Tuesday, January 4, 2011

Tamang Hirit

"Hoy!" biglang sigaw-tapik sa akin ng isang kaibigan. Ang layo daw ng tingin ko. Lumilipad daw sa hangin ang diwa ko. Napaisip tuloy ako. Kung malayo ang tingin ko, paano niya ito natanaw? Iisa kaya ang ang aming tinitingnan kaya nasukat niya ito? Ano ang ginamit niyang pansukat? Paano niya ito natapos sukatin gayong malayo nga ito? Kung lumilipad sa hangin ang diwa ko, ibig ba sabihin may pakpak ito? Nagulat ako sa realisasyon na puede na din pala makita ang hangin dahil nakita niya ang diwa ko dito.

Pero ang mas kahindik-hindik ay ang mga hirit na mabagsik. Hindi man natin ibig talagang sadyang napakalupit.

Eksena Level 1: P&F Deficiency
Sa isang foodchain:
Customer: Miss, meron ba kayong wipi (wi-fi) dito?
Crewe: Naku wala po. Apple pie lang po.
Ako: Ayos!

Eksena Level 2: P&F Deficiency Ulit
Usapang Berks
Berks 1: Wow, ganda na ng skin mo. Anong peeling (feeling) mo, gurl?
Berks 2: Gaga wala akong peeling.. maganda yung astringent ko.
Berks 1: Hahaha... pakiramdam girl!
Berks 2: Wala nga. Hindi mahapdi!
Ako: Mag-tagalog kasi kayo!


Eksena Level 3: Sa isang shuttle service
Pasahero: Manong, sa tabi lang po. Miss, excuse lang bababa ako (ako kasi ang nasa tabi ng pinto).
Ako: Sandali lang, umaandar pa. Pano ka bababa?


Eksena Level 4: Sa Ayala Terminal
Napakahaba ng pila ng shuttle service.
Miss: Miss, ano ito?
Ako: Ah, pila?! (Kunot-noo)
Miss: Nakapila ka?
Ay hindi! Naka-tambay lang. Pampalipas-oras!

1 comment: