliligaw na ata kami. Hindi kasi namin alam ang daan na iyon at nagbakasakaling tumama kami pagkatapos namin umikot at magpabalik-balik. Mabuti na lang at may traffic enforcer kaming nakita. Naglakas loob na kami magtanong.
Ako: Manong, saan po ba ang daan papunta sa lugar na ito..(habang itinuturo ang address na nakasulat sa papel).
Traffic Enforcer: Diretso kayo sa paganun tapos saka kayo lumiko paganoon.  
(Anak ng! Sabi ko na, minsan nakamamatay ang pagtatanong.)

Pumara ako ng masasakyang jeep. Nang makaupo ako sa loob nito, agad kong iniabot sa driver ang aking bayad.
Ako: Bayad po.
Driver: Ilan  ito?
Ako: Isa lang po. (Dalawa lang kaming pasahero sa jeep -- iniisip kaya ng mama na babayaran ko ang pamasahe ng unang pasahero niya?)
Driver: Kasasakay lang?
(Sadyang may memory gap talaga si kuya!)

Matapos makapamili ng libro sa isang pomosong bukstor, dinala ko na ito sa kahera.
Cashier: Ma'am, bibilhin niyo po ito?
(Hindi ako nakakibo. Ano kaya ang ini-expect ni ate sa pagdadala ko ng libro sa cashier, hihiramin ko lang?)

Sa jeep ulit.
Ako: Sa tabi lang po. Para!
Driver: Bababa ka?
(Ah hindi, sasakay ako!)

Kasama ko kaibigan ko.
Ako: Nagugutom na ko.
Kaibigan ko: Hindi ka pa kumakain?
(Kumain na! Kaya nga gutom di ba? Fota!)

Nadapa ang tumatakbong bata sa isang playground. Nagkaroon ng gasgas ang tuhod nito. Dali-daling lumapit ang yaya nito sa umiiyak na bata.
Yaya: Okay ka lang? Masakit ba?
(Ay yaya, okay lang siya! May sugat nga siya di ba? At hindi yan masakit. Gusto mo subukan?)

Sa kwarto ko. Gabi na noon at nakita kong nakapikit at nakabulagta na ang kapatid ko sa kama.
Ako: Tulog ka na ba?
Kapatid: Oo. Bakit?
Ako: Wala naman. Ngayon lang kasi ako nakakita ng tulog na nagsasalita.

Sa isang restaurant. Hindi kami nabigyan ng baso nung iniabot ang isang pitsel ng iced tea.
Ako: Miss, puedeng makahingi ng baso?
Waitress: Para saan po?
(Wala lang, ate. Pang-decoration lang! Puede din pang-dessert.)

Tuesday, December 7, 2010

Goodbye

You are no longer my friend. I don't want to be your friend either. It took me a while to accept. But now I know things have changed. I now realized how distant we are. Our worlds are different. We are poles apart.

I cannot look at you the same way as before. And I will not allow you to look at me again. There'll never be an opportunity to patch things up. That chance have been forever missed the moment you turned your back on me. Though admittedly I said goodbye first, you were the first one who turned away.

Cast upon a blind eye on me should we meet again. Expect that I shall turn a blank face in return. Just treat this as one last favor. I will never have peace when you're around.

I am ending this year with this farewell. And I will start anew.

This will be my last post in English this year. Until the next pain arise.

Friday, December 3, 2010

Please Don't

There are only two things I avoid. Please don’t get me wrong, it is not death.

The first thing is surprise. Well, I don’t really hate it, but as much as possible I dont want to meet it. I dont like being caught off guarded. And the idea of being unable to define my next move kills me to death. While people thinks it is a very good avenue of pleasing people, it is I think the worst means if not the best way to put people into shame. Imagine yourself, being unable to plan or depict your next move. In that certain moment jumping, running, screaming or even smiling will no where to be place. And the last thing you know, you lost that moment. Loosing the chance of being able to control that moment. WAAAAH!!!

The next thing is parting. If I avoid getting surprised, more so with parting. It is like crashing my heart into pieces and putting it back with the hope that it will all be the same all over again. It makes my spine shiver and can’t help but shed those tears out from my eyes. I have always enjoyed being tough but in these instances, i just can’t help but to break down. At the back of my head is the wishful thinking that that person leaving will have the best blessings ever. But on the other side, is the pain that things wont be the same anymore.

I prefer goodbyes ending with see you later, or see you around…And I really dont like people saying good bye straight into my face. I’d rather people leave like just an ordinary day, where we need to part for a moment and see each other the next day. I cant stand goodbyes. I’d rather that people just leave a simple note or send a text, than kill me with those surprises telling me personally that parting time here I come…

Tuesday, November 30, 2010

The Way It Was

I’ve lost. It’s over now. I hate to admit it but I guess I was fooled — or rather I am a fool. I am no longer clinging on it. Finally I am learning goodbye is the answer after all. It is very difficult to let go but I am being brave to accept. I am not taking any shortcuts. I am taking the hardest way out so that I shall never dare to go back again.

There’s really nothing to begin with so this should not be taken as the end. But as it never started, let it stay that way. I shall not be at any others dispense. I shall never be someone’s convenience. I have to stop now. Stop while I am still sane to say no. There will never be tears.

No right to hope for. The fantasy is over. The fiction has long been gone. Back to reality. No need to go back to my old self. I should embrace these changes brought about by pain and weariness.

Don’t get near me. Stay where visibility is impossible. Stay there forever until the gloom turns into lightness and darkness into happiness.

It won’t be forever. I am learning to look at the same direction again. This time, with no more qualms or fear. I shall be gleeful again. When the time comes.

Thursday, November 25, 2010

Mas Madami

Kung susumahin ang dami ng naisulat kong blog noong nakaraang taon sa kasalukuyan, talaga nga naman na mas marami ang nasulat ko nung nakaraan. Kasi naman halos araw-araw ako kung magsulat noon. Parang isang hanap-buhay araw-araw na inuulat.

Nag-sinabawang gulay kasi ako noon. Kaya makulay ang buhay!

Sa totoo lang tinatamad kasi ako sumulat. Ang dami ko na ngang drafts. At lahat sila nanatiling draft na lang. Yung iba naman na-delete ko na agad. Wala akong mapaghugutan. Matamlay kasi ang buhay ngayong taon na ito. Parang ang bigat kasi ng pakiramdam. Kasi naman ang boring ng mga topic ko. Parang ngayon.Wala ka lang mapagtiyagaan basahin kaya binabasa mo ito. Sign of boredom ang pagtitiyaga sa mga walang kwentang akda gaya nito.

Pero hindi mo naman ako papansinin dahil alam kong tatapusin mo pa ang blog na ito. Sige na. Talo na ko.

Ngayong taon, maliban sa aking damdaming nasaktan at patuloy na nasasaktan, wala talagang paksa ang nakakapukaw sa aking ulirat. Maraming nasimulan pero ayoko tapusin. Ayoko magsulat dahil gusto ko lang o gusto nyo lang. Di ba? May point ako?

Pero hindi totoo ang sinabi ko sa taas. Kasi nagdadahilan lang talaga ako. Wala naman perpektong paksa para isulat. Ang mahalaga lang ay iyong taos pusong intensyon sa paghahatid ng mensahe ko para sa inyo. Walang boredom. Walang lose hope.

Ako lang talaga ito.


Boring! Shet!

Thursday, November 11, 2010

Healing Time

“Never make someone a priority when to them, you are simply an option.”

This was a phrase that sank me to the lowest. Thanks to Fat Fajardo, this made me ponder big time on my real value.

To simply put it, I have allowed myself to become a puppet for several months now. It’s not because I don’t love myself but I was just trying to punch my hands in the air. Wishing it could work out well. Maybe it was my mistake for caressing this bad habit. Maybe I’m just a freak and emotional trying to get attached without realising I am getting detached. Maybe I was just being me.

I really think that is such an asinine concept to hope for the hopeless. For several months, I have allowed myself to circle around someone else’ life even with the knowledge that I am a third grade option — just a third best. I didn’t guard my heart. For the longest time you can record, I have been a total idiot thinking that somewhere, sometime things could make a difference.

No matter how big the effort I put in or how much I strive to become better, there is someone best. However time I invest, there will be something worth keeping. How much love I give in, it can’t be accommodated. Whatever I do, there’ll be perfect choices to get from. For how can you enter a heart that has not even opened its door to you? How can you say hello to a feeling that has not even dared to welcome you?

This will be my final wailing. These striking moments will continue to hit me. But I dare to get hit just to heal.

Saturday, November 6, 2010

Isang Mensahe

Isa itong kanta. Kanta ng The Company at  ni-revive ni Carol Banawa. Wag na lagyan ng kahulugan kung bakit ko nilagay dito. Gusto ko lang at wala kang pakialam.


May sikreto akong sasabihin sa 'yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam
Ito'y isang lihim itinagong kay tagal
Muntik na kitang minahal
'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo
Ang nararamdaman ng pusong ito
At hanggang ngayon ay naaalala pa
Muntik na kitang minahal

REFRAIN:

Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga ay tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko masabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip muntik na kitang minahal

'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo

Ang nararamdaman ng pusong ito
At hanggang ngayon ay naaalala pa
Muntik na kitang minahal

REFRAIN:

Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga'y tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko nasabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip
Muntik na kitang minahal

Hanggang ang puso mo'y mapagod

Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip
Muntik na kitang minahal

Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics

Monday, October 25, 2010

Kontra Bida

Ako na lang ata ang naiwan. Lahat sila nakapag-move on na. Madali na nilang natanggap ang bigat ng mga emosyon. Patuloy na ang pagdaloy ng buhay nila. Sabi ko naman okay na. Pero hindi ko pa din magawa ang  tumawa. Hindi ko kayang tanggapin ang sakit na dinulot ng aking damdamin. Hindi ko kayang magpatuloy pa.

Palagi kong sinasabi na wala na sa akin iyon. Ngunit palaging may kirot kapag nakikita o naalala ko ang nagdaang sitwasyon. Aaminin ko na kaya ko nang tanggapin na wala na nga. Subalit hindi madaling talikuran ang sakit at pait na dulot ng mga kahapon. Tapos na ang lumang eksena. May bagong cut na.

Ayoko ng maging kaibigan ka. Sapagkat hindi ko nais na masaktan pa. Ang tanging nais ko ay maging mapayapa. Hindi ko na kakayanin ang iba.

May mga istoryang darating. Ngunit hindi ko pa kaya na ito ay basahin. Ang plumang lumimbag sa iyong istorya ay isang panghabambuhay na tatalikuran ko na.

Paalam na.

Wednesday, October 20, 2010

SHOWBIZ

Mukhang nabahiran na talaga ng showbiz ang ating pambansang pulitika. At kahit pati ang pangulo ng Pilipinas laman na rin ng showbiz section ng mga tabloid. Mukhang nahawa na sa kasikatan ng kanyang kapatid si Pnoy. Kaya masyadong malapit ang mga kamera sa kanya. Tuloy imbes pambansang isyu ang natututukan ay ang lovelife ni Pnoy ang nagiging priority ng mga mapanghusgang press.

Hindi lang iyan, tampok din siya ng mga biruan ng mga artista. Akalain mong kaliwa't kanan ang mga taong nagpa-pantasya sa kanya. May mga nakabuntot na media sa mga date niya. May artista na brutal sa pag-amin na gusto niya maging first lady. Nakakabanas lang kasi tila walang limitasyon ang mga taong gumagawa nun sa kanya. Ang sa akin lang sana alam ni Pnoy na hindi siya iginagalang ng mga taong ito. Noong panahon ni GMA, walang sinuman ang nakakagawa ng ganun. Alam ng lahat na siya ang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ang totoo niyan, wala naman talaga ako pakialam kahit bastusin pa nila si Pnoy. Medyo concern lang ako. Kasi naman, sa sobrang pagiging masa-favorite niya, hindi nabibigyang pokus ang mga kamalian na gagawin niya. Halimbawa ang lintik na hostage crisis na iyan! Maraming naiinis sa kabagalan ng pag-usad ng imbestigasyon niya. Pero hindi ito mapagtuunan ng pansin sapagkat mas gusto ata  malaman ng karamihan kung bakit sila nag-break ng girlfriend niya. Bukod pa dito, tapos na ang ika-100 araw niya ng panunungkulan. Medyo mabagal ang pag-usad ng kanyang gagawin at mga plano para sa bayan kong Pilipinas.

Aaminin ko din naman na impressive ang mga tactics niya --- bagay na ikipinaninindig ng balahibo ko pag naaalala ko. Halimbawa na lang ang pag-gamit ng wangwang sa kalsada at  ang pagta-Tagalog niya sa kanyang SONA. Simple lang pero impressive! Kaya lang wag sana ako daanin ni Pnoy sa mga ganyang impressive tactics. Para naman akong artista niyan.

Ang sa akin lang, gusto ko ng ingay mula kay Pnoy. Gusto kong marining ang boses niya. Sana magpa-impluwensya siya ng konti sa kapatid niya. Hindi yung puro showbiz ang inaatupag niya!


Sunday, October 10, 2010

Mantsa

Hindi ko alam kung paano at kung saan. Hindi ko na din namalayan kung kailan. Nakita ko na lang na andyan ka na. Dumating ka ng walang pasabi. Hindi kita napaghandaan. Di na kita naiwasan. At aaminin ko ang pagdating mo ay aking pinagsisisihan.

Ginulo mo ang maayos kong buhay. Sinira mo ang tahimik at payapa kong araw. Naging tampok ako ng mga usap-usapan. At may iilan na hindi napigilan sa pagkutya sa akin. Wala kang nagawa para ibsan ang aking hiyang naramdaman. Sa halip nanantili kang naka-kapit na tila wala ng katapusan.

Pero aaminin ko na ako'y naging masaya din naman. Sapagkat hatid ng bawat asaran ay ang panandaliang pag-ngiti at kaligayahan. Ang ilan ay nagpaabot din naman ng awa. May ilan ding tumulong para ibsan ang aking nararamdaman.

Hindi ko namalayan nasanay na ako sa iyo. At ang kapit mo sa akin ay hindi naging biro. Di ko na alam kung paano ka maalis sa buhay ko. Dalangin ko ang solusyon sa problemang ito. Ayoko na maulit ang pangyayaring ito sa buhay ko. Sumpa ko na hindi na kita ulit papapasukin sa buhay ko.

Hindi na kita muli bibigyan ng pagkakataon. Doble ingat na ako sa mga susunod na panahon. Sisikapin ko na iwasan ka. Nang sa huli ay di na mag-krus ang ating landas. Hindi na kailanman mauulit ito.

Uuwi na ako ng bahay. Sa dakong huli doon din naman ang hantungan. At sa pag-uwi ko, tiyak ko na sabon at washing machine na ang bahala sa iyo.

Thursday, October 7, 2010

Usapang Pikon

Heto ang mga nakalap kong kwento sa lansangan, sa opisina, sa tambayan, sa kainan at kung saan-saan pa. Mga kwentong kanais-nais. Mga istoryang kahindik-hindik. At mga sabit na nangangalabit.

Ang unang bida. Ang kuya kong driver. Puti ang kotse niya. Pampasaherong sasakyan ang dala niya. Bibida si kuya sa mga kwento niya. Aaliwin ka sa mga kwentong kutsero niya. Ang hindi lang niya alam, nabasa ko na lahat yun sa internet. Kung di naman, narinig ko na rin sa iba pang mga kagaya niya. Pero ride lang. Kunwari bago yun sa pandinig ko. Nung malapit na ko bumaba, napansin ko na doble pala ang singil ng metro niya. At dahil sinabi ko yun sa kanya, nag-deny ang kuya ng bonggang-bongga. Kulang na lang na lumabas ang litid sa lalamunan niya. Sa bandang huli sabi ko na lang: "Yumaman ka sana, kuya!" Ayun sinara ko na parang may giyera ang pinto ng sasakyan niya. Tingnan ko lang kung hindi maapektuhan eardrums niya.

Sunod namang bida si ate tindera. Nakangiti si ate pag lapit ko. Tapos biglang sumimangot ng tinanong ko na. Aba, at itinuro niya saken ang brochure kung saan makikita ang presyo at iba pang detalye ng teleponong tinda niya, pagkatapos tinalikuran ako at nagpanggap na abala. Pilosopo pa naman ako. Kaya ayun sabi ko, "Ate, latest ang technology niyo ha! Akalain mo at nakakapagsalita na pala ang papel!" Mabuti na lang naisip ko na layasan agad siya.

Nakita niyo na ba ang mga ka-berks ko sa mga underpass ng Ayala? Madalas ako hinahabol ng mga iyon. At kung di alam ng mga tao sa paligid ko kung ano ang trabaho nila, malamang sa hindi paghihinalaan ako na isa akong masamang tao. Aba, kung makaharang at makahila akala mo pulis! Mabuti naman ang intensyon nila kaya mapapalampas ang ganoong ugali nila. Kaya lang nagulat ako nung minsan, yung isa sa mga ka-berks nila, hinarang ako. Sabi saken, "Are you Filipina?" Pabibo naman ako sa pagsagot. Sabi ko: "yes!" Akalain mo sabi sakin "Okey Mam. Tenk you!" Anak ng! May pre-requisite na pala ngayon para harangin nila.

Isa pang ate ang ikukuwento ko. Nakasakay ko siya sa loob ng tren. Dahil katapat ko siya at wala naman gaanong tao sa loob ng tren, di ko maiwasan na mapagmasdan ang kilos niya. Pa-text text lang siya nung una. At sa palagay ko nainip siya mag-reply ang kausap niya kaya siguro tinawagan na lang niya ito. Heto ang sabi: "Helo. Helo. O, natanggap mo ba text ko? Asan ka? Huh? Ano? Teka. Di kita marinig. Saan?" At paulit-ulit ang litanya niya. Di niya marinig ang kausap. Sumigaw na ng malakas si ate. Sigaw na halos lumabas na ang baga niya. Pero di siya marinig ng kausap niya. Kung di naman kasi kulang ang IQ ni ate. Bakit naman kasi sa loob ng tren niya naisip makipag-phone patch? Malamang sa ingay ng tren kahit ilabas niya pa diaphragm niya hindi siya maririnig ng kausap niya.

Nung minsang maligaw ang mga paa ko, naabutan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang malaking mall sa QC. Napadaan ako sa isang product demo. Wala masyadong tao sa paligid. Hindi naman kasi lahat ng tao mahilig sa mga digital kitchen appliances. Gusto ata makabenta ni mama. Hinarang ako at pinilit na huminto sa tapat ng produkto niya. Medyo di naman ako naaliw nung makita ko kung ano ang produkto niya. Pero mapilit ang mama. Hinabol at hinila ako! Hala, at magalang pala ang mamang ito! Medyo umakyat ang dugo sa ulo ko at kulang na lang kagatin ko ang kamay ni mamang tindero. Sa sobrang pagka-pikon ko, ganito ang naging takbo ng usapan namin:

MAMA: Ma'am sandali lang po. Tingnan niyo po muna ito. Nakakita na po ba kayo nito? (Hmmm.. challenging ha...)
AKO: Oo.
MAMA: Saan po?
AKO: Dito. Ayan o, tinitinda mo!

Napahiya ang mama. Di na ko hinabol nung tinalikuran ko. Wehehe

Monday, September 27, 2010

Natrapik

Medyo natagalan lang ako. Nahirapan kasi ako makasakay. Wala kasing masakyan. Patuloy kasi ang pagbuhos ng ulan. Nagbaha tuloy sa mga lansangan. Wala kasing maayos na nagtata-trapiko sa daan. Akala ko kasi kakampi ko si haring araw. Hindi ko tuloy napaghandaan ang lupit ng pagtila ng ulan.

Ngunit lahat kagaya ng unos na dulot ng bagyo ay sisibol muli ang bahag-hari. Hindi palaging madilim ang kalangitan. Sapagkat sa bawat pagdilim, palaging sisikat ang araw. Medyo hindi ko kasi nakita ang tamang daan.

Tapos na ang lahat ng ito. Makakatingin na ulit ako ng taas-noo. Mas matatag na ulit ako. Makakasulat na ulit ako.

Sunday, September 26, 2010

Sa Likod ng Tabing

Tuwing nakakapanood ako ng pagtatanghal sa entablado, palagi ko hinahangaan ang mga aktor na bukod-tangi ang talento sa pag-arte. Kasi naman pambihira ang kanilang kakayanan. At sa bawat dula na kanilang itatanghal hindi nauubos ang enerhiya at husay nila. Ano pa't talagang mahusay din ang direktor at napili nila ang tamang taong gaganap sa bawat role ng kanilang istorya.

Pero alam niyo ba na ang tunay na bida ng mga dulang ito ay hindi  ang direktor o mga artista? Ang tunay na bida ay iyong mga munting diwa na nasa likod ng mga produksyong iyon. Ang husay ng mga istorya ay nagmumula sa isa o dalawang nilalang na umisip at nagsulat nito. Ang ganda ng entablado, ganda ng mga costume at ang husay ng mga ilaw ay angkin ng mga nilalang na nagkabit o nag-ayos nito.

Ngunit, ano man ang kanilang naging papel sa produksyon na ito, hindi ito makikita ng nakararami. Dahil ang hindi lumabas sa pagtatanghal ay sa papel lang nakikita. At ang papel na pinagsulatan ng pangalan nila ay malulukot, maluluma at itatapon na. Ganun yata talaga ang papel ng mga nilalang na nasa likod ng mga kurtina. Alam ng lahat na nasa likod sila ng kurtina ngunit hindi lahat mapapansin ang kanilang presensiya.

Parang love triangle ng isang telenobela. Mahal ng isang aktor ang bida kaya lang naisulat na sa script na iba ang totoong mamahalin ng bida. Sa huli magmamasid na lang siya. Makukuntento kung hanggang saan ang itatagal ng pelikula. Ganun din naman sa isang trabaho. Ikaw ay bahagi ng isang grupo. Gagawin mo ang lahat para maging angat sa iba ngunit sa lider ng grupo mapupunta ang credit. Parang sa isang pamilya, ikaw ang nagbigay ng lahat ng bagay ngunit mas mapapansin pa din ang black sheep  ng pamilya. At ganun din sa tunay na buhay, ikaw ang naghirap ngunit may ibang makikinabang at magpapakasarap.



Monday, September 13, 2010

Pers Taym


Itinigil ko na ang ideya ng handaan o selebrayon ng kaarawan ko magmula nung tumungtong ako sa legal na edad. At mula noon, gusto ko ng taimtim, mapayapa at tahimik na kaarawan. Pero ngayon iba ang nakatala sa script ng buhay ko. Sa script na ito, hindi ako ang kontrabida. Hahahaha.

Sa walong taon ko ng paghahanap-buhay, ngayon lang ako nagtrabaho sa araw ng kapanganakan ko. Palagi ko kasing pinapaglaanan ng araw ng pahinga ang bertday ko. Aaminin ko na ito ang pinakamasakit na bahagi ng aking kaarawan. Kahindik-hindik kasi Lunes pa tumapat ang Setyembre 13. Pero magsisinungaling naman ako kung sasabihin ko na pinagsisihan kong ganito ang naging kaganapan. Hindi naman ako artista, ano. Wehehehe.

Salamat sa buong PCS at hindi madugong pagpapaliwanag ang kailangan para sa resulta ng nakaraang linggo. Pasado kasi kami kaya ang dating 1 oras na talakayan, 10 minuto lang ang kinahinatnan. Salamat sa mga agents ko at ang malamlam na umaga ay naging maliwanag.  Hindi ko talaga inakala na bibigyan niyo ako ng regalo. Salamat sa cake, maraming nabusog. Dahil diyan, babawasan ko ng sampung minuto ang sermon ko. At dahil birthday ko, marami akong nauto na mag-OT.  Bwahahahaha!

Salamat din sa mga bumati. Ang mga simpleng pagbati ay lubos na nakapag-pangiti sa akin. Nakalahati ang charge ng phone ko dahil sa dami ng nag-text. Napatunayan ko na hindi lang pala magastos magmahal, mas magastos ang tumangap nito. Kasi lahat ng bumati sa akin sa text, ni-replyan ko. Naubos tuloy load ko! Ngayon ko naisip na sana nagpadala na lang kayo ng materyal na bagay.  Hindi bale, tumatanggap pa naman ako ng regalo kahit huli na. Hehehehehe.

Salamat din sa pari ng simbahan, naalala ko ipagdasal ang ibang tao sa araw ng kaarawan ko. Salamat sa inyo sa sobrang saya ko, ngayon lang ko sumulat ng blog na may tawa lahat ng talata. Hihihihi.



Friday, August 27, 2010

Basta Ayoko

Sa kahit anong paraan at kahit anong dahilan -- ayoko ng sorpresa! Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi ang sorpresa ay kumikitil sa pagkakataon ng isang tao para maging handa sa isang bagay o pangyayari. Hindi naman ako KJ (kill joy).  Sa katunayan, makailang ulit na rin akong nagbigay ng sorpresa sa ilang kaibigan sa tulong na rin ng iba ko pang kaibigan. Kaya lang ayoko talaga masorpresa. 

Ayoko ng ideya na magugulat dahil hindi ako nakapaghanda para sa isang bagay. Ibig sabihin noon, hindi ko naibigay ang 100% bahagi ng sarili ko. Ayoko din na makita ng ibang tao ang mga "spur of the moments reaction" ko. Hindi ako handang maging mahina sa harap ng iba. At hindi rin ako handa ipakita ang mga pagkakamaling tatatak ng matagal sa isip ng iba. Ganito ako. 






Saturday, August 14, 2010

Senti Lang

Napakabilis ng panahon. Sa bilang ko, walong taon na pala akong naghahanap-buhay. Isang mapait na katotohanan pero napakatamis din naman (lalo na kapag suweldo). At sino ba makakaisip na pagkatapos ng apat na taon ng paghihirap sa kolehiyo ay heto't sa call center ako nagta-trabaho. Walong taon ko na din ipinapamigay ang aking talento sa isang banyagang kumpanya na nakatayo dito sa Pilipinas.

Sinong mag-aakala na kahit isang maayos na kurso ang natapos ko, babagsak pa din ako sa pagiging isang call center agent. Hindi ko sinasabing mababang uri ang mga nasa call center. Dahil hindi naman ako isang ordinaryong mag-aaral nung ako ay isang estudyante pa lang (may halong yabang ito). Ang totoo niyan hindi madaling pumasok sa isang call center --- naghahanap kasi ang mga ito ng mga taong may utak, may dila at di natatakot ipahayag ito bukod pa sa kailangan uto-uto ka din para matagalan ang sistema at pamamalakad nila.

Mahal ko ang trabaho ko at hindi ko kinukwestyon ang propesyon na pinili ko para bumuhay sa akin sa nakalipas na mga taon. Sa totoo lang nanghihinayang ako. Naburo kasi ako ng walong taon na hindi ko man lamang nagamit ang pinag-aralan ko. Hindi ko tuloy maiwasan suriin kung tama ba ang naging desisyon ko.

Nung nasa kolehiyo pa ako, pinangarap ko talaga maging isang abogado. At pangarap ko pa din yun ngayon (hanggan pangarap na nga lang). Gusto ko talagang maging de-kampanilya ako. Kaya nga nung di ko yun magawa, sinubukan ko din pumasok sa Graduate Studies. Siyempre dahil nagta-trabaho ako, hindi ko din napanindigan.

Nakakalungkot isipin na sa dami ng mga trabahong inalok ng pamahalaan sa mga nagsipagtapos ng kolehiyo, karamihan dito ay trabaho sa call center. Ibig sabihin, madalas sa hindi na hindi ito aakma sa kursong tinapos ng isang estudyante.  Nakapanindig balahibo lang at tila walang pakialam ang mga tao sa gobyerno magkaganun man. Wala sinuman ang may karapatan umangal dahil kapalit nito ay ang pagkain na ihahain mo sa hapag-kainan.

Ngayong nagtatrabaho pa din ako sa isang call center, palagi kong iniisip kung naging makaturangan ba ako sa sarili ko na gawin ito. Madalas ko din itanong kung hanggang kailan ako tatagal gawin ang mga bagay na ayaw ko gawin? Ano na kayang mangyayari sakin kung susubukan ko umalis sa ganitong uri ng propesyon?

Nakakapagod lang. Nakakasawa.





Friday, July 30, 2010

Daan

May pinagdadaanan ako! Kalye, kalsada, overpass, underpass highway, walkway, atbp. Lahat yan pinagdadaanan ko pauwi ng bahay. At parang na-master ko na nga ang hitsura pati sukat nila. Sa gawing kaliwa may lamat, sa bandang kanan may bako at sa gitna nagbubuhol ang trapiko. Trapikong nagdadala ng peste sa araw-araw na biyahe ko.

Sa kalye makikita ang mga bubuyog ng bayan. Bubuyog na lalong nagpapatingkad sa sikat ng araw. Init ang hatid ng mga dilang malupit. At hagupit ang hampas ng dilang walang patid.Wala namang bulaklak pero lahat ng bubuyog ay nagkalat.

Kalsada ang paraiso ng mga langgam ng lansangan. Hindi nauubos sa paglakad at pilit na nilalakad patawid ang buhay. Paulit-ulit. Pabalik-balik. Walang sawa at tila walang kapaguran. Maipagmamalaki ko, isa ako sa mga langgam na ito.

Sa mga overpass at underpass masasalamin ang kahirapan ng lipunan. Mga kaluluwang nakahandusay sa daanan. Walang masilungan. Walang laman ang tiyan. Mga munting nilalang na kuntento na sa mga baryang ihuhulog sa mga latang lalagyan.

Ang mga walkway ay pulungan ng komedya ng bayan. Tambayan ng mga gong na walang kahulugan. Pulungan ng mga nilalang na ang alam lang ay huwad na kagandahan.

Highway. Paborito kong daanan. Salamin ito ng buhay na walang pag-unlad. Na datapwa't maraming buwis na nasisingil, patuloy pa rin itong naghihirap. Samu't-sari ang taong walang disiplina sa trapiko. At sinasabayan pa ito ng mga pulis/MMDA na walang modo. Idagdag mo pa dito ang mga u-turn na walang silbi, mga traffic signs na walang tulong sa pag-gaan ng daloy ng trapiko at mga batas na dagdag sakit ulo.

Bakit ba kailangan daanan pa ang mga ito. Bakit di na lang lumipad ang tao? Bakit di ko kayang mag-teleport kagaya ni Son Goku. Bakit walang time space warp tulad ng kay Lay-Ar at Shaider.

Habang kailangan ng walkway, highway, passageway, passersby at passenger kailangan ko na lang magtiis na pagdaanan ko ito.

Monday, July 26, 2010

Unang SONA ni P-Noy

Mapalad ako. Inabutan ko ang talumpati ng kauna-unahan pangulo na pinagkakatiwalaan ko --- sa ngayon. Dati rati, binabasa ko lang sa mga dyaryo ang talumpati ng mga nagdaang pangulo. Ngayon, masaya ako at narinig ko ng buong-buo mula sa pinakamataas na pinuno ng bansa ang kanyang unang SONA.

Simple. Diretso. Makatotohanan. Yun ang mga salitang ginamit ni P-Noy. Hindi mabulaklak gaya ng karaniwan. Hindi nangako. Hindi nagmayabang. At narinig ko ang dapat kong marinig mula sa kanya.

Hindi lahat sinaklawan ng kanyang talumpati. At iyon ang nagustuhan ko. Natuwa ako at hindi siya naglista ng mga bagay na gagawin niya. Ibig sabihin, nabitin ako at ang madlang Pilipino. Marami pa akong dapat asahan at hilingin sa kanya. Mabuti na din iyon. Hindi siya nagbigay ng mga pangakong ipapako niya sa bandang huli. Samakatwid, binuksan niya ang pinto ng transparency on governance. At sisiguruhin kong magiging bukas ang mata ko sa mga bagay na iyan.

Kooperasyon. Yan ang maliwanag na narinig ko mula sa kanya. Humihingi at humihiling siya nito. At di man niya sinabi, alam kong ibibigay niya rin ito sa mamamayang Pilipino. Kooperasyon upang isulong ang kanyang plataporma. At kooperasyon para maghintay ang madla ng ginhawa sa buhay.

Matalim na pananalita. Maanghang na pagbabanta. Hihilingin ko lang na maging matatag siya. Pag-asa. At sana hindi dahil lang nagpapa-bibo siya.

Thursday, July 22, 2010

Wala Ng Libre Ngayon

Wala ng libre ngayon. Lahat may kapalit. Yan ang batas na hindi mababago ng nagbababagong panahon. Kasi naman kapag libre ang lahat, malamang maubos ang kalikasan ng hindi napapalitan. Ayos lang yon. Para may balanse ang buhay. Ang nakapagtataka lang ay iyong dating libre, may bayad na ngayon!

Halimbawa, dati kapag gusto mo bumasa ng libro pupunta ka lang ng library, solb ka na. Ngayon, kailangan may membership card ka na (renewable in one year) at may reservation na din ng libro ngayon. First Come, First Serve policy ika nga.

Noong araw kapag gusto mo magkaron ng kakaibang kuwento, tatambay ka lang sa barberya at tiyak suki ka ng mga kuwentong kakatwa. Ngayon, para maging "in" ka, kailangan meron ka ng celpon. At dapat may load araw-araw para una ka sa mga jokes na isinalin sa wikang jejemon. NaIintdddheaAnn NeOh pfoh bvahh? Anak ng!

Pag nagutom ka, kailangan mo pumunta sa fast food chain. Ngayon may delivery na. At kapag malamig ang pagkain na na-deliver, i-microwave mo na lang kaysa maghintay ka ulit ng 30 minutos para palitan yun. Luwa na mata mo nun pag nagkataon. 

Noong unang panahon, analog black and white TV lang maligaya na ang mga kapitbahay mo. Ngayon, de-cable  na ang mga TV nila para updated sa pinaka-magandang pelikulang ipinapalabas. Pero kung taga-Taguig ka, magtiyaga ka  na lang sa cable company na namamatay ang serbisyo kapag kasarapan na ng siyesta. Ang masakit lang, wala silang customer service na mapagtatanungan. Nagsisiyesta kasi ang mga empleyado kapag kailangan mo sila.


Dati rati ang cafeteria, tambayan ng mga nagkakape o nagme-meryenda. Subukan mong pumasok ng mga coffee shop ngayon. Ginawa na itong tambayan ng makabagong kabataan. Na para bang hindi ka dapat pumasok dun kung wala kang dalang laptop. Minsan pa nga, walang pakundangan na iuurong ang upuan mo para lang maisaksak ang pesteng baterya ng laptop nila. Ang masasabi ko lang: "Hampas-lupa ka ate! Ayaw mo magbayad ng malaki sa Meralco kaya sa coffee shop ka nagco-computer! 'Tse!"

Noon kung may problema ka, tatawagan mo lang ang kaibigan mo at darating na siya. Ngayon dahil iba na ang panahon, busy na siya. Kailangan planuhin kung kelan kayo magkikita at dapat ilibre mo siya. Pag nagkita naman kayo, mas madami pala ang kuwento niya. Di mo aakalain na mas madami pala siyang problemang dala. Magdusa ka na lang kasi siya ang niyaya mo. Mas masarap pang kausap ang rebulto sa Paseo!

Pag may nagkasala sayo madalas na ipagdasal mo na lang ang pagkakasala sila. Makabago na ngayon. Dahil hindi mo na kailangan pa gawin yun. Digital na kasi ang karma. Kadalasan nga, naka-DSLR pa! Express delivery ang dating at di mo inaasahan at di mo napaghandaan. Kaya isuot mo na ang iyong force shield, ilabas na ang laser sword at tawagin na si Daimos para hindi ka mahanap ni Carmi Martin.

Tuesday, July 20, 2010

Balik Na

Tapos na ang bakasyon. Nagbabalik na ko.

Mas makatarungan, mas matapang. Wala ng panahon para umupo at mag-abang. Natapos na ang panahon ng paghihintay. Ang ilang buwan ng katahimikan ay akin ng tinutuldukan.

Mabubuhay na ulit ang blog na ito. Naubos na din ang mga Ingles ko. Tagalog dictionary na ulit ang hawak ko. Tapos na din ang mga teleserye at talambuhay ko.

Back to work na ulit ako.

Sunday, July 11, 2010

I'm Who Should I Be

I am a choice not an option. If you have a problem with that, then we definitely are into trouble. I can't be your toy when you are bored. I can't be your past time if you have nothing to do. I also have limits and I am so damn serious about that.

I have the heart to understand. But I do not have the time to wait forever. I don't have to dwell into something I am not entitled to. I can't be there as you please. I don't have the patience and I will stand by it.

I can do so many things. And I will bear the pain even when it means it's over. You can't tell me which direction to take. I am not stupid. I can sense a rejection even without being told so.

Simply put it: I am worth I am.

Saturday, June 5, 2010

Confession

I wrote this June 5, 2010. A day before, my laptop got busted. Enough time for others to see the confession of my wounded heart.

Today, July 8, 2010, I am deleting the original content of this blog. Not because I am not proud of what I said. But it's my way of moving on and growing up.

God bless me.

Oh and by the way, my laptop's now fine and working. I have to make myself work again. 

Wednesday, June 2, 2010

Parusa

Ngi-ngiti ako. Hindi dahil masaya ako kungdi dahil gusto kong ipakita sa'yo na magiging masaya ako. Tatalikod ako. Para hindi mo makita ang pagbuhos ng aking mga luha. Tatakbo ako. Nang hindi ako maabot ng mga paningin mong mapanghusga. Tatakpan ko ang aking tenga. Para hindi ko marinig ang iyong pagkutsa. Mag-iitim ako, Para ipagluksa ang araw na ito.

Hindi mo kailangan magsalita. Hindi kailangan ng "oo" para umayos ang lahat. Ang pagsasabi ng hindi ay madalas nakakapukaw sa damdaming naliligaw. Huwag mong sabihin magiging maayos ang lahat. Hindi naman lahat ng sinasabi ng bibig ay nadarama ng dibdib.

Matalim ang kutsilyo ngunit nakakasugat ang gawa mo. Kasing pait ng ampalaya ang mga alaala mo. Parang bakal na dumadagan sa aking katawan ang hatid nito.

Ayaw na kita kausap. Hindi na ako titingin. Wala na akong mararamdaman.

Saturday, May 22, 2010

Kabaligtaran

Hindi na bago sa pandinig natin ang kasabihang: "Life is Unfair." Kadalasan, naririnig o naalala natin ito kapag nagiging mahirap ang mga desisyon na ginagawa natin kapalit ng kaligayahan ng nakararami. Minsan naman, ang mga sakit na nararamdaman natin ang nagiging patunay sa kasabihang ito.

Kung sa tutuusin, hindi naman talaga totoo ito.

Hindi totoong hindi makaturangan ang buhay. Hindi kasi natin matanggap na may mga bagay na hindi nararapat pero kinaiinggitan natin. Halimbawa,ang pagkakaiba ng pangit sa maganda. O kaya naman kapag dinidibdib natin ang pagkakalayo ng mayaman at mahirap.

E ano kung maganda siya, ibig ba sabihin nun perpekto na siya? Kapag naman mayaman siya, ibig ba sabihin nun wala na siyang utang? Kapag pangit ba ibig sabihin hindi na puwedeng mahalin? E bakit maraming pangit na artista ang sumisikat? Hindi dahil mayaman siya at mahirap ka ay nangangahulugan ito na pasan mo na ang daigdig. Sa kasaysayan, si Atlas pa lang ang nakakagawa nun. Dahil tao ka, alam kong hindi mo magagawang ipasan ang daigdig.

Ang totoo niyan ang pagkakaroon ng iba-ibang antas ng buhay ay isang litanya. Litanya na dapat tanggapin ng maluwag sa dibdib. Mahirap pero yun ang dapat.

Hindi nagiging makaturangan ang buhay kapag pinipilit natin ang mga gusto nating mangyari sa kabila ng katotohanan na makaapak tayo ng karapatang pantao ng iba. Tingnan niyo ang mga pulitiko, madalas silang magpasikat sa harap ng telebisyon kaya maraming away na nag-uugnay lang sa maling interpretasyon. Pinipilit nila ang kanilang gusto kaya maraming tao ang nag-iisip na tama ito.

Parang pag nagmamahal. Hindi mo puwedeng ipilit na mahalin ka ng isang tao kung hindi niya gusto. Sabi nga ni Bob Ong: Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Kapag pinagpatuloy mo ang iyong paniniwala na hindi makaturangan ang buhay, parang sinabi mo na rin na isang pagkakamali na ipinanganak ka sa mundong ibabaw. Ang maduming kaisipan at hindi busilak na hangarin ang nagpapahirap sa antas ng iyong buhay.

Isipin mo na lang kung madali ang buhay, paano mo maiisip na pahalagahan ang mga bagay sa paligid mo? Kung lahat ng bagay ay masaya, paano mo mararamdaman ang halaga ng mga luha? Paano mo maiisip na gumawa ng kakaiba kung ang lahat ng tao iniisip ito ay ordinaryo lang? At paano ka makakapag-bigay ng pagmamahal o ligaya kung hindi naman pala ito kailangan ng lahat. Habang ganyan ang pag-iisip mo, patuloy na magiging sumpa ang buhay para sa'yo.

Tanggapin mo na ganito ang buhay. Masakit pero dapat tanggapin. Mahirap pero hindi makaturangan.

Monday, April 19, 2010

Gusot. Ang tawag sa bagay na may lukot. Isa itong kulubot. Isang lukot na maaring di sinadya o maaring dulot ito ng isang pagpapabaya. Karaniwang nakikita sa papel na nilukot. O sa damit na kalalaba lang. Gusot. Lukot.
Nakakabahala at nakakalugmok.

Naranasan mo na bang maging bahagi ng isang gusot na hindi ikaw ang may gawa? At dahil wala kang iba pang magagawa ay kailangan mong makiagos na lang? Naramdaman mo na bang ipagtanggol ang sarili mo sa bagay na dulot ng pagpapabaya ng ibang tao? Ngunit hindi ka puwedeng magdahilan at kailangan mo lang daanin sa katwiran? Nasubukan mo na bang ayusin ang gusot na hindi sa iyo? At sa paggawa noon ikaw pa ang lalabas na may sala?

Ang totoo niyan, madalas sa hindi ay nararanasan ito ng tao. Likas kasi ito sa mga taong may puso --- kahit pusong bato pa yan. Ang initial reaction natin ay palaging umiwas o kaya naman rejection na lang. Bakit ang hindi? Mas madali kaya ang umiwas. Mas masarap kaya ang pakiramdam ng nawawala sa limelight o center of attention. Bakit naman natin kailangan ipagtanggol ang ating sarili sa bagay na hindi ikaw ang may gawa, di ba? Para kang kumuha ng bato ng ipupukpok mo sa sarili mong ulo. Aray! Wag na lang!

Tama naman iyan. Lalo na kung makakaiwas ka sa kaguluhan. Ngunit tandaan lang na hindi lahat ng oras ay lalabas si Voltes V para maglabas ng force shield sa'yo. May pagkakataon din na kailangan ilabas mo din ang iyong laser sword para labanan ang kampon ng kadiliman.

Hindi ito madaling gawin. Lalo na at gagamit ka ng kame-hame wave para lang manalo sa laban. Ngunit ang bawat gusot na iyong pagdaanan ay isang level up sa laro ng buhay. Mas mainam na ang lumaban. Kaysa naman pabayaan ang mga mahal mo sa buhay sa ganitong klase ng laban. Mas madali ang masaktan kaysa makasakit ng ibang tao.

Ganito lang palagi ang iniisip ko. Lalo na kapag ang maraming tao ay lagi akong dinadala sa mga sitwasyon na ganito. Pinagpapalagay ko na nagtitiwala sila sa akin. At sa palagay ko naman matibay ang plantsa na gamit ko.


Monday, April 12, 2010

Idol ko si Piolo

Hindi ko hilig ang manood ng telebisyon. Kaya kapag may napapanood ako o nakikita sa telebisyon, ito ay tumatatak at nag-iiwan ng bakas sa isip ko. Nung minsang pagpihit ko sa remote control, isang Tagalog na pelikula ang sumabay dito. At ginulat ako ng bidang lalaki ng bitawan niya ang linyang ito: "Kapag niyakap ba kita, happy ending na tayo?...."

Isang madamdaming tagpo. At dahil hindi ako masyadong panatiko ng ganitong uri ng drama, nilipat ko ulit ang channel. Aakalain ko ba naman na isang political ad ang babandera sa paningin at pandinig ko?

Hindi naman mahusay ang isip ko pero di ko naiwasang ibalik sa buwisit na pulitkong iyon ang tanong: "Kapag ba niyakap ko ang adhikain mo, happy ending na ang buhay ko bilang isang Pilipino? Kapag ba sinabi mong galing ka sa hirap ibig sabihin may magagawa ka na sa bayan ko?

Sampu sa sampung political ads na napapanood at naririnig natin sa telebisyon at radyo ay parang pelikula. Kasi naman pinagbibidahan ito ng mga dramatista. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi sila bukas sa pagsasabing: MAYAMAN SILA PERO MAY MAGAGAWA PA DIN SILA. Naiirita ako kasi sa bawat ad nila, lagi nilang sinasabing mahirap sila o galing sila sa hirap kaya dapat iboto din sila. Ginagawa nilang sumpa ang kahirapan at kunwari isa silang mensaherong tagapaglitas sa kanser ng lipunan.

Kung aaralin natin ng maigi ang kanilang sinasabi, hindi nila matuwid  na naipapahayag ang kanilang plataporma. Halimbawa, kung sinasabi ng kanilang ad na iaahon nila ang Pilipino sa hirap, paano nila gagawin ito? Hahatiin ba nila ang kanilang yaman atsaka ipambabayad sa utang ng Pilipinas sa World Bank? O mangungutang ulit sila para hindi magalaw ang mga tagong yaman nila? Kapag sinabi nilang may trabaho para sa mamamayan, trabaho ba ito na makabubuhay ng pamilya o pantawid gutom lang? Ito ba ang hanapbuhay na akma sa kursong tinapos nila?

Meron isang tumatakbong para Senador ang umapila sa taong-bayan. Iboto daw siya kasi ipinakulong siya noon. Tama ba ito? Sa pagkakaalam ko kaya kumakandidato ay dahil may interes sa serbisyo publiko. Kailan pa naging MMK ang lehislatura? Sana maging malinaw siya kung ano ang link ng pagkakakulong niya sa pagnanais niyang makapaglingkod sa bayan ko.

Hindi ko sinasabing wala ng pag-asang nakataya sa mga kandidatong ito. Kailangan lang maging mapanuri. Hindi palaging pelikula ang palabas sa TV. Tandaan: may commercial din. At mas madalas ang patalastas kaysa sa aktwal na palabas. Maaaring matandaan natin ang paulit-ulit na patalastas na ito. Mahuhumaling tayo at mae-engganyo. Pero kagaya ng linyang binanggit ni Piolo, ibig bang sabihin nito happy ending na tayo?

 

Wednesday, March 17, 2010

Namumulitika Ako!!!!

Para sa kaalaman ng lahat, heto ang pinakahuling resulta ng AGB Nielsen (datos mula Pebrero 9 hanggang Marso 2) sa mga gastos ng mga pulitiko para sa pangangampanya ngayong 2010 Elections.

Orange Boy ---  P120, 411,093 
Chickboy       ---  P88  M
Mama's Boy --- P87  M
Amboy         --- P67.3 M
President's Boy --- P60,480


Aba Naman!!! Akala ko ba walang pera ang bansa natin kaya bagsak ang ekonomiya? Paano at saan nakahanap ang mga pulitikong ito ng financer sa kanilang kampanya? Akala ko ba hindi matustusan ang proyekto ng pamahalaan dahil walang contributors? Niloloko ba ko ng mga pulitikong ito?

At parang isang sirkus na naman ang entablado ng pulitika! Hindi pa sila nakakaupo niyan ha... naglalakad at nangangampanya pa lang. Ayos lang sa'kin na nililibak nila ang isa't-isa. Kailan ba sila nagkaron ng malinis na makinarya? Ang ikinakukulo pa ng dugo ko ay ang hayagang pagsisinungaling ng mga pulitiko mabola lang ang mga maawaing Pilipino. Talagang nakakapanindig balahibo ang mga uri ng ad na inilalabas sa telebisyon! Kahit mga bata e ginamit na modelo! Hindi ba nila naisip na traumatic experience ang gamitin ang bata sa isang adhikaing hindi naman nila nauunawaan at sumusunod lang kapalit ng kaunting halaga?

Sa isang interbyu tinanong si Orange Boy: "Kung mananalo po ba kayo sa eleksyon, babawiin niyo po ba ang 1B ginastos ninyo sa pangangampanya?" Aba, magiting na sumagot ang bata: "Hindi, kasi binili ko ang pangarap ko."

Mawalang-galang nga lang ha at talagang hindi ko igagalang ang taong ito!!! At anong palagay niya sa buhay nating lahat? Tropeyo na nabibili sa Recto? Utang na loob!!! Mag-isip ka nga! Parang hindi ka nakapag-aral! Sinasabi mo bang ako bilang isa sa mga Pilipinong taxpayer at botante ay isang bahagi lang ng pangarap mo? E paano kung manalo ka nga? Anak ng lintik!! E di ihihilera mo lang kami sa achievements mo!!!! Hindi ako matalinong mag-aaral, kaya basic lang itong ituturo ko sayo: PUBLIC OFFICE MEANS PUBLIC SERVICE not a PRIVATE DREAM!!!! At utang na loob Orange Boy, kung talagang malinis ang intensyon mo, bakit palaging may camera sa bawat pagtulong mo? Publicity ba ito or display of grandiosity? Parehas lang yan, mamili ka na lang ng mas bagay.

At anong ginawa mo sa tagal ng iniupo mo sa kamara? Nagpaanod sa agos nung ini-impeach si Chickboy? Bakit nauna ka pang yumaman kesa dun sa lugar na pinaglilingkuran mo? Pakiusap din, pakisagot lang ang tanong na bakit mas mahal ang mga bahay sa mga pag-aari mong villages sa kahabaan ng C5 road projects? Mas maganda naman yung sa kapitbahay mong village? A, alam ko na! Sementado kasi yung daanan ano?

Heto naman si Chickboy, nagmamalinis sa mga political ads niya! Natatandaan ko pa, ang gulo-gulo ng gubyerno sa rehimen mo. Kumusta naman ang midnight cabinet na kahit kailan ay di mo inamin? Hindi ko na isisisi sa'yo ang ekonomiya alam kong naapektuhan din tayo ng Asian Economic Crisis. Ipaliwanag mo na lang kung bakit ginawa mong 5-star hotel ang Malacanang? Utang na loob!! Malinis pa sa utak ko ang dami ng raliyista dahil hindi nagugustuhan ang dumi ng trabaho mo!

President's Boy, gusto sana kita... pero anong kasiguruhan ko na wala ka sa anino ng napakagahaman nating presidente? Sayang baka tuluyang bumagsak ang eroplano kapag sumakay ako.

Mama's Boy, konting yabang pa ha!!! Lesser evil ka ngang maitatawag pero ano naman ang kasiguruhan ko na may magagawa ka nga para sa bayan ko? Tsk.... tsk... tsk.

Amboy, Sir!!! Ganda ng adhikain mo pero palagay ko, hindi mo pa panahon. Palagay ko dapat magpalapad ka pa ng pangalan. At habang may pagkakataon ka pa, pakiusap layuan mo si Marikina Boy!

Friday, March 12, 2010

Just Lingering

Happiness is subjective. It is dependent to human heart. It varies from all directions and changes everyday. It is never ending and always demanding.

Some people think that yearning for money, food, nice clothes are just some means to display happiness. For people already given with multiple blessings, these are not enough. They undyingly look for something of the ordinary. There are those who look for different types of challenges just to keep or find happiness. While some who just had no way of getting it failed.

Getting odd or even is the primordial building block in one's strife to happiness. And it is not an easy predicament. Investment is necessary --- emotions, intelligence, politics --- just to get to the path where you intend to belong.

So why do people seek happiness despite the ever growing trend of the environment? Why do people stay insatiable despite the invention of needs versus wants technology? I have one answer to that but I certainly think I don't share the same thoughts as many. I only have a simple answer: spirituality can't be fed with physical aspects alone. Being happy meant spiritual growth as well. Growing by your norms, living by standards are some characteristics of a hungry heart. Keeping a mask of what a person should be is by far the greatest cover up we can ever see.

No one needs to rush things to stay happy. No one has to stay challenge to play up with destiny's plan of happiness. And nobody has the right to dictate someone else's happiness.

Let me share you some thoughts: I am currently seeking a partner called happiness. Mind you, I never realised that it could be a real score to look for one. It is hard because it is a test of trial and error. Most of the time it brings heartaches and tears. But I am living by it...staying by it. And I am buying time no matter how expensive it is. Soon in God's time, I shall be ready to embrace it.

Sunday, March 7, 2010

Lalim

Kung ikaw ay masaya pero hindi ka tumatawa, ito ba ay huwad na ligaya? Paano na kung malungkot ka pero hindi ka lumuluha?  Kung may gagawin ka pero di mo ginawa, masasabi ba nating tamad ka? Paano naman kung napapagod ka pero ayaw mo magpahinga? Kung hinahanap mo at di mo makita, mata ba talaga ang hindi nakakakita? O sinara mo lang ang tenga mo para di ka tuluyang makaunawa?

Bakit kapag ang tao ay umaayaw, mukha lang ang umiiling pero hindi ang damdamin? Bakit sa tuwing kumakapit ka sa lubid patuloy naman itong napipigtal at nawawaglit? Ano ang gagawin mo kung ikaw na ang bida ng isang telenobela? Pero wala naman nanonood kahit anong ganda ng istorya? Paano ka titigil kung di naman kailanman nagsimula?  

May mga masasakit na tanong na ayaw na nating sagutin. At may mga sugat na hindi na maghihilom kailanman. Gusto ko sanang tapusin ang pahayag na ito, ngunit napakahirap nun sa damdamin...

Friday, February 5, 2010

Awit Buhay

Ang buhay ay isang awit. Isang himnong may katapat na titik. Isang piyesang nilapatan ng mga nota at binagayan ng instrumentong magbibigay sigla dito. Kasabay nito ay ang musikerong tutugtog o kaya ng mang-aawit na kakanta ng melodiya. At dahil isa itong awit, kailangang maingat na pipiliin ang kompositor na gagawa nito.

Ang buhay tulad ng awit ay kinakailangan paglaanan ng oras at panahon. Ito ay isang ganap na istorbo sapagkat hindi ka dapat tumigil sa pagmamatyag nito.

Tulad ng isang awit, ito ay minsan mabilis ngunit bigla na lang babagal. May tempong akala mo ay humahanap ng away o kaya naman ang nais lang ay makapukaw ng atensyon ng karamihan. Minsan may dadaan na akala mo'y wala ng bukas ang pag-awit. At meron din naman dadaan na parang isang piyesang di natapos at di mo mararamdaman. Kasabay ng lagaslas ng damo sa kapaligiran at ng malakas na ihip ng hangin, ito ay inaawit ng may pag-antabay. Kungdi naman, ito ay mapapabayaan at mawawala sa tono o sa tiyempo.

At dahil nga ito ay isang awit, kailangan nito ng mikroponong makakapag-parinig ng kanyang mensahe sa sanlibutan. Isang awit na makakapukaw ng damdamin at makakapagparanas ng iba pang saloobin.

Gaya ng iba pang mga awit, ang buhay ay maiksi lang. Ito ay may katapusan. Sa kadalasan hindi natin alam kung kailan.

Monday, January 25, 2010

A Series of Unfortunate Events

I remember Lemony Snicket writing a book of tragedy.   I never thought that being a fan would mean such misfits could happen to me... and mind you it did happen ---- in just a day!!!!

So here's a summary of the unfortunate events that happened to me yesterday which I hope nobody would encounter. I am not proud of it but it could be a dose of laughter or a pill of annoyance.

1. As early as 6AM, I was rushing my way to work. I really have to come in early since I was on leave the previous week I saw one of the two elevators not working and there were too many people waiting for the other lift. Because I don't want to be late, I climbed the stairs by the fire exit all the way to the 6th floor. I was still catching up my breath when the first thing that welcomed my morning is a "Supervisor Call."  Good morning everyone!!!!   Congratulations!!!!!

2. Bad hairdo had always been my problem. I went to the rest room to fix my hair. My comb fell down so I had to bend a bit to pick it up, unfortunately my mobile phone dropped from my narrow pocket. When I picked it up, I placed it near the sink so it could be safer. Well, dropping my phone isn't very unfortunate....it has always been a habit.

   I decided to wash my hands. I was rubbing my hands so hard that my elbow touched my mobile phone and it fell off the sink!!! WTF!!! My phone suddenly had a bath that it didn't ever want. It took me nearly three hours to dry it up! I nearly thought that I'll be changing phones again (it should have been my third in a year).

3. After facilitating my team meeting, my agent noticed that my pants is dirty. When I looked at it, I found that I seated on something really dirty!!! Damn! I had to take off my pants to clean it....

4. After my shift, I went to Quiapo to get my (previous) team's jacket. The shop told me I can get it by 2p. I got off the bus thinking I am already at  my destination. Then I realized I am still three blocks away from it and I had to walk streets by streets to get there. What the hell is wrong with me today?

5. Finally when I arrived at the shop, I realised the shop is close. I saw a tenant and told me the owner's not there! I called the owner and was told the jacket isn't ready yet. WTF!!!!

6. I hurried off to Makati because I still have to go dinner with office friends. I didn't know where we are eating and so I asked for directions. They sent me a not so clear directions which made me got lost. And again, I had to walk to reach the place!!!

7. After dinner, I hurried my way home. Then I realised, I forgot to send the daily report at work. I'm sure I'll be dead again at work.

Friday, January 8, 2010

The Way of Love

If I speak in the tongues of men and of angels, but have not love, I am a noisy gong or a clanging cymbal.  And if I have prophetic powers, and understand all mysteries and all knowledge, and if I have all faith, so as to remove mountains, but have not love, I am nothing.  If I give away all I have, and if I deliver up my body to be burned, but have not love, I gain nothing.

Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth.  Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.

Love never ends. As for prophecies, they will pass away; as for tongues, they will cease; as for knowledge, it will pass away. For we know in part and we prophesy in part, but when the perfect comes, the partial will pass away. When I was a child, I spoke like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I gave up childish ways. For now we see in a mirror dimly, but then face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I have been fully known.

So now faith, hope, and love abide, these three; but the greatest of these is love.

This is a passage from The Bible, 1 Corinthians 13