Ang biyahe ng buhay ay isang hamon na tanging kamatayan lang ang makakatapos. Sadyang mahirap. Sadyang mapagbiro. Ika nga ng marami, para itong roller coaster.
Roller coaster.
Isang paikot-ikot na pag-agos. Paulit ulit dahil pabilog ang direksyon nito. E kelan ba naging parisukat ang bilog? Sige nga, imagine-nin mo nga kung parisukat ang direksyon ng roller coaster? Iniisip ko pa lang talagang nauuntog na ko. Di ko carry! Helmet please!
Baka imbes ma-high ka sa saya, bigla kang ma-low sa iyak. Parang yung kanta ni Flo-Rida? Pano na nga yun? Singing mode: Up the bottom jeans... Lo, lo, lo, lo! O wag mag-react. Alam ko mali na ang lyrics mali pa ang spelling.
Pero sa kabilang banda, ano nga ba ang mararamdaman mo kapag parisukat ang roller coaster? Malamang di mo na yun mararamdaman dahil ER na ang bagsak mo. Emediete Rest. Wahahaha!
Pag nagkataon, kakantahan kita ng:
Kung kayo'y may anak na umiiyak
Bigyan lamang ng isang tadyak
Hawakan sa leeg at ibalibag
Duon magkakaroon ng free, free bukol.
Sa tutuusin, wala naman kasing madaling pag-agos. Kahit pa nga yung ilog na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig dadaan pa din sa maliliit at malalaking bato. Gaano man kaganda at kalawak ng dagat, sa gitna nito may pating pa din na nakaabang para kainin ka. Kahit nga siguro yung mga mayayaman ngayon sigurado akong ilang sugal ang nilabanan para lang makapili ng kasayahang angkop sa kanila. Kailangan lang natin tanggapin na ang buhay ay isang perya na makulay. Kailangan mo lang piliin ng mabuti ang "ride" na magdadala sa'yo sa tamang landas ng kaligayahan.
Malamang nagtataka na kayo kung bakit senti mode ako ngayon. Simple lang naman ang sagot: Idol ko kasi si Sentino! Yung batang malapit kay Bro.
Senti mode din kasi ang nararamdaman ng sunod na bidang character ng blog ko. Bida?!!! You must be kidding!
Si Ugok 2.
Kakaiba si Ugok sa kanyang mga ka-tropa. Kahit mag-back track ka pa, sinabi ko din kakaiba si Ugok 1. Make sense to me? Coffee mate for my coffee.
Ayaw niya ng may kasama palagi. Loner kasi siya. Like niya kasi palagi away from the limelight. You know, the fans and the interviews plus shooting, commercials, guestings and all.....(guni-guni lang ito, pag naniwala ka, biktima ka ng Wow Mali!)
Sa araw na ito, sumakay siya sa roller coaster. Sinubukan niya ang kilalang carnival sa Laguna na ang pangalan ay EK (Enchang Karnibal). Sabi ko na nga e, iniisip niyo Enchanted Kingdom e. Hmmmm... wag ka tatawa. Psst... kita ko na gilagid mo.
Pag andar ng coaster, kinabahan siya. Sino ba ang hindi? Roller coaster sa peryahan? Yikes!
Sumigaw siya: "Help!!! Help!!! Where's my Hero?"
Ayun walang nakarinig. Hindi dumating si Darna. Nagsho-shooting pa kasi. Pinapataas niya pa ang rating niya sa TV. Wala din si Kumander Bawang kasi matanda na. Bukod sa panahon pa ng Bagets ang era niya. Si Kapitan Inggo naman wala ng break kaya hindi maka-rescue. Hindi makalipad si Captain Barbel kasi nawawala ang barbel niya. Ninakaw ng kapit-bahay niyang paminta na nangangarap maging gym instructor. Si Dyesebel naman nasa dagat hindi makalipad. Kahit nga si Marina at Dugong walang maipadalang alagad. Si Superman naman hindi pupunta ng Pilipinas, nasa Amerika kasi siya, takot pumunta ng 'pinas kasi baka kidnapin lang ng Abu Sayyaf. Malaking ransom yun pag nagkataon. Masyadong mahal ang TF ni Batman kaya can't afford to rescue. Si Spiderman naman, napulupot sa mga sapot niya. Tapos na kasi ang trilogy movie niya kulang na sa praktis.
Ganun lang. Parang thriller story pero hindi ka natakot. Isipin mo na lang apat na beses mo pinanood ang Shake Rattle and Roll pero tumatawa ka pa din pagkatapos. Sabay sabi! Oh, my you're such a waste of money.
Kaya nung tumigil ang roller coaster, bumaba na din si Ugok 2. Sabay suka! Yuck!
No comments:
Post a Comment