Marunong din po ako magluto. Hindi lang mukhang onion rings ang picture pero heto ang mga
recipe ko:
Pork Kasim
Tomato Sauce
Pineapple Juice
Laurel Leaves
Tubig
Asin
Paminta
Timplahan ng asin at paminta ang kasim. Pagkatapos,
bilutin ito ng pahaba. Itali ang buong katawan ng pisi para hindi ito maalis sa
pagkakabilog. Ilagay sa kaldero o kawali depende sa haba ng karne. Lagyan ng
tomato sauce, pineapple juice (mas madami sa pineapple juice), kalahating
basong tubig, asin at laurel. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne.
Hanguin ang karne at ilagay sa baking dish. Lagyan ng
pineapple juice ang baking dish at ipasok sa oven hanggang sa matutuyo na ang
pineapple juice. Palamigin bago hiwain.
Onion Rings
White Onion
Asin
Paminta
Itlog
Konting Tubig
Paghaluin lahat ng ingredients bago ilagay ang sibuyas.
I-deep fry sa mantika. Hanguin pag nag-brown na. Patuluin sa paper towels ang ekses na mantika.
No comments:
Post a Comment