Saturday, November 28, 2009

Tama. Mali. Isa pang Mali. Nasan ang Tama?

Aminin mo man sa hindi, tuwing nasasaktan ka, maliban sa pag-iyak at pag-aray ginagawa mo gumanti. Wag ka magpanggap. Minsan pa nga doble ang sakit na ibinabalik mo sa nakasakit sa’yo. Kung minsan naman, hindi ka man pisikal na nakaganti, sa likod ng iyong utak (kung meron man) ay ang mga mala-monyito mong plano ng pagganti.

Halimbawa na lang nung inasar ka ng kaibigan mo, tumawa ka ng malakas pero hinampas-biro mo siya ng pagkalakas-lakas na parang mababali na ang mga buto niya. Kunwari natutuwa o natatawa ka. Pero ang totoo, gusto mo lang naman makaganti sa maliit na paraan. O kaya naman nung minsang mapadaan sa harap mo yung kapitbahay mo nagpatay malisya ka na lang nung sinadya mong patidin siya. Di mo kasi lubos maisip na siya ang nakuhang muse sa liga ng baranggay imbis ikaw sa kabila ng pagiging maskulada at mukhang lalaki niya. Inisip mo kung masisira ang delapida niyang mukha matatanggal na siya sa paningin mo ng ilang linggo. Kaya lang malaki mag-bigay ng donasyon ang nanay niya kaya i-tsinismis mo na lang siya sa iba niyo pang kapit-bahay.

Gusto mo man iwasan rumesbak, di mo ito magawa. Kasi nga natural sa tao ang gumanti at lumaban kapag nasasaktan. Kahit na wala ka na sa katwiran.

Pero hindi dahil normal lang ang pakiramdam na ito, maari na natin itong gawing lisensya para makapanakit ng iba. Hindi lahat ng akala mong tama ay tama at hindi lahat ng alam mong mabuti ay mabuti nga. Kaya nga itinuturo sa eskuwelahan ang good manners and right conduct. At meron din counseling services ang simbahan. Lahat ng ito mga batas na hindi nakasulat pero sinusunod ng karamihan.

E bakit ka ba gumaganti kapag nasasaktan? Simple lang naman ang alam kong sagot diyan. Nakasanayan na kasi natin na laging sisihin ang iba sa sarili nating pagkakamali. Kumbaga, pinapagaan natin ang nararamdaman natin sa pinakamadaling paraan na alam natin. At iyon ang idamay ang ibang tao. Ang madalas nating katwiran: kasalanan kasi niya! Kawawa naman kung sino man siya. Sige nga, bilangin mo ang beses na sinuri mo ang sarili mo kapag nasasaktan ka? Gaano mo kadaming beses nasabi na kasalanan mo at wala ng iba pa?

Aba at pakiramdam mo pinanganak kang walang pagkakamali? Walang ganyan sa totoong buhay. Ano ito beauty contest? At feeling mo kung di mo idadamay ang iba, magiging mas magaan ang pagpasan mo sa mga problema ng mundo? Kung sa pakiramdam mo pasan mo ang mundo, mag-isip ka ulit! Hindi ka si Atlas at lalong di na uso ang Greek mythology ngayon.

Meron akong kakilalang babae.  Sinira daw ang buhay niya ng asawa niya nung mabuntis siya nito. Hindi daw tuloy siya makahanap ng trabaho at sa halip nag-aalaga na lang siya ng anak niya. Iniisip ko lang, paano nasira ang buhay niya sa pagkakaroon ng anak? At bakit ganun ang pakiramdam niya sa asawa niya? Sa pagkakaalam ko kapag nabuntis ang isang babae, gusto rin niya ito. Kasi wala namang mambubuntis kung walang gustong magpabuntis. Itinuturing kaya niyang sumpa ang anak niya? Kung di pala siya sigurado bakit siya nagpasakal este nagpakasal? Sino ngayon ang sumira ng buhay nino? Tsk... tsk...

Hindi naman masama humanap ng karamay, idaan lang natin sa katwiran. Mas madaling gawin ang mali pero mas masarap pakinabangan ang bunga ng mga bagay na ginawa sa paraang tama. Kung sa pag-ganti gumagaan ang loob mo, tandaan mong lahat ng bagay ay may kapalit sa mundo.

Yaman din lang trip mong mandamay ng iba, siguraduhin mo na sasaya ka sa bandang huli at di mo na kailangan pang magsisi.

Thursday, November 19, 2009

Bakit?

Kapag nababangga, nagkakapasa. At nagkakasugat naman kapag nadadapa. Pero bakit umiiyak ang tao pag nasasaktan siya? Ang pagluha ba ay katumbas ng mga sugat at pasa? Nasasaktan din ba ang mga mata kaya lumalabas ang mga luha? Bakit hindi kulay dugo ang luha? Kung umiiyak kapag nasasaktan, bakit naman may umiiyak sa kagalakan?

Bakit may tumatawa kahit hindi masaya? Bakit may masaya pero hindi maligaya? Talaga bang kailangan ng isang lalaki o babae para masukat ang kasiyahan ng tao? Bakit kailangan pang magdiwang kapag sagad ang kaligayahan? At bakit tinatawanan ang kapitbahay naming bungi? Hindi naman siya isang teleserye pero bakit marami ang nahuhumaling? Bakit may teleseryeng hindi patok sa masang manonood kahit ang bida dito ay ang pinakabata at pinakamagagandang nilalang sa larangan ng telebisyon? Kailangan ba talagang magaganda at gwapo ang bida sa pelikula? Bakit yung Pido, Dida patok sa takilya gayong ang pangit ng bida?

Kung tinatawanan ang nakakatawa, bakit sinisipulan ng mga lalaki ang sexy at maganda? Nagiging ibon ba ang mga binata kapag namamangha?

Bakit may nagsisinungaling at akala hindi mabubuking? At bakit may nabisto na pero sagad-tanggi pa din? Bakit kailangan maging totoo palagi? Meron bang kunwari lang na nabubuhay sa lipunan? Bakit kailangan may tao para mabuo ang isang pamayanan? Bakit may kapitbahay pero walang bahay? Bakit may mga bahay pero walang laman? Bakit may nagugutom kahit may pagkain? O kaya naman nagugutom pero tinitiis ang gutom? Bakit may naglalakad kahit may sasakyan? At bakit may gustong sumakay pero ayaw pasakayin o kaya walang masakyan? Bakit palaging matindi ang trapik sa Edsa? Sadya bang pink ang paboritong kulay ni BF?

Bakit may tanong pero walang sagot? Bakit may sagot kahit walang tanong? At bakit may intrimitida na sumasagot kahit hindi tinatanong?  Sa kabaligtaran, bakit may taong kahit anong pilit pasagutin hindi mo mapipilit paaminin? At bakit ayaw paniwalaan kahit nagsasabi ng katotohanan?

Bakit? Bakit? Bakit?

Sunday, November 15, 2009

Where I Left My Heart At

Yesterday, November 14, I went to U-Belt to arrange on something. Like my usual routine, I walked my way to my destination from Quiapo. After passing through Recto I realised a lot of things already changed. Some establishments have been changed by another. It was a surprise that those changes were mostly for the better. Hmmmm.... the only constant thing is change!

I passed by Morayta where my Alma Mater is located. FEU looks magnificent now. The new building extravagantly describes the university's passion for architecture and art. It didn't surprise me though that there were more street vendors now than before. Believe it or not, I was never a fanatic of street food but college years will be incomplete without it. Which student would miss it? If I wasn't on a diet, I wouldn't hold back in tasting those street foods again: hotdogs, kwek-kwek, fish balls, footlong, corn on a cob, banana cue, turon, etc. Yummy! But maybe another time.

I continued walking and found more students going the same direction I do. I suddenly felt being one of them. Seven years ago, I was walking the same rushing steps as they did. Going to computer shops to rush reports and do some print outs. Having the cheapest book binds by the nearby photocopy shop. Bumming around while waiting for the next class. Going to a friend's apartment to eat lunch or spend afternoon siesta. Or just mocking passersby to keep time running.


Student life. College years. Who could ever imagine that life will flow this fast? Seven years ago, I was rushing my way out of the university to the corporate world. But now, I'd like to turn back time to spend it back to school. I suddenly missed going to the library to research SCRA. I wanted to read the oldest books from the Filipiniana section again. Go up the 5th floor of the Law Building that has no elevator to attend one of my major class. I missed scholarly discussions with my professors. Ask out of the world questions during when I forgot to study my lessons. Come in late to class and get away with it. Or even debate my classmates to stop the surprise quiz from happening. How I long to go to the Freedom park. See mass at the chapel. Oh, how I missed being a college student again.

Now I am starting to get crazy and lost again. If I am feeling this emptiness for a time worth spent college years, how then will I manage to drift from the memories of my graduate studies life? The path I failed to complete or should I say I am delaying to complete.

I suddenly felt going to UP again. Walk my way from Asian Centre to the main library and back to do long research. Borrow books which I always rush to complete reading. Even sweat and tired, I long to see the NCPAG library one more time to hand write my papers. Eat at the College of Law Cafeteria after a day of research at the library. I loved waiting at the Romulo Hall grounds for my class to start.  Eat isaw or drink buco juice at the shopping center. I miss seing the beautiful  Film Centre and walk towards the College of Music for nothing. And before I forget its been quite a while since I've tasted Devil's Food Cake from Chocs and Kisses.

It's shameful to admit but I have to. This path I am now is difficult to pass through because my heart is not there. I left it somewhere else.

Wednesday, November 4, 2009

Diet Another Day




Ilang buwan na lang 2010 na. Isang bagong taon na naman ng mga uso at mga nagpapauso. Ang trend daw ng taon na ito ay Health and Wellbeing. Di niyo ba napapansin, halos lahat ng produkto ngayon may pangako ng “better life.” Meron diyan tsa, kape, food supplement, damit, sabon, juice, atbp. Kahit nga asin at toyo idinamay na din. Lahat ng mga produktong ito ay may pangako na sa kabila ng mabilis at modernong pamumuhay, may solusyon na upang paginhawain o di kaya pahahabain ang buhay natin.

Pero ang hitik talaga sa merkado ngayon ay ang samu’t-saring produkto ng pampapayat. May tabletas pa na iinumin tapos papayat ka daw --- effortless! Tinanong ko yung kaibigan ko na tumatangkilik sa inumin na yun, akalain mo daw palagi siya nakakaramdam ng pagsakit ng tiyan. Pero okay lang daw yun kasi parte daw yun nung produkto. At kailan pa naging effortless ang pananakit ng tiyan? Tsk... tsk.... tsk.

Sa makatwid, ang mga manlolokong produktong ito ay hindi nakakapagpabuti o nakakapagpahaba ng buhay. Ito ay pansamantalang solusyon lamang.  Hindi ko minamasama ang iba na gumagamit ng mga produktong iyon. Ang sakin lang, pag-aralang mabuti kung totoo ang sinasabi ng kanilang ’marketing strategy.’

Kaya ang adik na kagaya ko ay sinubukan ang dramang go natural.

Nung minsang nagpa-check up kasi ako sa duktor, pinagsabihan niya ako na magbawas daw ng timbang kasi nagiging sanhi ito ng aking pagkakasakit ko. E siyempre, ayokong matsugi ng maaga kaya sumunod naman ako sa kanya.

Ang kaso lang, hindi ko inakala na ang pagdidiyeta pala ay magdadala sa akin ng pinakamalaking komedya ng buhay ko. Una, hindi ko inakala na ang mga halaman na kinakain ng mga kambing, kalabaw at kabayo ay puwede din pala sa tao.  Kasi naman sa dami ng kinakain kong dahon (garden salad, lettuce salad, vegetable salad --- parehas lang lahat ito) kulang na lang pati damo kainin ko na. Halos nakalimutan ko na nga ang pagkakaiba ng mga lasa nila.

Pangalawa, dahil sa drama ko naging unlicensed nutritionist-dietician na ako. Paano ba naman lahat ng kinakain ko binibilang ko ang calories. Bawal ang high-carb, kailangan low fat, high-protein at kung anu-ano pang rekisitos para lang makakain sa isang araw. Hindi naman nutrition ang tinapos ko, pero bakit bigla ko na lang inaaral ito?

At isa na rin akong fitness consultant sa dami ng exercise na inaaral ko. May exercise para sa braso, sa palo-palo este hita, sa bewang at balakang, sa paa, sa binti, sa kamay, daliri, atbp. Kulang na lang mata, ilong, bibig at tenga ko mag-ehersisyo na din. At kailangan naka-monitor ang timbang ko. Para lang akong ibebentang hayop ano?

Pero ang lubos na nakakaaliw isipin na parang damit pala ang klase ng mga diyeta sa mundo. Ang dami-dami. Iba-ibang klase at nagbabago siya sa paglipas ng panahon. Meron silang tinatawag na Blood type diet kung saan ibinabagay sa uri ng dugo ang paraan ng pagbabawas ng timbang. E paano kaya pag royal blood? Hindi sinabi nung duktor kung paano e. Diyetang popular sa mga artista --- South Beach Diet.  Pero hindi ito diyeta na pang-dagat. Dito naman pinapag-aralan ang good carbs vs bad carbs. Nakakatawa lang kasi parang hahampasin ka kapag kumain ka ng bad carbs at sasabitan ka ng medalya pag good carbs ang kinain mo.

Kahindik-hindik ang lahat ng ito. Parang ayaw ka na pakainin at parang kasalanan na kapag kumain ka pa.  Kaya ako isang diet lang ang paborito ko sa lahat: Diet another day!