Tuesday, October 18, 2011 ang flight ko nun sa Palawan. As early as 10AM, handa na ako at nakapag-baggage check in na ko sa counter ng NAIA Terminal 3. Sa sobrang aga ko, naghintay ako ng matagal sa mga kaibigan ko na kasama ko papuntang Palawan. Super-excited ako kahit na ang flight ko ay 1215 pa. Pers tym kasi.
Sa Airport na ako dinatnan ng gutom at dun ko na din tinapos yun. Salamat sa delayed flight, ala-una na umalis ang eroplano papunta ng Palawan. Mabilis lang ang flight. 1355PM nasa Francisco B. Reyes Airport na kami. Mula sa itaas ng eroplano, makikita na ang pinagsamang ganda ng lupa at dagat ng Palawan. Wag mo na itanong kung gaano kaganda dahil hindi ko tiningnan. Takot ako sa heights, baka mahimatay pa ko. Salamat sa katabi ko, may picture naman ako.
Nag-stay kami sa Princess of Coron. May swimming pool na dun. Maganda yung room namin kasi isa yun sa pinakamalaking room doon. Malamang 5 kami, alangan naman sa maliit na room lang kami di ba? Pagka-check in, hindi na namin sinayang ang pagkakataon na libutin ang Coron Town. Kahit matirik ang araw, nilakad namin mula sa hotel papuntang town proper. Namalengke kami ng pagkain para sa Island hopping namin sa susunod na araw.
Sa sobrang pagod, nagutom kami at naghanap ng makakain. Napadpad kami sa napaka-tahimik na kainan na ang tawag ay Manneken Pis. Maayos ang ambience, mabait ang server, masarap at madami ang serving ng pagkain. Yum, yum! Bumalik na kami sa hotel pagkatapos para sa walang sawang swimming.
Day 2. Alas-5 pa lang gising na ako. Hindi dahil sa maaga ang alis namin, kungdi dahil sa sobrang lakas ng aircon sa kwarto. Halos mangisay na ako sa ginaw! Pero ayos lang un kesa walang kuryente, nung day 1 kasi namin nag-brown out pa. Hahaha.
At 630AM, nasa port na kami para hintayin si Kuya Bodok (bangkero). Ayun in 30 minutes, nasa laot na kami para sa napakasarap na Island hopping.
First stop namin ay sa Siete Picados. Sa gitna ng dagat huminto ang bangka. Natakot pa nga kami nung una. Wala kasing pampang na puedeng puntahan. Pero nawala ang takot namin ng simulan na namin ang paglubog sa dagat. Snorkel to the max kami. Sobrang ganda ng corals dito. As in super ganda. Yun lang madami ding sea urchin dito.
Next stop: Kayangan Lake. Kailangan paghandaan ng husto ang pagpunta dito. Kasi naman para ka na rin nag-work out bago makapunta sa napakagandang lake na ito. Kailangan mong umakyat ng bundok dahil ang lake na ito ay nakatago sa likod ng bundok -- magical di ba? Kung sa Siete Picados ay maganda ang corals, dito naman solid rock formations ang makikita mo. Dito ako nag-enjoy ng husto. Kasi naman, malinaw na makikita ang mga rock formation sa ilalim ng tubig.
Pagkatapos dito, Barracuda Lake naman kami. May hiking din na kasama bago makapunta sa lake pero parang isang tambling lang naman ang katumbas nito. Bluish near to pitch black ang tubig dito, masyadong malalim at di ka makakakita ng rock formation sa ilalim ng tubig. Sa halip ung paligid nun ang may formation. Para kang nasa malalim na batya ng tubig pag nagpunta ka dito. Sabi ng bangkero, nasa 70 feet daw ang lalim, pero parang di ko naramdaman dahil sa vest na suot ko. Pakiramdam ko marunong na ko lumangoy! Bongga!
Magtatanghalian na nun. Kaya stop over na kami sa Beach 91. Salamat naman at nakakita na din ako ng pampang at buhangin. Dito kami kumain. Di kami nagluto kasi sa bangka meron ng nagluto para sa amin -- parang cruise lang di ba? Sa beach na din kami nag-swimming. Ang linaw ng tubig at makikita mo ang isda na lumalangoy. Ang kaso, bawal daw hulihin ang mga ito. Ang buhangin parang asukal kaputi. May gubat din sa paligid ng beach at may mga unggoy dun. At least hindi taong unggoy di ba?
Nung medyo nahimasmasan na kami, pumunta naman kami sa Skeleton Shipwreck. Bukod sa Kayangan Lake, heto pa ang isa sa mga paborito ko. Gaya ng mga unang adventure, huminto na naman kami sa likod ng dagat para makapag-snorkel. Malalim dito. At para sa katulad ko na hindi marunong lumangoy, isang challenge ang pagpunta sa gitna para makita ang skeleton ng barko. Salamat na lang sa mala-isdang paglangoy ng aming bangkero, nakita ko ang paraiso sa ilalim ng dagat. Isang kahoy na lang ata ang natira dun sa skeleton ng barko. Pero kitang kita ang lalim at ganda ng mga corals. Ang mga isda dun, akala siguro halaman lang kami. Paano kasi sumasabay sa paglangoy namin. O di kaya tingin ng isda tao sila?
Last stop: Twin Lagoon. Kagaya ng Barracuda Lake, pitch black din ito. Kung sa paanong dahilan, bakit kaya may dalawang lagoon ang naroon na magkasama? Hmm.... siguro friends sila. Kung sa previous adventure hiking ang main equipment, dito swimming lessons ang dapat dala mo. Kasi naman, kailangan mo lumangoy para lang makapunta sa lagoon. Haha! Malayong languyan ito. At nakakatakot na lumayo ka pa dahil baka di ka na makabalik pa. Pero napakaganda talaga.
Pagbalik ng hotel, naligo at nagbihis lang kami para lumabas at kumain ulit. Masarap ang pagkain sa Kawayanan Grill sabi ni Manong Tricycle. At di naman sya nagkamali. Yun nga lang medyo may kamahalan ang pagkain dito.
Day 3. Gumising ulit kami ng maaga. Inakyat namin ang Mount Tapyas. Walking distance lang ito mula sa hotel namin. Nakalimutan ko na kung gaano kataas ito. Pero dahil sa acrophobic ako, katakot takot na lula ang naramdaman ko sa pag-akyat sa tuktok. Ayon, di naman nawala ang phobia ko. Ang tuktok na yun ang nagsisilbing summary ng Coron. Mula dagat, hanggang bundok makikita dito. At napakataas pa lalo nung krus sa tuktok. Hindi ko na nilingon pa at palagay ko gugulong na ko sa lula pag ginawa ko yun.
Tagaktak ang pawis namin pagkagaling dun. Nagpunta kami sa Maquinit Hotspring pagkatapos. Php200 ang renta ng tricycle. Medyo malayo sa town proper. Lublob na agad ako para matanggal ang lamig sa katawan. Walang tao dun maliban sa amin. Kasi daw, hapon hanggang gabi daw kung dumayo ang tao dun. Mainit na nga ang araw, mainit pa tubig. Mabuti na lang hindi naluto ang taba ko.
Lunch at Lolo Nonoy's. Mura at masarap ang pagkain dito. Mabilis pa i-serve. The best ang halo-halo dito.
Lumipat na din kami sa Coron reef. 2 na lang kasi kami naiwan at pabalik na din kami Manila the following day. Napakabait ng may-ari ng lodging house na ito. Heto ata ang pinaka-murang accommodation sa Coron. Plus ang breakfast nila ay 100php/head -- buffet style. Sarap! Dumaan din kami sa Kasuy Factory kaya lang wala pa daw luto e. Akala ko ang factory ay malaking factory. Hindi pala. Malaking bahay ito na may lutuan ng kasuy. Sila ang nagsu-supply sa buong Coron.
May gimikan din dun: Subasco Bar. Mabait ung owners nun. Hindi naman sya disco house na gaya dito sa Manila pero maayos at malinis naman dito. Masarap din ang pagkain. Ang mga may-ari nito ay ang may-ari din ng Kawayanan Grill. Best highlight dito: yung aso nung co-owner. Sobrang sweet nung aso. Gusto ko sya iuwi. Mabuti na lang may aso na ko.
Day 4: Cancelled ang flight. Karaniwan na daw ito sa Palawan. Ayun, sinagot ng Airline ang food and hotel accommodation namin sa Dayaronan Lodge. Hotel-class ang mga rooms dito. May swimming pool din. May art and crafts shop sa labas (Asiano Arts and Crafts) na may super bait na owner. Gusto sana namin mag-swim pero napagod at na-stress talaga ako dahil sa delayed flight na yan.
Day 5: Nilibot namin ang buong airport. Finally dumating din ang eroplano. Ayun, fly back to Manila na ako.
No comments:
Post a Comment