Thursday, July 22, 2010

Wala Ng Libre Ngayon

Wala ng libre ngayon. Lahat may kapalit. Yan ang batas na hindi mababago ng nagbababagong panahon. Kasi naman kapag libre ang lahat, malamang maubos ang kalikasan ng hindi napapalitan. Ayos lang yon. Para may balanse ang buhay. Ang nakapagtataka lang ay iyong dating libre, may bayad na ngayon!

Halimbawa, dati kapag gusto mo bumasa ng libro pupunta ka lang ng library, solb ka na. Ngayon, kailangan may membership card ka na (renewable in one year) at may reservation na din ng libro ngayon. First Come, First Serve policy ika nga.

Noong araw kapag gusto mo magkaron ng kakaibang kuwento, tatambay ka lang sa barberya at tiyak suki ka ng mga kuwentong kakatwa. Ngayon, para maging "in" ka, kailangan meron ka ng celpon. At dapat may load araw-araw para una ka sa mga jokes na isinalin sa wikang jejemon. NaIintdddheaAnn NeOh pfoh bvahh? Anak ng!

Pag nagutom ka, kailangan mo pumunta sa fast food chain. Ngayon may delivery na. At kapag malamig ang pagkain na na-deliver, i-microwave mo na lang kaysa maghintay ka ulit ng 30 minutos para palitan yun. Luwa na mata mo nun pag nagkataon. 

Noong unang panahon, analog black and white TV lang maligaya na ang mga kapitbahay mo. Ngayon, de-cable  na ang mga TV nila para updated sa pinaka-magandang pelikulang ipinapalabas. Pero kung taga-Taguig ka, magtiyaga ka  na lang sa cable company na namamatay ang serbisyo kapag kasarapan na ng siyesta. Ang masakit lang, wala silang customer service na mapagtatanungan. Nagsisiyesta kasi ang mga empleyado kapag kailangan mo sila.


Dati rati ang cafeteria, tambayan ng mga nagkakape o nagme-meryenda. Subukan mong pumasok ng mga coffee shop ngayon. Ginawa na itong tambayan ng makabagong kabataan. Na para bang hindi ka dapat pumasok dun kung wala kang dalang laptop. Minsan pa nga, walang pakundangan na iuurong ang upuan mo para lang maisaksak ang pesteng baterya ng laptop nila. Ang masasabi ko lang: "Hampas-lupa ka ate! Ayaw mo magbayad ng malaki sa Meralco kaya sa coffee shop ka nagco-computer! 'Tse!"

Noon kung may problema ka, tatawagan mo lang ang kaibigan mo at darating na siya. Ngayon dahil iba na ang panahon, busy na siya. Kailangan planuhin kung kelan kayo magkikita at dapat ilibre mo siya. Pag nagkita naman kayo, mas madami pala ang kuwento niya. Di mo aakalain na mas madami pala siyang problemang dala. Magdusa ka na lang kasi siya ang niyaya mo. Mas masarap pang kausap ang rebulto sa Paseo!

Pag may nagkasala sayo madalas na ipagdasal mo na lang ang pagkakasala sila. Makabago na ngayon. Dahil hindi mo na kailangan pa gawin yun. Digital na kasi ang karma. Kadalasan nga, naka-DSLR pa! Express delivery ang dating at di mo inaasahan at di mo napaghandaan. Kaya isuot mo na ang iyong force shield, ilabas na ang laser sword at tawagin na si Daimos para hindi ka mahanap ni Carmi Martin.

2 comments:

  1. hahahaha.. natawa talaga ako dun sa nagko coffee shop!! perfect yun!! perfect patama sa mga kabataang kung tumambay ay 1 coffee lang sa table at 16 silang lahat na nagkukuwentuhan.. or bbili sila ng tig iisa pero allowance na nila un sa 1 linggo..

    at! wag isnabin.. ang katagang DIGITAL ANG KARMA ay nagagamit na rin..

    lmao talagaa..

    :)

    ReplyDelete