Wednesday, June 2, 2010

Parusa

Ngi-ngiti ako. Hindi dahil masaya ako kungdi dahil gusto kong ipakita sa'yo na magiging masaya ako. Tatalikod ako. Para hindi mo makita ang pagbuhos ng aking mga luha. Tatakbo ako. Nang hindi ako maabot ng mga paningin mong mapanghusga. Tatakpan ko ang aking tenga. Para hindi ko marinig ang iyong pagkutsa. Mag-iitim ako, Para ipagluksa ang araw na ito.

Hindi mo kailangan magsalita. Hindi kailangan ng "oo" para umayos ang lahat. Ang pagsasabi ng hindi ay madalas nakakapukaw sa damdaming naliligaw. Huwag mong sabihin magiging maayos ang lahat. Hindi naman lahat ng sinasabi ng bibig ay nadarama ng dibdib.

Matalim ang kutsilyo ngunit nakakasugat ang gawa mo. Kasing pait ng ampalaya ang mga alaala mo. Parang bakal na dumadagan sa aking katawan ang hatid nito.

Ayaw na kita kausap. Hindi na ako titingin. Wala na akong mararamdaman.

No comments:

Post a Comment