Ako na lang ata ang naiwan. Lahat sila nakapag-move on na. Madali na nilang natanggap ang bigat ng mga emosyon. Patuloy na ang pagdaloy ng buhay nila. Sabi ko naman okay na. Pero hindi ko pa din magawa ang tumawa. Hindi ko kayang tanggapin ang sakit na dinulot ng aking damdamin. Hindi ko kayang magpatuloy pa.
Palagi kong sinasabi na wala na sa akin iyon. Ngunit palaging may kirot kapag nakikita o naalala ko ang nagdaang sitwasyon. Aaminin ko na kaya ko nang tanggapin na wala na nga. Subalit hindi madaling talikuran ang sakit at pait na dulot ng mga kahapon. Tapos na ang lumang eksena. May bagong cut na.
Ayoko ng maging kaibigan ka. Sapagkat hindi ko nais na masaktan pa. Ang tanging nais ko ay maging mapayapa. Hindi ko na kakayanin ang iba.
May mga istoryang darating. Ngunit hindi ko pa kaya na ito ay basahin. Ang plumang lumimbag sa iyong istorya ay isang panghabambuhay na tatalikuran ko na.
Paalam na.
No comments:
Post a Comment