Medyo natagalan lang ako. Nahirapan kasi ako makasakay. Wala kasing masakyan. Patuloy kasi ang pagbuhos ng ulan. Nagbaha tuloy sa mga lansangan. Wala kasing maayos na nagtata-trapiko sa daan. Akala ko kasi kakampi ko si haring araw. Hindi ko tuloy napaghandaan ang lupit ng pagtila ng ulan.
Ngunit lahat kagaya ng unos na dulot ng bagyo ay sisibol muli ang bahag-hari. Hindi palaging madilim ang kalangitan. Sapagkat sa bawat pagdilim, palaging sisikat ang araw. Medyo hindi ko kasi nakita ang tamang daan.
Tapos na ang lahat ng ito. Makakatingin na ulit ako ng taas-noo. Mas matatag na ulit ako. Makakasulat na ulit ako.
Color yellow has often been associated to cowardice. It has always been misinterpreted and misconstrued. Historically yellow is a color used to describe racism. Yet the modern day individuals treat yellow as the color of lightness. With modern politics, the same color is use to express love for liberty and the belief to fight for it. Apple is not coward and she dares to show light. In this blog, let the yellow Apple speak.
Monday, September 27, 2010
Sunday, September 26, 2010
Sa Likod ng Tabing
Tuwing nakakapanood ako ng pagtatanghal sa entablado, palagi ko hinahangaan ang mga aktor na bukod-tangi ang talento sa pag-arte. Kasi naman pambihira ang kanilang kakayanan. At sa bawat dula na kanilang itatanghal hindi nauubos ang enerhiya at husay nila. Ano pa't talagang mahusay din ang direktor at napili nila ang tamang taong gaganap sa bawat role ng kanilang istorya.
Pero alam niyo ba na ang tunay na bida ng mga dulang ito ay hindi ang direktor o mga artista? Ang tunay na bida ay iyong mga munting diwa na nasa likod ng mga produksyong iyon. Ang husay ng mga istorya ay nagmumula sa isa o dalawang nilalang na umisip at nagsulat nito. Ang ganda ng entablado, ganda ng mga costume at ang husay ng mga ilaw ay angkin ng mga nilalang na nagkabit o nag-ayos nito.
Ngunit, ano man ang kanilang naging papel sa produksyon na ito, hindi ito makikita ng nakararami. Dahil ang hindi lumabas sa pagtatanghal ay sa papel lang nakikita. At ang papel na pinagsulatan ng pangalan nila ay malulukot, maluluma at itatapon na. Ganun yata talaga ang papel ng mga nilalang na nasa likod ng mga kurtina. Alam ng lahat na nasa likod sila ng kurtina ngunit hindi lahat mapapansin ang kanilang presensiya.
Parang love triangle ng isang telenobela. Mahal ng isang aktor ang bida kaya lang naisulat na sa script na iba ang totoong mamahalin ng bida. Sa huli magmamasid na lang siya. Makukuntento kung hanggang saan ang itatagal ng pelikula. Ganun din naman sa isang trabaho. Ikaw ay bahagi ng isang grupo. Gagawin mo ang lahat para maging angat sa iba ngunit sa lider ng grupo mapupunta ang credit. Parang sa isang pamilya, ikaw ang nagbigay ng lahat ng bagay ngunit mas mapapansin pa din ang black sheep ng pamilya. At ganun din sa tunay na buhay, ikaw ang naghirap ngunit may ibang makikinabang at magpapakasarap.

Monday, September 13, 2010
Pers Taym
Itinigil ko na ang ideya ng handaan o selebrayon ng kaarawan ko magmula nung tumungtong ako sa legal na edad. At mula noon, gusto ko ng taimtim, mapayapa at tahimik na kaarawan. Pero ngayon iba ang nakatala sa script ng buhay ko. Sa script na ito, hindi ako ang kontrabida. Hahahaha.
Sa walong taon ko ng paghahanap-buhay, ngayon lang ako nagtrabaho sa araw ng kapanganakan ko. Palagi ko kasing pinapaglaanan ng araw ng pahinga ang bertday ko. Aaminin ko na ito ang pinakamasakit na bahagi ng aking kaarawan. Kahindik-hindik kasi Lunes pa tumapat ang Setyembre 13. Pero magsisinungaling naman ako kung sasabihin ko na pinagsisihan kong ganito ang naging kaganapan. Hindi naman ako artista, ano. Wehehehe.
Salamat sa buong PCS at hindi madugong pagpapaliwanag ang kailangan para sa resulta ng nakaraang linggo. Pasado kasi kami kaya ang dating 1 oras na talakayan, 10 minuto lang ang kinahinatnan. Salamat sa mga agents ko at ang malamlam na umaga ay naging maliwanag. Hindi ko talaga inakala na bibigyan niyo ako ng regalo. Salamat sa cake, maraming nabusog. Dahil diyan, babawasan ko ng sampung minuto ang sermon ko. At dahil birthday ko, marami akong nauto na mag-OT. Bwahahahaha!
Salamat din sa mga bumati. Ang mga simpleng pagbati ay lubos na nakapag-pangiti sa akin. Nakalahati ang charge ng phone ko dahil sa dami ng nag-text. Napatunayan ko na hindi lang pala magastos magmahal, mas magastos ang tumangap nito. Kasi lahat ng bumati sa akin sa text, ni-replyan ko. Naubos tuloy load ko! Ngayon ko naisip na sana nagpadala na lang kayo ng materyal na bagay. Hindi bale, tumatanggap pa naman ako ng regalo kahit huli na. Hehehehehe.
Salamat din sa pari ng simbahan, naalala ko ipagdasal ang ibang tao sa araw ng kaarawan ko. Salamat sa inyo sa sobrang saya ko, ngayon lang ko sumulat ng blog na may tawa lahat ng talata. Hihihihi.
Subscribe to:
Posts (Atom)