Sunday, March 7, 2010

Lalim

Kung ikaw ay masaya pero hindi ka tumatawa, ito ba ay huwad na ligaya? Paano na kung malungkot ka pero hindi ka lumuluha?  Kung may gagawin ka pero di mo ginawa, masasabi ba nating tamad ka? Paano naman kung napapagod ka pero ayaw mo magpahinga? Kung hinahanap mo at di mo makita, mata ba talaga ang hindi nakakakita? O sinara mo lang ang tenga mo para di ka tuluyang makaunawa?

Bakit kapag ang tao ay umaayaw, mukha lang ang umiiling pero hindi ang damdamin? Bakit sa tuwing kumakapit ka sa lubid patuloy naman itong napipigtal at nawawaglit? Ano ang gagawin mo kung ikaw na ang bida ng isang telenobela? Pero wala naman nanonood kahit anong ganda ng istorya? Paano ka titigil kung di naman kailanman nagsimula?  

May mga masasakit na tanong na ayaw na nating sagutin. At may mga sugat na hindi na maghihilom kailanman. Gusto ko sanang tapusin ang pahayag na ito, ngunit napakahirap nun sa damdamin...

No comments:

Post a Comment