Sa kahit anong paraan at kahit anong dahilan -- ayoko ng sorpresa! Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi ang sorpresa ay kumikitil sa pagkakataon ng isang tao para maging handa sa isang bagay o pangyayari. Hindi naman ako KJ (kill joy). Sa katunayan, makailang ulit na rin akong nagbigay ng sorpresa sa ilang kaibigan sa tulong na rin ng iba ko pang kaibigan. Kaya lang ayoko talaga masorpresa.
Ayoko ng ideya na magugulat dahil hindi ako nakapaghanda para sa isang bagay. Ibig sabihin noon, hindi ko naibigay ang 100% bahagi ng sarili ko. Ayoko din na makita ng ibang tao ang mga "spur of the moments reaction" ko. Hindi ako handang maging mahina sa harap ng iba. At hindi rin ako handa ipakita ang mga pagkakamaling tatatak ng matagal sa isip ng iba. Ganito ako.
No comments:
Post a Comment