Color yellow has often been associated to cowardice. It has always been misinterpreted and misconstrued. Historically yellow is a color used to describe racism. Yet the modern day individuals treat yellow as the color of lightness. With modern politics, the same color is use to express love for liberty and the belief to fight for it. Apple is not coward and she dares to show light. In this blog, let the yellow Apple speak.
Wednesday, November 4, 2009
Diet Another Day
Ilang buwan na lang 2010 na. Isang bagong taon na naman ng mga uso at mga nagpapauso. Ang trend daw ng taon na ito ay Health and Wellbeing. Di niyo ba napapansin, halos lahat ng produkto ngayon may pangako ng “better life.” Meron diyan tsa, kape, food supplement, damit, sabon, juice, atbp. Kahit nga asin at toyo idinamay na din. Lahat ng mga produktong ito ay may pangako na sa kabila ng mabilis at modernong pamumuhay, may solusyon na upang paginhawain o di kaya pahahabain ang buhay natin.
Pero ang hitik talaga sa merkado ngayon ay ang samu’t-saring produkto ng pampapayat. May tabletas pa na iinumin tapos papayat ka daw --- effortless! Tinanong ko yung kaibigan ko na tumatangkilik sa inumin na yun, akalain mo daw palagi siya nakakaramdam ng pagsakit ng tiyan. Pero okay lang daw yun kasi parte daw yun nung produkto. At kailan pa naging effortless ang pananakit ng tiyan? Tsk... tsk.... tsk.
Sa makatwid, ang mga manlolokong produktong ito ay hindi nakakapagpabuti o nakakapagpahaba ng buhay. Ito ay pansamantalang solusyon lamang. Hindi ko minamasama ang iba na gumagamit ng mga produktong iyon. Ang sakin lang, pag-aralang mabuti kung totoo ang sinasabi ng kanilang ’marketing strategy.’
Kaya ang adik na kagaya ko ay sinubukan ang dramang go natural.
Nung minsang nagpa-check up kasi ako sa duktor, pinagsabihan niya ako na magbawas daw ng timbang kasi nagiging sanhi ito ng aking pagkakasakit ko. E siyempre, ayokong matsugi ng maaga kaya sumunod naman ako sa kanya.
Ang kaso lang, hindi ko inakala na ang pagdidiyeta pala ay magdadala sa akin ng pinakamalaking komedya ng buhay ko. Una, hindi ko inakala na ang mga halaman na kinakain ng mga kambing, kalabaw at kabayo ay puwede din pala sa tao. Kasi naman sa dami ng kinakain kong dahon (garden salad, lettuce salad, vegetable salad --- parehas lang lahat ito) kulang na lang pati damo kainin ko na. Halos nakalimutan ko na nga ang pagkakaiba ng mga lasa nila.
Pangalawa, dahil sa drama ko naging unlicensed nutritionist-dietician na ako. Paano ba naman lahat ng kinakain ko binibilang ko ang calories. Bawal ang high-carb, kailangan low fat, high-protein at kung anu-ano pang rekisitos para lang makakain sa isang araw. Hindi naman nutrition ang tinapos ko, pero bakit bigla ko na lang inaaral ito?
At isa na rin akong fitness consultant sa dami ng exercise na inaaral ko. May exercise para sa braso, sa palo-palo este hita, sa bewang at balakang, sa paa, sa binti, sa kamay, daliri, atbp. Kulang na lang mata, ilong, bibig at tenga ko mag-ehersisyo na din. At kailangan naka-monitor ang timbang ko. Para lang akong ibebentang hayop ano?
Pero ang lubos na nakakaaliw isipin na parang damit pala ang klase ng mga diyeta sa mundo. Ang dami-dami. Iba-ibang klase at nagbabago siya sa paglipas ng panahon. Meron silang tinatawag na Blood type diet kung saan ibinabagay sa uri ng dugo ang paraan ng pagbabawas ng timbang. E paano kaya pag royal blood? Hindi sinabi nung duktor kung paano e. Diyetang popular sa mga artista --- South Beach Diet. Pero hindi ito diyeta na pang-dagat. Dito naman pinapag-aralan ang good carbs vs bad carbs. Nakakatawa lang kasi parang hahampasin ka kapag kumain ka ng bad carbs at sasabitan ka ng medalya pag good carbs ang kinain mo.
Kahindik-hindik ang lahat ng ito. Parang ayaw ka na pakainin at parang kasalanan na kapag kumain ka pa. Kaya ako isang diet lang ang paborito ko sa lahat: Diet another day!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Amen! Moderasyon lang talaga sa pagkain ang kailangan at pagehersisyo. Ang mga taong tulad ko medyo hirap sa aspetong iyan pero naaral din at nasasanay na rin sa katawan. Inaamin kong umiinom din ako ng mga kapsulang nakapagpapayat pero sinisiguro kong hindi matatamaan ang atay ko nito. Ika nga, isinasanay ko lang ang katawan kong hindi kumain ng marami na kinasanayan ko ng maraming taon. Maraming salamat boss sa inspirasyon at sa pag-blog nito. :D
ReplyDeleteTrue! Ako din diet-dietan ngayon kasi parang nasa first trimester of pregnancy lang naman ang itsura ko ngayon. Wehehe.
ReplyDeleteEffective pa rin sakin ang after 6. I can still eat what I want pero nothing after 6pm.
Good laaaaak!