Color yellow has often been associated to cowardice. It has always been misinterpreted and misconstrued. Historically yellow is a color used to describe racism. Yet the modern day individuals treat yellow as the color of lightness. With modern politics, the same color is use to express love for liberty and the belief to fight for it. Apple is not coward and she dares to show light. In this blog, let the yellow Apple speak.
Tuesday, August 25, 2009
Sina B1 at B2 at ang mga kaibigang Os-o
Mga Tauhan Sa Kwento:
Bida: B1 at B2
Mimi
Lulu
Morgan
Kontra-bida: Dodeng Daga (Rat in a Hat)
Men In Black and White
Bidang Kontra-bida: Ruby
Cameo Role: Ugok 1-4
Ang Istorya:
Sina B1 at B2 ay nakatira sa malayong kaharian ng mga saging. Bagong lipat lang sila sa lugar na iyon. Dati silang mga villagers sa Dasma. Lumipat sila sa lugar na iyon nang sulsulan sila ni Dodeng Daga na mag-avail ng goods and services. Binentahan sila nito ng isang bahay bakasyunan pang-Work Life Balance. Kaya ng mala-milagrong ma-aprub ang VL nila, naisipan nila mamundok na lang (parang NPA lang di ba?). Sang-ayon kay Dodeng Daga, ang lugar na ito ay may perpekto at mabilis na sistema at walang outages. Wala ditong order delays at NOCout notices. Sa madaling salita, isa itong ideal world. Isa itong tahimik at payapang kaharian na pinamumunuan ni Ruby, isang tigre na bumubuga ng apoy. At dahil bumubuga siya ng apoy, hindi siya magsasalita sa blog na ito. Baka masunog pa ako!
Trendy at makabago sina B1 at B2. Dala nila ang kanilang PSP at laptop nung mamasyal sila sa park para makipag-EB sa mga Os-o. Medyo late na sila ng 2 oras sa date na iyon. Nagulat sila ng malamang may gate pala ang park at may entrance fee pa ito. Hinarang sila ng Men in Black and White at sinabihang: "Pakisuot lang ID niyo!" Napakamot ng ulo si B1 at tinangkang tanungin si B2 kung may ID ba silang dala. Mabuti na lang nagmartsa palapit sa kanila sina Ugok 1, 2, 3 and 4 na may dalang dog tag na may nakasulat: "ID Ito". Ayun. Na-solb ang problema. Ayos!
Nang makapasok na sila sa park, nakita nila ang nakangiting si Lulu kasama nina Morgan at Mimi na may dalang pagkain na binili nila sa 7/11. Hindi kasi masarap ang pagkain sa pantry. Pagkatapos ng 10 minutong usapan, nagutom na ang mga magkakaibigan. Saktong isusubo na nila ang pagkain ng lapitan sila ng Men in Black and White at nagsabing: "Ma'am/Sir, bawal po kumain ng poteto chips! Ililista ko po ang pangalan niyo."
Sa labis na kalungkutan, binuksan na lang ni B2 ang laptop na hawak ni B1 para makapag-facebook. Maglalaro na lang sila ng Mafia Wars. Ten minutes mula ng mag-log in sila ng maramdaman nila ang system slows. At dahil kilalang mahusay na mekaniko si Morgan, siya na lang ang umayos ng laptop. Ang resulta ng kanyang imbestigasyon: madami kasi silang gumagamit kaya mabagal ang application, bibilis din iyon mamaya. Pagkalipas ng tatlong oras, hindi pa din sila maka-konek sa internet. Dun lang naalala ni Mimi na hindi nga pala gagana ang wireless broadand sa lugar nila. Wala kasi ito sa GMAP. Bukod pa dun, nabanggit sa unang paragraph na ideal ang kahariang iyon. Siyempre para matupad ang ideyalismo na iyon, dapat walang broadband! ('Pag di mo na-gets, slow ka! Bwahahahahaha!).
Naisipang mag-reklamo nina B1 at B2 sa kinauukulan. Sinamahan sila ni Lulu sa himpilan ng pulis pangkalawakan. Nakita nila si Shaider at Amy at sinumbong nila kay Tulfo ang problema. Kaya lang Linggo yun, sarado na ang himpilan ng Bitag.
Tumawag na lang sila sa hotline. Doon, nakausap nila si Dodeng Daga na bumati ng: "Why should I help you?" na may malakas at matinis na tinig (perky lang). Agad na umangal si B1 at B2 at tinakot na lilipat na lang sila sa kaharian ng mga maligno.
Agad na bumanat si Dodeng Daga: "Sir, Terms and Conditions apply."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Adik ka na ba, Apol? Hanep sa kwento, star-studded. Wehehe.
ReplyDeletedati na po akong adik! lumala lang ngayon.
ReplyDelete