Kakaiba talaga ang Pinoy. One of a kind ika nga ng ilan. Kakaiba ang pamumuhay, pag-iisip at pag-uugali. Pero alam niyo ba na kahit isa akong Pinoy hindi ko matagalan ang mga tamang hirit ng kapwa ko Pinoy? Nakakatawa di ba? At dahil iisa ang nakagisnang kultura, iisa din tuloy ang naging takbo ng pangaraw-araw na mga eksena.
Narito ang ilan sa mga naipon kong istorya. Medyo matagal na din na puro malungkot ang blogs ko. At dahil magpa- Pasko na, isi-share ko sa inyo ang mga istoryang kakaiba. Regalo ko. Sana matanggal ang pustiso mo sa kakatawa.
Sa isang highway, sakay ng isang kotse.
Naliligaw na ata kami. Hindi kasi namin alam ang daan na iyon at nagbakasakaling tumama kami pagkatapos namin umikot at magpabalik-balik. Mabuti na lang at may traffic enforcer kaming nakita. Naglakas loob na kami magtanong.
Ako: Manong, saan po ba ang daan papunta sa lugar na ito..(habang itinuturo ang address na nakasulat sa papel).
Traffic Enforcer: Diretso kayo sa paganun tapos saka kayo lumiko paganoon.
(Anak ng! Sabi ko na, minsan nakamamatay ang pagtatanong.)
Pumara ako ng masasakyang jeep. Nang makaupo ako sa loob nito, agad kong iniabot sa driver ang aking bayad.
Ako: Bayad po.
Driver: Ilan ito?
Ako: Isa lang po. (Dalawa lang kaming pasahero sa jeep -- iniisip kaya ng mama na babayaran ko ang pamasahe ng unang pasahero niya?)
Driver: Kasasakay lang?
(Sadyang may memory gap talaga si kuya!)
Matapos makapamili ng libro sa isang pomosong bukstor, dinala ko na ito sa kahera.
Cashier: Ma'am, bibilhin niyo po ito?
(Hindi ako nakakibo. Ano kaya ang ini-expect ni ate sa pagdadala ko ng libro sa cashier, hihiramin ko lang?)
Sa jeep ulit.
Ako: Sa tabi lang po. Para!
Driver: Bababa ka?
(Ah hindi, sasakay ako!)
Kasama ko kaibigan ko.
Ako: Nagugutom na ko.
Kaibigan ko: Hindi ka pa kumakain?
(Kumain na! Kaya nga gutom di ba? Fota!)
Nadapa ang tumatakbong bata sa isang playground. Nagkaroon ng gasgas ang tuhod nito. Dali-daling lumapit ang yaya nito sa umiiyak na bata.
Yaya: Okay ka lang? Masakit ba?
(Ay yaya, okay lang siya! May sugat nga siya di ba? At hindi yan masakit. Gusto mo subukan?)
Sa kwarto ko. Gabi na noon at nakita kong nakapikit at nakabulagta na ang kapatid ko sa kama.
Ako: Tulog ka na ba?
Kapatid: Oo. Bakit?
Ako: Wala naman. Ngayon lang kasi ako nakakita ng tulog na nagsasalita.
Sa isang restaurant. Hindi kami nabigyan ng baso nung iniabot ang isang pitsel ng iced tea.
Ako: Miss, puedeng makahingi ng baso?
Waitress: Para saan po?
(Wala lang, ate. Pang-decoration lang! Puede din pang-dessert.)
wow iba na pala template mo apple! tagal ko nang di dumalaw sa iyong blog. laftrip ka pa rin :)
ReplyDeleteThanks, Gey. When I find time mag-aaral ako mag-design ng template. Ganda rin nung site mo... cool. Balik travel ka pala ulit next year ha..
ReplyDelete