I’ve lost. It’s over now. I hate to admit it but I guess I was fooled — or rather I am a fool. I am no longer clinging on it. Finally I am learning goodbye is the answer after all. It is very difficult to let go but I am being brave to accept. I am not taking any shortcuts. I am taking the hardest way out so that I shall never dare to go back again.
There’s really nothing to begin with so this should not be taken as the end. But as it never started, let it stay that way. I shall not be at any others dispense. I shall never be someone’s convenience. I have to stop now. Stop while I am still sane to say no. There will never be tears.
No right to hope for. The fantasy is over. The fiction has long been gone. Back to reality. No need to go back to my old self. I should embrace these changes brought about by pain and weariness.
Don’t get near me. Stay where visibility is impossible. Stay there forever until the gloom turns into lightness and darkness into happiness.
It won’t be forever. I am learning to look at the same direction again. This time, with no more qualms or fear. I shall be gleeful again. When the time comes.
Color yellow has often been associated to cowardice. It has always been misinterpreted and misconstrued. Historically yellow is a color used to describe racism. Yet the modern day individuals treat yellow as the color of lightness. With modern politics, the same color is use to express love for liberty and the belief to fight for it. Apple is not coward and she dares to show light. In this blog, let the yellow Apple speak.
Tuesday, November 30, 2010
Thursday, November 25, 2010
Mas Madami
Kung susumahin ang dami ng naisulat kong blog noong nakaraang taon sa kasalukuyan, talaga nga naman na mas marami ang nasulat ko nung nakaraan. Kasi naman halos araw-araw ako kung magsulat noon. Parang isang hanap-buhay araw-araw na inuulat.
Nag-sinabawang gulay kasi ako noon. Kaya makulay ang buhay!
Sa totoo lang tinatamad kasi ako sumulat. Ang dami ko na ngang drafts. At lahat sila nanatiling draft na lang. Yung iba naman na-delete ko na agad. Wala akong mapaghugutan. Matamlay kasi ang buhay ngayong taon na ito. Parang ang bigat kasi ng pakiramdam. Kasi naman ang boring ng mga topic ko. Parang ngayon.Wala ka lang mapagtiyagaan basahin kaya binabasa mo ito. Sign of boredom ang pagtitiyaga sa mga walang kwentang akda gaya nito.
Pero hindi mo naman ako papansinin dahil alam kong tatapusin mo pa ang blog na ito. Sige na. Talo na ko.
Ngayong taon, maliban sa aking damdaming nasaktan at patuloy na nasasaktan, wala talagang paksa ang nakakapukaw sa aking ulirat. Maraming nasimulan pero ayoko tapusin. Ayoko magsulat dahil gusto ko lang o gusto nyo lang. Di ba? May point ako?
Pero hindi totoo ang sinabi ko sa taas. Kasi nagdadahilan lang talaga ako. Wala naman perpektong paksa para isulat. Ang mahalaga lang ay iyong taos pusong intensyon sa paghahatid ng mensahe ko para sa inyo. Walang boredom. Walang lose hope.
Ako lang talaga ito.
Boring! Shet!

Thursday, November 11, 2010
Healing Time
“Never make someone a priority when to them, you are simply an option.”
This was a phrase that sank me to the lowest. Thanks to Fat Fajardo, this made me ponder big time on my real value.To simply put it, I have allowed myself to become a puppet for several months now. It’s not because I don’t love myself but I was just trying to punch my hands in the air. Wishing it could work out well. Maybe it was my mistake for caressing this bad habit. Maybe I’m just a freak and emotional trying to get attached without realising I am getting detached. Maybe I was just being me.
I really think that is such an asinine concept to hope for the hopeless. For several months, I have allowed myself to circle around someone else’ life even with the knowledge that I am a third grade option — just a third best. I didn’t guard my heart. For the longest time you can record, I have been a total idiot thinking that somewhere, sometime things could make a difference.
No matter how big the effort I put in or how much I strive to become better, there is someone best. However time I invest, there will be something worth keeping. How much love I give in, it can’t be accommodated. Whatever I do, there’ll be perfect choices to get from. For how can you enter a heart that has not even opened its door to you? How can you say hello to a feeling that has not even dared to welcome you?
This will be my final wailing. These striking moments will continue to hit me. But I dare to get hit just to heal.
Saturday, November 6, 2010
Isang Mensahe
Isa itong kanta. Kanta ng The Company at ni-revive ni Carol Banawa. Wag na lagyan ng kahulugan kung bakit ko nilagay dito. Gusto ko lang at wala kang pakialam.
Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics
May sikreto akong sasabihin sa 'yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam
Ito'y isang lihim itinagong kay tagal
Muntik na kitang minahal
'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo
Ang nararamdaman ng pusong ito
At hanggang ngayon ay naaalala pa
Muntik na kitang minahal
REFRAIN:
Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga ay tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko masabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip muntik na kitang minahal
'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo
Ang nararamdaman ng pusong ito
At hanggang ngayon ay naaalala pa
Muntik na kitang minahal
REFRAIN:
Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga'y tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko nasabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip

Monday, October 25, 2010
Kontra Bida
Ako na lang ata ang naiwan. Lahat sila nakapag-move on na. Madali na nilang natanggap ang bigat ng mga emosyon. Patuloy na ang pagdaloy ng buhay nila. Sabi ko naman okay na. Pero hindi ko pa din magawa ang tumawa. Hindi ko kayang tanggapin ang sakit na dinulot ng aking damdamin. Hindi ko kayang magpatuloy pa.
Palagi kong sinasabi na wala na sa akin iyon. Ngunit palaging may kirot kapag nakikita o naalala ko ang nagdaang sitwasyon. Aaminin ko na kaya ko nang tanggapin na wala na nga. Subalit hindi madaling talikuran ang sakit at pait na dulot ng mga kahapon. Tapos na ang lumang eksena. May bagong cut na.
Ayoko ng maging kaibigan ka. Sapagkat hindi ko nais na masaktan pa. Ang tanging nais ko ay maging mapayapa. Hindi ko na kakayanin ang iba.
May mga istoryang darating. Ngunit hindi ko pa kaya na ito ay basahin. Ang plumang lumimbag sa iyong istorya ay isang panghabambuhay na tatalikuran ko na.
Paalam na.

Wednesday, October 20, 2010
SHOWBIZ
Mukhang nabahiran na talaga ng showbiz ang ating pambansang pulitika. At kahit pati ang pangulo ng Pilipinas laman na rin ng showbiz section ng mga tabloid. Mukhang nahawa na sa kasikatan ng kanyang kapatid si Pnoy. Kaya masyadong malapit ang mga kamera sa kanya. Tuloy imbes pambansang isyu ang natututukan ay ang lovelife ni Pnoy ang nagiging priority ng mga mapanghusgang press.
Hindi lang iyan, tampok din siya ng mga biruan ng mga artista. Akalain mong kaliwa't kanan ang mga taong nagpa-pantasya sa kanya. May mga nakabuntot na media sa mga date niya. May artista na brutal sa pag-amin na gusto niya maging first lady. Nakakabanas lang kasi tila walang limitasyon ang mga taong gumagawa nun sa kanya. Ang sa akin lang sana alam ni Pnoy na hindi siya iginagalang ng mga taong ito. Noong panahon ni GMA, walang sinuman ang nakakagawa ng ganun. Alam ng lahat na siya ang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Ang totoo niyan, wala naman talaga ako pakialam kahit bastusin pa nila si Pnoy. Medyo concern lang ako. Kasi naman, sa sobrang pagiging masa-favorite niya, hindi nabibigyang pokus ang mga kamalian na gagawin niya. Halimbawa ang lintik na hostage crisis na iyan! Maraming naiinis sa kabagalan ng pag-usad ng imbestigasyon niya. Pero hindi ito mapagtuunan ng pansin sapagkat mas gusto ata malaman ng karamihan kung bakit sila nag-break ng girlfriend niya. Bukod pa dito, tapos na ang ika-100 araw niya ng panunungkulan. Medyo mabagal ang pag-usad ng kanyang gagawin at mga plano para sa bayan kong Pilipinas.
Aaminin ko din naman na impressive ang mga tactics niya --- bagay na ikipinaninindig ng balahibo ko pag naaalala ko. Halimbawa na lang ang pag-gamit ng wangwang sa kalsada at ang pagta-Tagalog niya sa kanyang SONA. Simple lang pero impressive! Kaya lang wag sana ako daanin ni Pnoy sa mga ganyang impressive tactics. Para naman akong artista niyan.
Ang sa akin lang, gusto ko ng ingay mula kay Pnoy. Gusto kong marining ang boses niya. Sana magpa-impluwensya siya ng konti sa kapatid niya. Hindi yung puro showbiz ang inaatupag niya!

Sunday, October 10, 2010
Mantsa
Hindi ko alam kung paano at kung saan. Hindi ko na din namalayan kung kailan. Nakita ko na lang na andyan ka na. Dumating ka ng walang pasabi. Hindi kita napaghandaan. Di na kita naiwasan. At aaminin ko ang pagdating mo ay aking pinagsisisihan.
Ginulo mo ang maayos kong buhay. Sinira mo ang tahimik at payapa kong araw. Naging tampok ako ng mga usap-usapan. At may iilan na hindi napigilan sa pagkutya sa akin. Wala kang nagawa para ibsan ang aking hiyang naramdaman. Sa halip nanantili kang naka-kapit na tila wala ng katapusan.
Pero aaminin ko na ako'y naging masaya din naman. Sapagkat hatid ng bawat asaran ay ang panandaliang pag-ngiti at kaligayahan. Ang ilan ay nagpaabot din naman ng awa. May ilan ding tumulong para ibsan ang aking nararamdaman.
Hindi ko namalayan nasanay na ako sa iyo. At ang kapit mo sa akin ay hindi naging biro. Di ko na alam kung paano ka maalis sa buhay ko. Dalangin ko ang solusyon sa problemang ito. Ayoko na maulit ang pangyayaring ito sa buhay ko. Sumpa ko na hindi na kita ulit papapasukin sa buhay ko.
Hindi na kita muli bibigyan ng pagkakataon. Doble ingat na ako sa mga susunod na panahon. Sisikapin ko na iwasan ka. Nang sa huli ay di na mag-krus ang ating landas. Hindi na kailanman mauulit ito.
Uuwi na ako ng bahay. Sa dakong huli doon din naman ang hantungan. At sa pag-uwi ko, tiyak ko na sabon at washing machine na ang bahala sa iyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)