Kung susumahin ang dami ng naisulat kong blog noong nakaraang taon sa kasalukuyan, talaga nga naman na mas marami ang nasulat ko nung nakaraan. Kasi naman halos araw-araw ako kung magsulat noon. Parang isang hanap-buhay araw-araw na inuulat.
Nag-sinabawang gulay kasi ako noon. Kaya makulay ang buhay!
Sa totoo lang tinatamad kasi ako sumulat. Ang dami ko na ngang drafts. At lahat sila nanatiling draft na lang. Yung iba naman na-delete ko na agad. Wala akong mapaghugutan. Matamlay kasi ang buhay ngayong taon na ito. Parang ang bigat kasi ng pakiramdam. Kasi naman ang boring ng mga topic ko. Parang ngayon.Wala ka lang mapagtiyagaan basahin kaya binabasa mo ito. Sign of boredom ang pagtitiyaga sa mga walang kwentang akda gaya nito.
Pero hindi mo naman ako papansinin dahil alam kong tatapusin mo pa ang blog na ito. Sige na. Talo na ko.
Ngayong taon, maliban sa aking damdaming nasaktan at patuloy na nasasaktan, wala talagang paksa ang nakakapukaw sa aking ulirat. Maraming nasimulan pero ayoko tapusin. Ayoko magsulat dahil gusto ko lang o gusto nyo lang. Di ba? May point ako?
Pero hindi totoo ang sinabi ko sa taas. Kasi nagdadahilan lang talaga ako. Wala naman perpektong paksa para isulat. Ang mahalaga lang ay iyong taos pusong intensyon sa paghahatid ng mensahe ko para sa inyo. Walang boredom. Walang lose hope.
Ako lang talaga ito.
Boring! Shet!
No comments:
Post a Comment