Wednesday, August 5, 2015

Saklolo

ang lungkot. pero kasalanan ko to kaya wala ko magawa. nasasaktan ako. pero wala naman ako mapagsabihan. pinili ko kasi to. kaya kasalanan ko to. lahat ng nangyayaring to ako ang may gawa. kaya nagsusulat na naman ako. dito ko na lng ibububos ang lahat.

di ko kasi sya kaya ipaglaban. mas pinipili ko kasi magtago kesa harapin ang laban. kaya siguro ganito ang nangyayari.

ramdam ko na unti-unting di na sya nagiging akin. di ko na kasi sya mahawakan o kaya makausap ng matino. ayaw na nya makipagkita saken. pakiramdam ko tuloy isa lng syang ilusyon o kathang isip ko. mag uusap lng kami dahil obligasyon namin magtawagan sa umaga para gisingin sya, sa tanghali para ipaalala na kumain na kami at sa gabi para ipaalam na matutulog na kami.

nararamdaman ko na unti-unti na sya lumalayo at nawawala saken. parang hindi na sya masaya saken. di na nya ko kinakausap ng gaya ng dati. naglilihim at nagtatago na sya. nagmamadali na sya kausap ako.. at palaging pinapatayan ng telepono. di na sya interesado sa mga kwento ko. at madalas na sya magdahilan o magsinungaling saken.

pero kasalanan ko to. hindi ko masunod ang gusto nya. di ko sya maipakilala sa mga magulang ko. kaya siguro ganito na ang ihip ng hangin. ako ang may gawa nito. kaya bakit ako nagre-reklamo?

kaya hinahanda ko ang puso ko sa kung ano ang mga susunod na estado ng buhay pag ibig ko. nakipapaglaban naman ako at kunakapit. pero hanggang kelan ko ba kakayanin to?

magiging napakahirap to. pero sana maisalba ko pa to. pano ba humingi ng saklolo?