Monday, July 26, 2010

Unang SONA ni P-Noy

Mapalad ako. Inabutan ko ang talumpati ng kauna-unahan pangulo na pinagkakatiwalaan ko --- sa ngayon. Dati rati, binabasa ko lang sa mga dyaryo ang talumpati ng mga nagdaang pangulo. Ngayon, masaya ako at narinig ko ng buong-buo mula sa pinakamataas na pinuno ng bansa ang kanyang unang SONA.

Simple. Diretso. Makatotohanan. Yun ang mga salitang ginamit ni P-Noy. Hindi mabulaklak gaya ng karaniwan. Hindi nangako. Hindi nagmayabang. At narinig ko ang dapat kong marinig mula sa kanya.

Hindi lahat sinaklawan ng kanyang talumpati. At iyon ang nagustuhan ko. Natuwa ako at hindi siya naglista ng mga bagay na gagawin niya. Ibig sabihin, nabitin ako at ang madlang Pilipino. Marami pa akong dapat asahan at hilingin sa kanya. Mabuti na din iyon. Hindi siya nagbigay ng mga pangakong ipapako niya sa bandang huli. Samakatwid, binuksan niya ang pinto ng transparency on governance. At sisiguruhin kong magiging bukas ang mata ko sa mga bagay na iyan.

Kooperasyon. Yan ang maliwanag na narinig ko mula sa kanya. Humihingi at humihiling siya nito. At di man niya sinabi, alam kong ibibigay niya rin ito sa mamamayang Pilipino. Kooperasyon upang isulong ang kanyang plataporma. At kooperasyon para maghintay ang madla ng ginhawa sa buhay.

Matalim na pananalita. Maanghang na pagbabanta. Hihilingin ko lang na maging matatag siya. Pag-asa. At sana hindi dahil lang nagpapa-bibo siya.

Thursday, July 22, 2010

Wala Ng Libre Ngayon

Wala ng libre ngayon. Lahat may kapalit. Yan ang batas na hindi mababago ng nagbababagong panahon. Kasi naman kapag libre ang lahat, malamang maubos ang kalikasan ng hindi napapalitan. Ayos lang yon. Para may balanse ang buhay. Ang nakapagtataka lang ay iyong dating libre, may bayad na ngayon!

Halimbawa, dati kapag gusto mo bumasa ng libro pupunta ka lang ng library, solb ka na. Ngayon, kailangan may membership card ka na (renewable in one year) at may reservation na din ng libro ngayon. First Come, First Serve policy ika nga.

Noong araw kapag gusto mo magkaron ng kakaibang kuwento, tatambay ka lang sa barberya at tiyak suki ka ng mga kuwentong kakatwa. Ngayon, para maging "in" ka, kailangan meron ka ng celpon. At dapat may load araw-araw para una ka sa mga jokes na isinalin sa wikang jejemon. NaIintdddheaAnn NeOh pfoh bvahh? Anak ng!

Pag nagutom ka, kailangan mo pumunta sa fast food chain. Ngayon may delivery na. At kapag malamig ang pagkain na na-deliver, i-microwave mo na lang kaysa maghintay ka ulit ng 30 minutos para palitan yun. Luwa na mata mo nun pag nagkataon. 

Noong unang panahon, analog black and white TV lang maligaya na ang mga kapitbahay mo. Ngayon, de-cable  na ang mga TV nila para updated sa pinaka-magandang pelikulang ipinapalabas. Pero kung taga-Taguig ka, magtiyaga ka  na lang sa cable company na namamatay ang serbisyo kapag kasarapan na ng siyesta. Ang masakit lang, wala silang customer service na mapagtatanungan. Nagsisiyesta kasi ang mga empleyado kapag kailangan mo sila.


Dati rati ang cafeteria, tambayan ng mga nagkakape o nagme-meryenda. Subukan mong pumasok ng mga coffee shop ngayon. Ginawa na itong tambayan ng makabagong kabataan. Na para bang hindi ka dapat pumasok dun kung wala kang dalang laptop. Minsan pa nga, walang pakundangan na iuurong ang upuan mo para lang maisaksak ang pesteng baterya ng laptop nila. Ang masasabi ko lang: "Hampas-lupa ka ate! Ayaw mo magbayad ng malaki sa Meralco kaya sa coffee shop ka nagco-computer! 'Tse!"

Noon kung may problema ka, tatawagan mo lang ang kaibigan mo at darating na siya. Ngayon dahil iba na ang panahon, busy na siya. Kailangan planuhin kung kelan kayo magkikita at dapat ilibre mo siya. Pag nagkita naman kayo, mas madami pala ang kuwento niya. Di mo aakalain na mas madami pala siyang problemang dala. Magdusa ka na lang kasi siya ang niyaya mo. Mas masarap pang kausap ang rebulto sa Paseo!

Pag may nagkasala sayo madalas na ipagdasal mo na lang ang pagkakasala sila. Makabago na ngayon. Dahil hindi mo na kailangan pa gawin yun. Digital na kasi ang karma. Kadalasan nga, naka-DSLR pa! Express delivery ang dating at di mo inaasahan at di mo napaghandaan. Kaya isuot mo na ang iyong force shield, ilabas na ang laser sword at tawagin na si Daimos para hindi ka mahanap ni Carmi Martin.

Tuesday, July 20, 2010

Balik Na

Tapos na ang bakasyon. Nagbabalik na ko.

Mas makatarungan, mas matapang. Wala ng panahon para umupo at mag-abang. Natapos na ang panahon ng paghihintay. Ang ilang buwan ng katahimikan ay akin ng tinutuldukan.

Mabubuhay na ulit ang blog na ito. Naubos na din ang mga Ingles ko. Tagalog dictionary na ulit ang hawak ko. Tapos na din ang mga teleserye at talambuhay ko.

Back to work na ulit ako.

Sunday, July 11, 2010

I'm Who Should I Be

I am a choice not an option. If you have a problem with that, then we definitely are into trouble. I can't be your toy when you are bored. I can't be your past time if you have nothing to do. I also have limits and I am so damn serious about that.

I have the heart to understand. But I do not have the time to wait forever. I don't have to dwell into something I am not entitled to. I can't be there as you please. I don't have the patience and I will stand by it.

I can do so many things. And I will bear the pain even when it means it's over. You can't tell me which direction to take. I am not stupid. I can sense a rejection even without being told so.

Simply put it: I am worth I am.

Saturday, June 5, 2010

Confession

I wrote this June 5, 2010. A day before, my laptop got busted. Enough time for others to see the confession of my wounded heart.

Today, July 8, 2010, I am deleting the original content of this blog. Not because I am not proud of what I said. But it's my way of moving on and growing up.

God bless me.

Oh and by the way, my laptop's now fine and working. I have to make myself work again. 

Wednesday, June 2, 2010

Parusa

Ngi-ngiti ako. Hindi dahil masaya ako kungdi dahil gusto kong ipakita sa'yo na magiging masaya ako. Tatalikod ako. Para hindi mo makita ang pagbuhos ng aking mga luha. Tatakbo ako. Nang hindi ako maabot ng mga paningin mong mapanghusga. Tatakpan ko ang aking tenga. Para hindi ko marinig ang iyong pagkutsa. Mag-iitim ako, Para ipagluksa ang araw na ito.

Hindi mo kailangan magsalita. Hindi kailangan ng "oo" para umayos ang lahat. Ang pagsasabi ng hindi ay madalas nakakapukaw sa damdaming naliligaw. Huwag mong sabihin magiging maayos ang lahat. Hindi naman lahat ng sinasabi ng bibig ay nadarama ng dibdib.

Matalim ang kutsilyo ngunit nakakasugat ang gawa mo. Kasing pait ng ampalaya ang mga alaala mo. Parang bakal na dumadagan sa aking katawan ang hatid nito.

Ayaw na kita kausap. Hindi na ako titingin. Wala na akong mararamdaman.

Saturday, May 22, 2010

Kabaligtaran

Hindi na bago sa pandinig natin ang kasabihang: "Life is Unfair." Kadalasan, naririnig o naalala natin ito kapag nagiging mahirap ang mga desisyon na ginagawa natin kapalit ng kaligayahan ng nakararami. Minsan naman, ang mga sakit na nararamdaman natin ang nagiging patunay sa kasabihang ito.

Kung sa tutuusin, hindi naman talaga totoo ito.

Hindi totoong hindi makaturangan ang buhay. Hindi kasi natin matanggap na may mga bagay na hindi nararapat pero kinaiinggitan natin. Halimbawa,ang pagkakaiba ng pangit sa maganda. O kaya naman kapag dinidibdib natin ang pagkakalayo ng mayaman at mahirap.

E ano kung maganda siya, ibig ba sabihin nun perpekto na siya? Kapag naman mayaman siya, ibig ba sabihin nun wala na siyang utang? Kapag pangit ba ibig sabihin hindi na puwedeng mahalin? E bakit maraming pangit na artista ang sumisikat? Hindi dahil mayaman siya at mahirap ka ay nangangahulugan ito na pasan mo na ang daigdig. Sa kasaysayan, si Atlas pa lang ang nakakagawa nun. Dahil tao ka, alam kong hindi mo magagawang ipasan ang daigdig.

Ang totoo niyan ang pagkakaroon ng iba-ibang antas ng buhay ay isang litanya. Litanya na dapat tanggapin ng maluwag sa dibdib. Mahirap pero yun ang dapat.

Hindi nagiging makaturangan ang buhay kapag pinipilit natin ang mga gusto nating mangyari sa kabila ng katotohanan na makaapak tayo ng karapatang pantao ng iba. Tingnan niyo ang mga pulitiko, madalas silang magpasikat sa harap ng telebisyon kaya maraming away na nag-uugnay lang sa maling interpretasyon. Pinipilit nila ang kanilang gusto kaya maraming tao ang nag-iisip na tama ito.

Parang pag nagmamahal. Hindi mo puwedeng ipilit na mahalin ka ng isang tao kung hindi niya gusto. Sabi nga ni Bob Ong: Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Kapag pinagpatuloy mo ang iyong paniniwala na hindi makaturangan ang buhay, parang sinabi mo na rin na isang pagkakamali na ipinanganak ka sa mundong ibabaw. Ang maduming kaisipan at hindi busilak na hangarin ang nagpapahirap sa antas ng iyong buhay.

Isipin mo na lang kung madali ang buhay, paano mo maiisip na pahalagahan ang mga bagay sa paligid mo? Kung lahat ng bagay ay masaya, paano mo mararamdaman ang halaga ng mga luha? Paano mo maiisip na gumawa ng kakaiba kung ang lahat ng tao iniisip ito ay ordinaryo lang? At paano ka makakapag-bigay ng pagmamahal o ligaya kung hindi naman pala ito kailangan ng lahat. Habang ganyan ang pag-iisip mo, patuloy na magiging sumpa ang buhay para sa'yo.

Tanggapin mo na ganito ang buhay. Masakit pero dapat tanggapin. Mahirap pero hindi makaturangan.