Tanggap ko na. Tinigil ko na ang pagnanasang makita kita ulit. Tuluyan ka na kasing nagpaalam. Huminto na ko sa paghihintay, alam kong hindi ka na babalik. Hindi naman ako manhid. Nakakaramdam din ako. At alam ko din naman ang limitasyon ko. Bakit ko aaksayahin ang oras ko kung alam ko namang walang patutunguhan ito? Alam kong di na mauulit ang nakalipas pa. Pansamantala lang ang lahat.
Ninais kong habulin ka, pero di mo na ako nakikita. Kaya hininto ko na ang ilusyon at pag-asang makita ka muli dahil iba na ang direksyon ng iyong paningin. Nakahanap ka na ng ibang pag-aalayan ng iyong mga ngiti. Bali wala lang ang sandaling kapiling ka. Para sa iyo hindi naman ito mahalaga. Gusto ko sanang banggitin ang pangalan mo, pero pipigilan ko na lang ang sarili ko. Magpapanggap ka lang naman na walang narinig. Sa hangin lang mapupunta ang mga salita ko.
Kumulimlim na ang langit sabay ng sakit na aking nadarama. Ang sandaling pagtingkad ng araw ay isang alaala na lamang. Sa dakong huli talagang ako ay panghalili lang. Ganito na talaga ito. Kailangan ko na itong tanggapin.
Sa susunod na lang... magdadala ako ng ballpen tapos magpapa-autograph na ko, ha?
No comments:
Post a Comment