Wednesday, March 17, 2010

Namumulitika Ako!!!!

Para sa kaalaman ng lahat, heto ang pinakahuling resulta ng AGB Nielsen (datos mula Pebrero 9 hanggang Marso 2) sa mga gastos ng mga pulitiko para sa pangangampanya ngayong 2010 Elections.

Orange Boy ---  P120, 411,093 
Chickboy       ---  P88  M
Mama's Boy --- P87  M
Amboy         --- P67.3 M
President's Boy --- P60,480


Aba Naman!!! Akala ko ba walang pera ang bansa natin kaya bagsak ang ekonomiya? Paano at saan nakahanap ang mga pulitikong ito ng financer sa kanilang kampanya? Akala ko ba hindi matustusan ang proyekto ng pamahalaan dahil walang contributors? Niloloko ba ko ng mga pulitikong ito?

At parang isang sirkus na naman ang entablado ng pulitika! Hindi pa sila nakakaupo niyan ha... naglalakad at nangangampanya pa lang. Ayos lang sa'kin na nililibak nila ang isa't-isa. Kailan ba sila nagkaron ng malinis na makinarya? Ang ikinakukulo pa ng dugo ko ay ang hayagang pagsisinungaling ng mga pulitiko mabola lang ang mga maawaing Pilipino. Talagang nakakapanindig balahibo ang mga uri ng ad na inilalabas sa telebisyon! Kahit mga bata e ginamit na modelo! Hindi ba nila naisip na traumatic experience ang gamitin ang bata sa isang adhikaing hindi naman nila nauunawaan at sumusunod lang kapalit ng kaunting halaga?

Sa isang interbyu tinanong si Orange Boy: "Kung mananalo po ba kayo sa eleksyon, babawiin niyo po ba ang 1B ginastos ninyo sa pangangampanya?" Aba, magiting na sumagot ang bata: "Hindi, kasi binili ko ang pangarap ko."

Mawalang-galang nga lang ha at talagang hindi ko igagalang ang taong ito!!! At anong palagay niya sa buhay nating lahat? Tropeyo na nabibili sa Recto? Utang na loob!!! Mag-isip ka nga! Parang hindi ka nakapag-aral! Sinasabi mo bang ako bilang isa sa mga Pilipinong taxpayer at botante ay isang bahagi lang ng pangarap mo? E paano kung manalo ka nga? Anak ng lintik!! E di ihihilera mo lang kami sa achievements mo!!!! Hindi ako matalinong mag-aaral, kaya basic lang itong ituturo ko sayo: PUBLIC OFFICE MEANS PUBLIC SERVICE not a PRIVATE DREAM!!!! At utang na loob Orange Boy, kung talagang malinis ang intensyon mo, bakit palaging may camera sa bawat pagtulong mo? Publicity ba ito or display of grandiosity? Parehas lang yan, mamili ka na lang ng mas bagay.

At anong ginawa mo sa tagal ng iniupo mo sa kamara? Nagpaanod sa agos nung ini-impeach si Chickboy? Bakit nauna ka pang yumaman kesa dun sa lugar na pinaglilingkuran mo? Pakiusap din, pakisagot lang ang tanong na bakit mas mahal ang mga bahay sa mga pag-aari mong villages sa kahabaan ng C5 road projects? Mas maganda naman yung sa kapitbahay mong village? A, alam ko na! Sementado kasi yung daanan ano?

Heto naman si Chickboy, nagmamalinis sa mga political ads niya! Natatandaan ko pa, ang gulo-gulo ng gubyerno sa rehimen mo. Kumusta naman ang midnight cabinet na kahit kailan ay di mo inamin? Hindi ko na isisisi sa'yo ang ekonomiya alam kong naapektuhan din tayo ng Asian Economic Crisis. Ipaliwanag mo na lang kung bakit ginawa mong 5-star hotel ang Malacanang? Utang na loob!! Malinis pa sa utak ko ang dami ng raliyista dahil hindi nagugustuhan ang dumi ng trabaho mo!

President's Boy, gusto sana kita... pero anong kasiguruhan ko na wala ka sa anino ng napakagahaman nating presidente? Sayang baka tuluyang bumagsak ang eroplano kapag sumakay ako.

Mama's Boy, konting yabang pa ha!!! Lesser evil ka ngang maitatawag pero ano naman ang kasiguruhan ko na may magagawa ka nga para sa bayan ko? Tsk.... tsk... tsk.

Amboy, Sir!!! Ganda ng adhikain mo pero palagay ko, hindi mo pa panahon. Palagay ko dapat magpalapad ka pa ng pangalan. At habang may pagkakataon ka pa, pakiusap layuan mo si Marikina Boy!

No comments:

Post a Comment