Wednesday, February 29, 2012

KUNYARI LANG YUN


Mapapansin ng isang bidang baboy ang isang kahindik-hindik na pagkakamali ng kapitbahay nyang biik. Gawa ito ng isang kapabayaan na nagmula sa katamaran ng pagluluto ng pagkaing kanin-baboy para sa kanilang hapag-kainan. Dahill dito, pinagalitan ng bidang baboy ang pangit na biik ng bonggang-bongga.  Sumama ang loob ng pobreng biik hindi dahil sa pinagalitan siya kungdi hindi nya inakala na pagagalitan sya ng bidang baboy  na kapitbahay nya. 

Dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring iyon,  magtatanim sya  ng sama ng loob. Ikukwento nya sa mga kapatid nyang biik ang maitim na budhi ng kapitbahay na bidang baboy. Ibubulong niya sa pagitan ng pagngasab ng darak ang sumpang di na muling iisipin na mabuti ang damdamin ng bidang baboy.  Hindi sya matututo sa pangyayaring iyon.  Sa halip, aakayin nya pa ang mga kapatid na biik sa karumaldumal nyang katamaran. At hahaba pa ang litanya. Mas mahaba pa sa blog na ito.

Akala ng biik ay nagtagumpay sya sa paninira sa bidang baboy. Hindi nya alam na ang bidang baboy ay nakapagtanim na ng alyansang tutugis sa mga gaya nyang lumalamon ng hilaw na darak. Ang kabesang baboy ay napagsabihan na.

Nakakaliw at nakaririmarim.
Walang nanalo sa kanilang dalawa maliban sa pagnanasa ng bidang baboy na ituwid ang kahunghangan ng bobong biik na iyon.

No comments:

Post a Comment