Sunday, October 23, 2011

Coron, Palawan

Tuesday, October 18, 2011 ang flight ko nun sa Palawan. As early as 10AM, handa na ako at nakapag-baggage check in na ko sa counter ng NAIA Terminal 3. Sa sobrang aga ko, naghintay ako ng matagal sa mga kaibigan ko na kasama ko papuntang Palawan. Super-excited ako kahit na ang flight ko ay 1215 pa. Pers tym kasi.

Sa Airport na ako dinatnan ng gutom at dun ko na din tinapos yun. Salamat sa delayed flight, ala-una na umalis ang eroplano papunta ng Palawan. Mabilis lang ang flight. 1355PM nasa Francisco B. Reyes Airport na kami. Mula sa itaas ng eroplano, makikita na ang pinagsamang ganda ng lupa at dagat ng Palawan. Wag mo na itanong kung gaano kaganda dahil hindi ko tiningnan. Takot ako sa heights, baka mahimatay pa ko. Salamat sa katabi ko, may picture naman ako.

Nag-stay kami sa Princess of Coron. May swimming pool na dun. Maganda yung room namin kasi isa yun sa pinakamalaking room doon. Malamang 5 kami, alangan naman sa maliit na room lang kami di ba? Pagka-check in, hindi na namin sinayang ang pagkakataon na libutin ang Coron Town. Kahit matirik ang araw, nilakad namin mula sa hotel papuntang town proper. Namalengke kami ng pagkain para sa Island hopping namin sa susunod na araw.

Sa sobrang pagod, nagutom kami at naghanap ng makakain. Napadpad kami sa napaka-tahimik na kainan na ang tawag ay Manneken Pis. Maayos ang ambience, mabait ang server, masarap at madami ang serving ng pagkain. Yum, yum! Bumalik na kami sa hotel pagkatapos para sa walang sawang swimming.

Day 2. Alas-5 pa lang gising na ako. Hindi dahil sa maaga ang alis namin, kungdi dahil sa sobrang lakas ng aircon sa kwarto. Halos mangisay na ako sa ginaw! Pero ayos lang un kesa walang kuryente, nung day 1 kasi namin nag-brown out pa. Hahaha.

At 630AM, nasa port na kami para hintayin si Kuya Bodok (bangkero). Ayun in 30 minutes, nasa laot na kami para sa napakasarap na Island hopping.

First stop namin ay sa Siete Picados. Sa gitna ng dagat huminto ang bangka. Natakot pa nga kami nung una. Wala kasing pampang na puedeng puntahan. Pero nawala ang takot namin ng simulan na namin ang paglubog sa dagat. Snorkel to the max kami. Sobrang ganda ng corals dito. As in super ganda. Yun lang madami ding sea urchin dito.

Next stop: Kayangan Lake. Kailangan paghandaan ng husto ang pagpunta dito. Kasi naman para ka na rin nag-work out bago makapunta sa napakagandang lake na ito. Kailangan mong umakyat ng bundok dahil ang lake na ito ay nakatago sa likod ng bundok -- magical di ba? Kung sa Siete Picados ay maganda ang corals, dito naman solid rock formations ang makikita mo. Dito ako nag-enjoy ng husto. Kasi naman, malinaw na makikita ang mga rock formation sa ilalim ng tubig.

Pagkatapos dito, Barracuda Lake naman kami. May hiking din na kasama bago makapunta sa lake pero parang isang tambling lang naman ang katumbas nito. Bluish near to pitch black ang tubig dito, masyadong malalim at di ka makakakita ng rock formation sa ilalim ng tubig. Sa halip ung paligid nun ang may formation. Para kang nasa malalim na batya ng tubig pag nagpunta ka dito. Sabi ng bangkero, nasa 70 feet daw ang lalim, pero parang di ko naramdaman dahil sa vest na suot ko. Pakiramdam ko marunong na ko lumangoy! Bongga!

Magtatanghalian na nun. Kaya stop over na kami sa Beach 91. Salamat naman at nakakita na din ako ng pampang at buhangin. Dito kami kumain. Di kami nagluto kasi sa bangka meron ng nagluto para sa amin -- parang cruise lang di ba? Sa beach na din kami nag-swimming. Ang linaw ng tubig at makikita mo ang isda na lumalangoy. Ang kaso, bawal daw hulihin ang mga ito. Ang buhangin parang asukal kaputi. May gubat din sa paligid ng beach at may mga unggoy dun. At least hindi taong unggoy di ba?

Nung medyo nahimasmasan na kami, pumunta naman kami sa Skeleton Shipwreck. Bukod sa Kayangan Lake, heto pa ang isa sa mga paborito ko. Gaya ng mga unang adventure, huminto na naman kami sa likod ng dagat para makapag-snorkel. Malalim dito. At para sa katulad ko na hindi marunong lumangoy, isang challenge ang pagpunta sa gitna para makita ang skeleton ng barko. Salamat na lang sa mala-isdang paglangoy ng aming bangkero, nakita ko ang paraiso sa ilalim ng dagat. Isang kahoy na lang ata ang natira dun sa skeleton ng barko. Pero kitang kita ang lalim at ganda ng mga corals. Ang mga isda dun, akala siguro halaman lang kami. Paano kasi sumasabay sa paglangoy namin. O di kaya tingin ng isda tao sila?

Last stop: Twin Lagoon. Kagaya ng Barracuda Lake, pitch black din ito. Kung sa paanong dahilan, bakit kaya may dalawang lagoon ang naroon na magkasama? Hmm.... siguro friends sila. Kung sa previous adventure hiking ang main equipment, dito swimming lessons ang dapat dala mo. Kasi naman, kailangan mo lumangoy para lang makapunta sa lagoon. Haha! Malayong languyan ito. At nakakatakot na lumayo ka pa dahil baka di ka na makabalik pa. Pero napakaganda talaga.

Pagbalik ng hotel, naligo at nagbihis lang kami para lumabas at kumain ulit. Masarap ang pagkain sa Kawayanan Grill sabi ni Manong Tricycle. At di naman sya nagkamali. Yun nga lang medyo may kamahalan ang pagkain dito.

Day 3. Gumising ulit kami ng maaga. Inakyat namin ang Mount Tapyas. Walking distance lang ito mula sa hotel namin. Nakalimutan ko na kung gaano kataas ito. Pero dahil sa acrophobic ako, katakot takot na lula ang naramdaman ko sa pag-akyat sa tuktok. Ayon, di naman nawala ang phobia ko. Ang tuktok na yun ang nagsisilbing summary ng Coron. Mula dagat, hanggang bundok makikita dito. At napakataas pa lalo nung krus sa tuktok. Hindi ko na nilingon pa at palagay ko gugulong na ko sa lula pag ginawa ko yun.

Tagaktak ang pawis namin pagkagaling dun. Nagpunta kami sa Maquinit Hotspring pagkatapos. Php200 ang renta ng tricycle. Medyo malayo sa town proper. Lublob na agad ako para matanggal ang lamig sa katawan. Walang tao dun maliban sa amin. Kasi daw, hapon hanggang gabi daw kung dumayo ang tao dun. Mainit na nga ang araw, mainit pa tubig. Mabuti na lang hindi naluto ang taba ko.

Lunch at Lolo Nonoy's. Mura at masarap ang pagkain dito. Mabilis pa i-serve. The best ang halo-halo dito.

Lumipat na din kami sa Coron reef. 2 na lang kasi kami naiwan at pabalik na din kami Manila the following day. Napakabait ng may-ari ng lodging house na ito. Heto ata ang pinaka-murang accommodation sa Coron. Plus ang breakfast nila ay 100php/head -- buffet style. Sarap! Dumaan din kami sa Kasuy Factory kaya lang wala pa daw luto e. Akala ko ang factory ay malaking factory. Hindi pala. Malaking bahay ito na may lutuan ng kasuy. Sila ang nagsu-supply sa buong Coron.

May gimikan din dun: Subasco Bar. Mabait ung owners nun. Hindi naman sya disco house na gaya dito sa Manila pero maayos at malinis naman dito. Masarap din ang pagkain. Ang mga may-ari nito ay ang may-ari din ng Kawayanan Grill. Best highlight dito: yung aso nung co-owner. Sobrang sweet nung aso. Gusto ko sya iuwi. Mabuti na lang may aso na ko.

Day 4: Cancelled ang flight. Karaniwan na daw ito sa Palawan. Ayun, sinagot ng Airline ang food and hotel accommodation namin sa Dayaronan Lodge. Hotel-class ang mga rooms dito. May swimming pool din. May art and crafts shop sa labas (Asiano Arts and Crafts) na may super bait na owner. Gusto sana namin mag-swim pero napagod at na-stress talaga ako dahil sa delayed flight na yan.
 
Day 5: Nilibot namin ang buong airport. Finally dumating din ang eroplano. Ayun, fly back to Manila na ako.



Tuesday, September 13, 2011

Birthday ko ulit

Hindi ako sanay na makatanggap ng regalo. Para sa akin, mas mabuti na ako ang magbigay kesa ako ang makatanggap. Panuntunan ko yan. Kung sa anong dahilan, hindi ko maipaliwanag. Basta.

Pero ngayong araw ng bertday ko, hindi ko inakala na magkakaron ako ng madaming regalo. Naging iba ang pakiramdam. Ngayon ko lang nabatid na meron pa din naman pala nakakaalala at nagmamahal sa akin.

Masarap sa pakiramdam.

Happy Birthday sa akin.

Sunday, August 28, 2011

Filipino Natin

This is in relation to the published article of James Soriano at the Manila Bulletin, August 24, 2011 which is thanks to wordpress is being debated online. http://wawam.wordpress.com/2011/08/26/the-james-soriano-article-when-truth-hurts/ 

May isang ungas na Atenista ang sumulat ng isang column sa isang pahayagan. Ayon sa kanya, ang wikang Filipino daw ay salita ng kalye. Dapat daw ito gamitin para hindi kuyugin sa pagsakay sa jeepney. Ito din ay wikang dapat gamitin para mag-utos sa isang kasambahay o kaya naman para magpasundo sa driver. Dagdag pa niya mas mainam maging wika ang Ingles.

Para sa akin ang pagsusulat ay may kalakip na responsibilidad. At dahil ang kanyang sinulat ay inilathala sa isang pambansang pahayagan, dapat ay maging sensitibo siya sa mga uri ng taong babasa nito. Hindi ako mahusay magsulat at karamihan sa laman ng blog ko ay galing lang sa aking damdamin, pero ganun pa man nagiging sensitibo ako sa aking iilang followers.

Nagnginitngit ako sa galit sa mangmang na manunulat na ito. Ipinaramdam niya sa akin na kabilang siya sa mga naghaharing uri at ako ay isa sa kanyang alipin. Pero bago pa ako unahan ng aking emosyon, isusuma ko na lang ang ilang puntong dapat niya maunawaan.

1. Lahat ng wika ay nagmula sa kalsada. Walang wikang pinag-aralan muna bago inilathala. Lahat ito ay pinagtibay ng lansangan. Pagkatapos ay pinagyaman lamang ng kultura – at dinagdagan o pinaglinaw ng mga nilalang na nakapag-aral. Isa dito ang wikang Filipino. Samakatwid, hindi dahil galing ito sa lansangan ito ay masama. Hindi dahil Inglesero sya ay kukuyugin na siya ng mga taong kalsada. Sa pagkakaalam ko pa nga mas maingat ang mga taong kalye sa mga taong de-kotse at sa mga konyotik na gaya niya. Ang mga taong may payak na pamumuhay ay mas ilag sa mga taong may karangyaan. Kahit sa Quiapo o Avenida ka pa sumakay, hindi ka kukuyugin dahil lang Inglesero ka. Kukuyugin ka lang kung ma-angas ka.

Nararamdaman kong nag-sulat siya ng hindi niya inaral ng husto ang “subject” niya.

2. Totoong lahat ng teksbuk sa mga pribado at pampublikong paaralan ay nakalimbag sa wikang Ingles (maliban na lang sa mga Filipino subjects). Natural lang iyon. Gamitin niya ng konti ang kanyang katalinuhan. Ang mga subject na Math, English, Science, ay hiniram lang natin sa mga banyagang bansa. Hindi natin kailangan ilambag ito sa sarili nating wika sapagkat walang alternatibo ang mga salitang ito sa ating wika. Kung pipilitin natin ito para lang ipakita ang nasyonalismo magiging kakatwa lang tayo – mga payaso.

3. Walang masama kung kausapin ang mga kasambahay sa salitang Ingles. Malamang sa hindi makakaintindi naman ang mga ito at susunod sa utos. Yung mga katagang: “Water please,” O “Please prepare the car,”ay mga simpleng Ingles lang naman at hindi kailangan ng elementary diploma para lang maunawaan. Kung inisip niya dapat Filipino lang ang salitang dapat gamitin sa mga taong ito, problema niya na iyon sa kanyang “cultural orientation.” Hindi ito problema ng wikang Filipino.


4. Sa paghahanap ng trabaho kailangan syempre matalas kang makipagtalastasan sa wikang Ingles. Hindi dahil makapangyarihan ang salitang Ingles kungdi dahil halos lahat ng kumpanya sa bansang ito ay pag-aari ng mga banyaga. Hindi dapat ituro na kasalanan ng wika ang kawalan ng oportunidad. Sa pagkakaalam ko pa nga kahit ang gobyerno ng Pilipinas, salitang Ingles din ang gamit kapag nakikipagtalastasan sa mga pambansang porum (APEC, UN, etc.). Samakatwid ang salitang Ingles ay ginagamit lang para sa ating “survival.” At pag-uwi natin ng ating mga tahanan, isasara natin ang ating mga panga para makapag-salita ng wikang atin– lamang.

Mainam sana kung sinulat na lang niya na ang mga Filipino ay madalas makalimot ng sariling atin at madalas mabulag sa kinang ng ibang bansa. Mas magugustuhan ko pa kung sinabi niya dapat pagyamanin pa ng husto ang ating wika sa pamamagitan ng mga “makabuluhan” niyang suhestiyon. Pero ang laitin at ikumpara sa mababang uri ang ating wika ay walang kapatawaran. Kaya hindi yumayaman ang bansang Pilipinas ay dahil sa mga gaya niya na walang wagas na pagmamahal sa sariling atin.

Hindi ako magmamalinis at sasabihing hindi ako nagkasala sa sarili kong wika. Ngunit taas noo kong sasabihin na hindi ako kailanman nag-promote na talikuran ang sariling atin.

Friday, July 8, 2011

Fooled No More

One of the not-so good attribute of us Filipinos is being "uto-uto." Yes! Uto-uto - the attitude of saying yes over and over again eventhough it meant losing our own decision-making abilities and being laughed at by some "witty" individuals who pretends to be the stronger few. Being uto-uto means doing an act without deeply thinking about it. Because we are hardcore to our values, we don't realize we are also violating our selves for saying yes eventhough the real answer is no. It is not really wrong to say yes especially if your reason for doing so is to become reliant individuals.

We easily take the bait of saying "yes," and we unknowingly patronize abusers. So it becomes a habit. Saying yes all over and over again.

It is innate with our culture to please everyone -- especially those who are harder to please. It is for the same reason we have tolerated being colonized by different cultures. And for the same reason that we are still under the hegemony of colonialism.

And because of this we easily get fooled.

We become fascinated over something new to our eyes, something unique with our tastes or something fascinating with our senses. Just like when we try an un-reliable product and swore you shouldn't have bought it. Or when for example buying some pretty food on a restaurant which isn't so adorable when being swallowed.

What is so nerve-racking is that despite being fooled, some still smile and charge it to experience. Some still trusts and open up with the hopes of not experiencing the same fate again. The cycle of trusting-being fooled one more time goes on and on. While it is a sad story to hear, some people don't learn their lesson very well.

When it is time to stop, the red light should be flashing ON. When you reach the limit, the only word left to say is NO. Nothing's really over until you reject it. You should always tie the rope of the borderline.

There isn't anything wrong with pleasing someone. Just make sure to be pleased in return.

Thursday, June 16, 2011

Regalo


Ang pag-ibig ay daw ay isang “perfect gamble.” Isa daw itong mapag-udyok na damdamin. Ito ay nagbabago at hindi dapat seryosohin. Hindi ito pumipili ng taong lalapitan at lolokohin. At sa bandang huli ikaw ay iiwan nito at paluluhain. Ganyan ang pag-ibig. Huwad at hindi makatotohanan.

Isa itong sugal na sa bawat lapag ng mga baraha ay dapat may katumbas na malaking taya.

Marami na din akong nasaksihan na naging sawi dahil sa pag-ibig. Meron nga akong kilala na halos lumuwa na ang dila mabuhay lang ang babae na ibig niya. Ayun sa bandang huli olats lang siya kasi sumama na ang babaeng ibig nya sa isang “stateside.” Kawawa naman siya. Ayun balak ata isulat ang talambuhay niya sa MMK, makabawi man lang siya sa mga nagastos niya. Hindi man siya naging matagumpay sa pag-ibig, baka naman daw sumikat sa larangan ng pelikula. Astig! Pa-autograph naman...

Yung isang kaibigan ko nga, binuhay ang isang pamilyang akala niya ay sa kanya. Huli na niya nalaman na nagtatayo pala siya ng isang foundation. Kulang na lang magtayo din siya ng United Nations! Yung isa ko pang kaibigang babae (na mukhang lalaki) hindi niya kinaya nung pinagpalit sya ng super poging boypren niya – naglaslas! Paano ba naman lalaki ang ipinalit sa kanya! Hindi man lang ba niya na-gets na kaya siya pinatos nung lalaking iyon ay dahil “wo-manly” siya?!

Pambihira din ung trip nung isa ko pang kakilala. Pinagtiyagaan niya kasi i-deyt ng tatlong taon ang isang lalaking mukhang unggoy sa kabila ng mala-sutla niyang hitsura. Ayun nauwi din sa simbahan ang kanilang pag-iibigan. Hindi para magpakasal kung hindi para ipagtirik ng kandila ang bawat isa. Nagising kasi si babae isang araw at napag-alaman na si Beast pala ay hindi kailanman magiging isang handsome prince. Kung bakit naman kasi nauso pa ang istorya ni Beauty and the Beast?

Sa bawat pagbabalik tanaw ko sa mga istoryang ito, hindi ko maalis sa isip ko na ang pag-ibig ay isang trahedya. Nakakatakot, nakagigimbal. Hindi ko ito dapat pasukin dahil baka ma-trap ako sa isang bangin. Hindi ko ito dapat suungin dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Sapat ng maisulat ito sa mga libro o maging istorya sa isang telenovela.

Ngunit kung ang taong nasawi ay tatalikod na sa pagmamahal, masasabi kong ang taong ito ay hindi talaga umibig ng totohanan.

Ang pag-ibig ay hindi isang pakiramdam. Sapagkat kung ito ay pakiramdam, ito ay magbabago. Hindi ito isang gutom na pagkatapos kumain ay mabubusog na ang tiyan. Hindi ito isang sakit na pagkatapos uminom ng gamot ay gagaling ka na. Ang pag-ibig ay buhay na katotohanan.

Tulad lang ng pag-ibig ng Diyos sa atin: Unconditional. Hindi ito nagbabago dahil tayo ay makasalanan. Bagkus, ito ay mapagpatawad. Ito ay mapang-unawa kahit na social climber ka. Ito ay mapag-bigay. Hindi ito mag-aalangan sa kabila ng pagiging maganda ko at pagiging mukhang hampaslupa mo. 

Ganun ang pag-ibig. Hindi ito dapat pinagdududahan.

Wednesday, June 1, 2011

My Fave: Princess Hours (Goong)

Anyhow, I’d like to share with you how much I adore that series. That series was aired early 2006 as an unofficial sequel to Prince Hours aired 2005. Apparently, that series has been a total hit since. A lot of people have been looking for it from the internet and there has been a tremendous increase on the demands of producing a DVD version of it. No wonder, it defeated Full House to a number two spot which has been a favorite of many since it was aired in 2004. Hancinema.net records the proof. So you may visit that site to know more. As of present Goong 2 is being filmed, with an expectation that it will be a hit, too.
Everyday, PH’s rating is increasing.( I am sad I can’t site the proof here, ratings site is a friend’s.) Even piracy is a proof for that. In Quiapo–where most pirated copies of that are available–one copy costs for about 300hp-500php, when before it is just sold around 150php DVD9 copy. Checking online markets such

PH was aired on primetime TV at ABS-CBN and ratings showed its growing demand defeating shows of other networks. 
So, what’s actually with PH that most are getting hooked with it? I don’t like getting technical with my blogs, because I do that only when Im pissed with the story…so i hope nobody expects a technical review here, otherwise go to other korean sites,hehe.

PH is a story of a girl turned lady. A woman who desired to express her heart out. A girl who has a pure and innocent heart, whose life and world, because of a judgmental society became so hard to live in. A girl who was forced to mature early to address the demands of her environment. Never scared, she is a woman to look up to. She did not allow herself to be dictated with external pressures, rather made the world know she can have her own way. She stood on what she believed in to protect her dignity and to empower herself. And she is a woman who showed the world that the simplest things in life is what makes people most happy about.

PH is also a story of a man, who because of a traditional, sensitive, naive and closed-minded family was deprived of the happiness he truly deserves. He is a man who learned to be alone. A man who desired to live an island alone, unable to discover that the real great wonders of the world is to open up, love, communicate and be true. He is a man, when, after finding and learning to love embraced it . He is a man who told the world that there is more important thing than fame. A man, who proved the world that it is more manly to be able to stand for what is necessary and right and not just choosing among two options. And he is a man who taught everyone that the essence of being firm and mighty equates the abilty to give up ambitions to be happy.

"And then, the two characters meet..stood up for their dreams. They made a stand to chase after their destiny, not the other way around. And they were successful in telling the world:nobody dictates our own happiness but us alone."
Happy Watching everyone!!!Kansamnida!!!

Tuesday, May 31, 2011

Korean, Korean

Have you ever seen a Korean film? Well, if you’re tired of seeing same stories and same concepts of Filipino telenovela, teleseryes and tagalog films, better shift mode now. There’s a lot of promise that awaits u if u try to see Korean films.

Not that im against any local films or series, but id lyk to share to you a good sense of finally looking into another mode of interest and freshening up our tired senses to bright new ideas and culture. 

Although its hard watching and reading captions all at the same tym , this is a new challenge for us to enjoy something new and live a different sphere of colour in our eyes when we watch these films.

Since the stories dont rely on purely betrayals and success after each fall. But among others, it teaches
patience and how to be decisive and sure when falling in love. That is, it’s not on let alone feelings drama that life goes on but on matters of finding the felicity and serendipity of our lives only if we first be sensitive on our surroundings and allow a little or more devotion to our families. It is also a great experience to open our eyes to new cultures and lifestyles, which unknowingly we’ve been criticizing and mistakingly judging, or worse we dont understand at all. Shaping one’s life is not because we cant do anything about it, but it is with pride that these films reminds us that there are hopes and lights reminding us that we have a choice. All we need to do is to stand up for it goad for a brighter YOU! End of it all, the promise of these films is eternity of pure and unconditional love.

For starters, I advise you to begin watching love-comedy Korean films like "Crazy Love." But if you're sentimental and very emotional, try the films "Sassy Girl" and "Windstruck". There are also Korean series that are really promising like Memories in Bali, Spring Day, Full House, Stairway to Heaven, Feel Young, etc. All of which relies in the thing called friendship and family as its foundation. I have several names to advise on but my mind is locked at the moment. But im sure of one thing: Korean films are all enjoyable.

Let’s stop the traditional "langit at lupa" stories or the traditonal "im young and ur old" or the usual everyday siesta stories we get to see. This time, lets see romantic films based not on hard drama but the normal, comedy-serious fantasies of our lives. Best thing about it, you’ll ever feel that you’re in a vacuum, because each film/series introduces new concept and new ideas.

I couldnt express in words the kind of change it brought me when i saw one. But one thing is for sure, the legacy of love continues to unfold only when we let destiny fall into its places.
And to those who haven’t tried it…why are you laughing? Are you scared to try because you might be wrong? Nothing to loose if you’ll try.

Happy Watching! Anyeong!!!

Monday, May 30, 2011

Anawangin Island Adventure

Lunes pa lang ng linggong iyon. Hindi talaga nawawala ang itim na ulap. Animo'y parang galit na galit ang langit at iniluluha nya ng malakas ang kanyang pagtangis. Kahindik-hindik. Padating pa lang daw ang bagyong iyon -- si Chedeng. Aba naman at talagang Sabado daw ang dating nito sa lupa ng 'Pinas! Biyernes ng gabi ang alis namin papuntang Zambales. Whoooahhh!!
Bigla akong naging madasalin. Lahat ata ng santo, tinawag ko bigla. Ganun ata kapag makasalanan, tumatawag lang ng tulong kapag kailangan na. Pero pasalamat pa din ako. Medyo malakas pa din ako kay Bro. Miyerkules ng in-announce ng PAGASA na hindi na daw mararamdaman ng bansa ang lupit ni Chedeng. Hindi nga lang nila nabigyan ng emphasis na sa dagat ito maglalagi.

Kaya ayun, nung May 28 hindi kami pinaligtas ni Chedeng.  Sinalo namin ang lupit ng ulan at ang hampas ng mga alon habang binabagtas namin ang dagat mula Pundaquit papuntang Anawangin. Hindi pa man din kami nakakalangoy, basa na ang mga dalang suot namin. Magaling di ba?

Pero ayos lang. Kasi nung makadaong ang bangka, nakita ko ang isang munting paraiso sa tabi ng dagat. Ang ganda. Sobrang ganda. Kahit malakas ang ulan, hindi naitago ng mga ulap ang kagandahan ng kapaligiran ng islang ito.









Malamig ang tubig, sariwa ang hangin. Ang mga puno ang nagsilbing lilim sa ilalim ng ulan. Heto lang ata ang tanging summer outing na pinuntahan ko na umuulan. At eto rin lang ang tanging bakasyon ko na ang tanging trabaho ko lang ay kumain. Ang bagal ng oras. At ang nakakapagtaka, alas-tres pa lang pero parang gabi na! Nakatulog ako ng maaga. Ang malalakas na alon ay tila hele sa aking pandinig. Hindi ko na napansin ang sakit ng mga buhangin sa aking likuran. Salamat sa tent na napaka-ginhawang higaan.














Linggo ng umaga, tumila na din ang ulan. Mas lalo akong humanga sa ganda ng islang iyon. Pinakamaganda ito para sa akin. Kulang lang ang panahon. Salamat kay Lord, nakauwi kami ng maayos.

Pero siguradong babalik ako dito ngayong taon.


Monday, February 14, 2011

A Sad Story

Once there were two high school students. A young boy and a young girl. They were always together and have been very good friends. They were not in love or anything like that, or at least. In fact, one of them treats the other as “best friend.”

The young boy was older than the girl. They would do anything for each other. The guy would dare ask the girl to do something and she would gladly do it. In return, he would seek to exchange his bargain to another favor. They spend school day together and would extend the day by going on long phone calls. Damn, no mobile phones yet at that time! The girl would sneak on one of her PE class to spend a badminton game with the guy and that sacrifice is untold until now.
They had nothing to fear and nothing to lose. Until year end breaks. They seem to be happy during the early years of parting: constant communication and gigs here and there. But age was so crucial that they ended up losing no chance.

Ten years after they meet again, unexpectedly. The girl is now a full-blossomed woman. Her environment changed everything in her except her heart. The boy, now a man has succumbed to the changes of his world. And everything about him before is now a history.

They are now both of age. But with different priorities. They tried to set foot to each others world but of no luck. Until the time when judgment calls it a day.

The guy formally asked the lady and she was caught off-guard. It was just that and the remaining days were blank. Nothing happened and everything was left unanswered.

Two months after, the guy held the woman in his arms. But it was now a different woman. For waiting is not another option — again.

Saturday, January 22, 2011

TPDH

Matindi ang trapik. Sumabay tuloy ang tindi ng kumakalam kong sikmura. Kung bakit naman kasi hindi ko naisip bumili ng makakain bago sumakay. Pasado alas-otso na ako nakauwi ng bahay. Ang gutom at pagod ay naghalo na talaga. Ngunit ang pagod at gutom ko ay sinabayan ng nakakabibiglang bungad ng aking ina.

Naipit ang kamay ng lola ko sa makina ng damit. Malalim at malaki ang sugat. Gaya ng karaniwang matatanda, hindi siya nagpadala sa duktor. Sa halip ginamot niya ang kanyang sugat na parang isang eksperto sa larangan ng medisina. Nilagyan daw ng kape para tumigil ang pagdudugo. Ngunit hindi ito naging sapat kaya nilagyan din daw niya ng asukal. Anak ng! Mabuti na lang at hindi naisipang lagyan ng gatas! At sa pag-aakalang hihinto at gagaling ito sa ganoong paraan, binuhusan niya ng amoxicillin ang nakabukas na sugat.

Alam kong mali ito. Kaya wala akong inaksayang oras at dinala agad namin siya sa pinakamalapit na ospital. Alas-nuwebe na noon. Kailangan ng sugat ng mabilisang lunas kungdi sigurado kong tetano ang aabutin ng lola ko. At dahil matindi pa rin ang trapik sa lansangan, sa pinakamalapit na pampublikong ospital nag-park ang aming sasakyan.

Kakaiba ang emergency room na yun. Walang tao sa receiving area. Maghintay daw kami sabi ng guwardiya, may lalapit din maya-maya. Umabot din yun ng sampung minuto bago kami inasikaso. Sa wakas, may nakaramdam na kailangan din pala ng lunas ng aming pasyente. Pagkatapos, pinapasok na kami sa trauma room. At tama ang pangalan ng silid na iyon. Sino man kasi ang pumasok doon ay tiyak na mato-trauma. Pansin kasi ang natuyong dugo sa monoblock chair na tila hindi na pinagkaabalahan pang linisin. Ang kisame ay puno ng agiw. Mabaho ang singaw doon na tila pinaghalo-halong amoy ng dugo, gamot, betadine at alcohol. Hindi din naman naiiba ang sahig nun na ubod ng dumi. Ang nakakakilabot pa ay ang kama ng pasyente dun --- parang himlayan ng mga malapit ng dalawin ni kmt.

Nilapitan kami ng nurse, bilhin daw muna namin ang gamot. Pambihira! Napaisip tuloy ako. Paano kaya kung mamamatay na ang pasyente? Hindi ba nila aasikasuhin kung walang pambili ng gamot? Sumunod pa din naman kami. Ang pharmacy ay katapat lang naman ng ER. May nakapaskil doon na 40% discount handog ng butihing mayora namin. Isang pasyente ang bumulong sa amin, doon daw kami bumili sa tapat ng gate ng ospital. Mas mura daw kasi doon. At totoo naman. Ang gamot na 220 sa loob ng ospital, 170 lang sa labas!

Nang mabili namin ang gamot, saka kami inasikaso ng duktor. Baka daw may bali ang buto. Kasi masyado daw malalim ang sugat. Kailangan daw ipa-xray ang lola ko -- may bayad pa din ito ha. Habang hinihintay kaming matawag, sinubukan kong interbyuhin ang bantay ng pasyenteng katabi namin -- pampalipas oras lang. Tinanong ko kung anong sakit ng pasyente nila. May LBM daw ang bata 3 araw na kaya pinapa-xray.  Nagtaka naman ako. Kung may LBM ang bata, bakit kailangan ipa-xray? Buti nalang hindi ako duktor. At kung magka-LBM man ako, siguradong hindi ako pupunta sa ospital na iyon.

Nung tawagin na kami, pinagmasdan ko ang xray room. Gaya ng naunang silid, bagay ang pangalan noon sa kanya --- isang xray room. Meron doon nakakalat na eskeleton ng pinto ng cabinet ng lababo. Ang lababo ay may tubo na tila dating gripo. May bintana ang kwartong iyon na puro kalawang ang bakal na nilipasan na ng pintura. May mga agiw din ang machine. At maliban doon, may mga machine doon na parang eskeleton na lang.

Kagimbal-gimbal ang pangyayaring iyon. Ang gutom na naramdaman ko ay pinalitan ng matinding pagkasuklam sa gubyerno ng siyudad na tinitirhan ko. Habang nag-aagawan sila sa posisyon ng lokal na pamahalaan, maraming pagbabago na hindi mabago dahil sa kasakiman sa kapangyarihan. Habang pinagyayabang nila ang maskarang ginawa nila sa imahe ng lungsod na iyon, marami din ang nagsusupot ng mukha sa kahihiyan ng pabaliktad na pag-unlad ng aming pamayanan.

Sana lang bago pagandahin ang imahe ng kanilang liderato, subukan nila na pagandahin ang serbisyong kailangan ng tao.


Tuesday, January 4, 2011

Tamang Hirit

"Hoy!" biglang sigaw-tapik sa akin ng isang kaibigan. Ang layo daw ng tingin ko. Lumilipad daw sa hangin ang diwa ko. Napaisip tuloy ako. Kung malayo ang tingin ko, paano niya ito natanaw? Iisa kaya ang ang aming tinitingnan kaya nasukat niya ito? Ano ang ginamit niyang pansukat? Paano niya ito natapos sukatin gayong malayo nga ito? Kung lumilipad sa hangin ang diwa ko, ibig ba sabihin may pakpak ito? Nagulat ako sa realisasyon na puede na din pala makita ang hangin dahil nakita niya ang diwa ko dito.

Pero ang mas kahindik-hindik ay ang mga hirit na mabagsik. Hindi man natin ibig talagang sadyang napakalupit.

Eksena Level 1: P&F Deficiency
Sa isang foodchain:
Customer: Miss, meron ba kayong wipi (wi-fi) dito?
Crewe: Naku wala po. Apple pie lang po.
Ako: Ayos!

Eksena Level 2: P&F Deficiency Ulit
Usapang Berks
Berks 1: Wow, ganda na ng skin mo. Anong peeling (feeling) mo, gurl?
Berks 2: Gaga wala akong peeling.. maganda yung astringent ko.
Berks 1: Hahaha... pakiramdam girl!
Berks 2: Wala nga. Hindi mahapdi!
Ako: Mag-tagalog kasi kayo!


Eksena Level 3: Sa isang shuttle service
Pasahero: Manong, sa tabi lang po. Miss, excuse lang bababa ako (ako kasi ang nasa tabi ng pinto).
Ako: Sandali lang, umaandar pa. Pano ka bababa?


Eksena Level 4: Sa Ayala Terminal
Napakahaba ng pila ng shuttle service.
Miss: Miss, ano ito?
Ako: Ah, pila?! (Kunot-noo)
Miss: Nakapila ka?
Ay hindi! Naka-tambay lang. Pampalipas-oras!