Friday, September 4, 2009

Biyahe Papuntang Monumento


"Kung nakamamatay ang maling akala, pa'no pa kung maling hinala?"

Curtain Call. Action!

Scenario: Sa isang masikip na bus nakatayo ang mga pasahero papuntang Monumento. Isa sa mga pasahero ng bus na ito ay ang isang binatilyong gwapo (pag tulog) at may suot na itim na backpack. Kamukha siya ni Pepeng Agimat pero walang kulubot sa mukha. Nakatayo sa likod niya ang isa namang lalaking kalbo, di katandaan at kamukha ni Kitano-kun (tingnan mo wall photos ko para makilala mo siya kung ayaw mo naman e di wag). Itatago natin siya sa pangalang Mamang Kalbo sa likod ng batang Pepeng Agimat na walang kulubot sa mukha.

Sadyang napakasikip sa bus na iyon. Animo'y magkakapalit-palit na ng mukha ang mga tao. Buti na lang walang aso. Dahil parang sardinas ang mga tao sa bus, hindi na halos sila makagalaw. Huwag na mabanggit na amoy sardinas din sa loob ng bus. Baho! Gravvvvvveeeee!!! Glade spray muna tayo ha.... O ayan. Lysol naman.

Dahil hindi na makagalaw ang lalaki sa kanyang harapan, binuksan ng mamang kalbo ang bag na itim ng binatang gwapo. Duon kinuha niya ang wallet at cellphone nito at dali-daling ibinulsa ito. Ay tragedy.

Sa di kalayuan nakatayo si Ugok 3. Nakita niya ang: krimen? Daglian siyang tumakbo (pero slomo para may special effects) para sagipin ang wari'y ninanakawan na mama. Kinonyatan ni Ugok 3 ang mamang kalbo kasing lakas ng hampas ng isang maso na parang lalabas na ang utak sa lakas. Nagbukol pa ito ng mas malaki pa sa piso (yung pisong pilak ha). Namula ang lalaki sa sakit at nagkulay kamote ang mga labi niya na hindi makasigaw ng aray sa solid na konyat ni Ugok 3.

Feeling national superhero si Ugok 3 sa nagawa. Medal of Valor awardee siya pag nagkataon. Nagtapang-tapangan siya at tinangkang tadyakan ang lalaking namimilipit sa sakit. Biglang lingon ng lalaking may-ari ng bag at nagulat na napasigaw:

"No, please. Dooooonnnnn't! Tatay ko po yan!"

Ayun natawa lang si Ugok 3. Sabi niya: "Peace, yoh!" sabay baba sa bus.

Curtain closes.

No comments:

Post a Comment