Thursday, December 24, 2009

Maligayang Pasko

Inilalaaan ko ang araw ng Sabado para sa aking sarili. Tinatawag ko ang mga ganitong pagkakaton na "Apple Time." Kasi naman kahit na ordinaryo na sa paningin at panlasa natin ang mansanas, hindi naman karaniwan itong nagiging bida sa hapag-kainan. Parang ako. Madalas man ako umalis ng bahay, hindi ko naman nabibigyan ng importansya ang sarili ko.

Pero parang delubyo lang, ang karaniwang Sabado ko ay pinalitan ng komedya sa lansangan. Ang kapayapaan ng aking Apple Time ay biglang humingi ng break time. Yun pala ang hudyat na malapit na ang birthday ni Bro.

Ang dating payapang simbahan dinayo bigla ng masang Pilipino na parang park lang. (Dami kasi nagpapabinyag). Ang mga library, ginawang coffee shop ng mga estudyante at ang topic ng discussion: facebook gifts! Ang mga mall, parang palaging may riot kasi hindi mo na malalaman ang pagkakaiba ng Glorietta sa Divisoria. Ang mga parking lot, akala mo may showroom sa dami ng nakaparadang sasakyan. Ang mga resto parang box office na din sa haba ng waiting line. At ang pinakamatindi: yung dating 400 na t-shirt sa department store, Php650 na ngayon! Shet!

Kung susumahin, ang mga ganitong pangyayari ay isang himala ni Kristo. Kasi naman sa 365 na araw sa isang taon, may isang buong buwan siyang inilaan para isabog ang pag-ibig niya sa sangkatauhan. Isang buwan na triple ang pagpapala.

Kaya sa bawat regalong bubuksan natin ngayong taon, bukod sa laman, isipin natin ang mga malikhaing kamay na bumalot nun. Kung wala kang matanggap na regalo, ikaw ang magbigay! Wag ka mag-hintay! Sa bawat pagbating matatanggap sa text man o greeting card, alalahanin ang mga taong nagdugo ang ilong makaisip lang ng Christmas greeting sa wikang Ingles. Sa bawat pagkain na nakalaan sa hapag-kainan ay ang mga pusong inilaan sa pagkain na iyong titikman. Sa bawat namamasko at kumakatok sa ating mga pintuan ay ang pag-asang makapag-hatid at magbigay sa iba pang nangangailangan ng pagmamahal. At sa bawat magandang kaganapan ay ang kagalakan ng pasasalamat sa poon nating Maykapal.

Kaya ang Paskong ito ay espesyal. At ang bawat isa sa atin ay espesyal. Syempre naman, espesyal din ang lumikha sa atin e.

Maligayang Pasko. Mula sa aking puso papunta sa inyong lahat.

Happy Birthday, Jesus!

Tuesday, December 15, 2009

Nakakapagod

Minsan, hinihiling ko na sana de-baterya na lang ang katawan ko. Yung rechargeable. Para kapag naubos ang enerhiya, isasaksak na lang sa kuryente ng ilang oras at gagana na ulit. Maganda din sana yung baterya na napapalitan ang balot. O kaya naman bateryang yari sa plastik. Mahulog man o apakan, hindi ito masasaktan.  Yung katawan na puwedeng yurakan at hindi mararamdaman. Iniisip ko kung baterya ako, may pagkakataon akong ulit-ulitin na parang robot lang ang aking mga gawain. Yung paulit-ulit at hindi nakakasawa. Yung mapipilit kang tumawa kahit hindi ka masaya.

Madalas ipinagpapalagay ko na ako ay isang laruan. Pinagpapasa-pasahan. Mainit sa mata ng lahat kasi uso o kaya bago sa kasalukuyan. Pero madaling mapagsasawaan. At may binabagayan. May puso pero hindi nakikita. Madaling masira kasi gawang low-class material. Madaling itapon na lang kung saan. 

Sa kasalukuyan, iniisip ko sana ako na lang ay isang orasan. Umiikot lang at hawak ng dalawang kamay ang kanyang buhay. Walang nakikialam. Sandigan ng lahat pero madalas din makalimutan.

Pero tao pala ako.

Monday, December 7, 2009

Insatiable

Man is an insatiable animal. They never get contented. They have selfish hearts. They have most of the time evil intentions. Vested interests reign in their life. They have worldly desires. They can't get enough.

You give them a fruit and they'll ask for a tree. You give them food and they'll ask for the recipe. You give them a coin but they'll ask for a bill. You give them water, they'll ask for a cola.

You give them a hand, they'll ask to get everything done. You offer them a seat yet will seek a lounge. You give them a ride, they'll find a car. You give them a script after which they'll ask for a book. You give them your heart, they'll ask for your life.

Whatever happen to simple and pure hearts? Wherever did morals and self-less love go? Is understanding too hard to give?

When man ask for something, they must also offer something in return. You cannot ask for something you cannot give. Or you can't demand for something you never did. You cannot point a finger if you also did something like that. We have no right to be choosy. We have no right to qualm. Everything we are now is a result of how we speak and think. How we have become is a result of our ingratitude. Everything is just how it is supposed to be.

Saturday, December 5, 2009

The Art of Letting Go

The art of letting go is an art even artist finds hard to learn. There are some I know who failed and fell over and over just by trying it.  And some died learning it.

Who would not know Richard Bach’s famous phrase: “If you love something, set it free; if it comes back it's yours, if it doesn't, it never was.”  To most of us, it is a cliché. But why is it too hard to follow? Why does the question of “how do we begin doing it?” pops through all the time.

Most of us not want to let go. Learning to accept is the hardest first stage we all have to deal with. The feeling of comfort, the regret, the pain of being on loose ends is just but a few requirements to master it. Not to mention there is also a dying heart at stake in doing this.

Why do you cling on even when you are in pain? Why do you hope when you know it is hopeless? Why do you still care when the world already left you carelessly?

Believe it or not, the highest form of love is to let go. Sounds weird? Sure it is. Risky. But worth trying. Just like a mother eagle who taught her child how to fly and catch its prey. It is so difficult to accept that the baby eagle has to fall on the ground to learn how to fly. Just like a parent who allowed her child to enter the dangerous world of education. It is difficult to imagine how an innocent mind can be polluted by worldly desires. Just like a voter who cast a vote in belief of change. Voters cast their most important vote knowing at the end of the day, there will still be vested interests to rule our government. And just like each one of us who let go of one chance to choose a better option. Gambling and risking our heart out.

These are all forms of letting go. Hard. Severe. Painful. Drowsing. Drowning.

But letting go also means bravery. Bravery to accept some things are better without our protective shelter.  Some things are meant to be explored by others. Some fruits needed to be picked by another farmer. Letting go does not mean we are losing something. It is just a mature way of moving forward and facing a better life.  It is also one way to gauge our capacity as leaders --- on whether or not we can soar high even without assistance from others or from our comfort zones.

It isn’t easy to start all over again. But the long-term results will prove it worthy. Letting go does not necessarily mean goodbye. Some things are just worth another try. In a new perspective. In someone else arms.

Wednesday, December 2, 2009

Pagbabago

Walang permanente sa mundo kungdi ang salitang pagbabago. Araw-araw nagbabago ang buhay natin. At araw-araw may pagbabago. Hindi ka nabubuhay para manatiling estatwa lang. At kahit tambay ka pa tiyak kong nagbabago ka din. Lahat nagbabago. Lahat.

Halimbawa, pagbabago ng araw: ngayon ay Miyerkules bukas Huwebes. Pagbabago ng edad: ngayon 27 na ako; next year 28 na. Ngayon lalaki yung crush mo, bukas bading na siya at mas mukhang babae pa sa'yo. Ngayon busog ka, mamaya gutom ka na. Ngayon may pera ka pa, bukas gusto mo sweldo na. Ngayon presidente si Gloria, sa 2010 congresswoman na siya!

Madaming uri ng pagbabago. May mga pagbabagong dumadating na parang hangin lang. Ibig sabihin, hindi napapansin at biglang nawawala na lang. Meron din naman parang bagyo; dadaan para sirain ang buhay mo. May mga pagbabagong parang tubig: patuloy ang pag-daloy at hindi tumitigil. May parang apoy; masakit at nag-iiwan pa ng lamat. Meron din pagbabagong akala  mo para sa'yo pero napupunta sa kamay ng iba. At may mga pagbabagong ayaw mo pero kailangan mo.

Hindi lahat ng pagbabago ay madaling yakapin o tanggapin. Hindi naman kasi lahat ng pagbabago ay kakikitaan ng kabutihan sa unang beses na makasalubong mo ito. Madalas kasi nakabalot ito ng mga salitang negatibo tapos ireregalo sa'yo. Dahil dito, hindi lahat matapang na harapin ito. At hindi lahat bukas palad sa pagbabago.

Pero mapipigil mo ba ito sa pagdating sa buhay mo? Masasabi mo ba sa petsa na huminto siya dahil ayaw mo pang tumanda? Mapipigil mo ba ang araw sa pagsikat dahil lang ayaw mo pa bumangon sa kama? Makakaiwas ka ba sa panahon gayong ang lahat ng ito ay mga pangyayaring itinakda na ng kapalaran? Mapipigil mo ba si Gloria sa pagtakbo sa pulitika e sa talagang sakim siya?

Sa totoo lang hindi naman talaga mahirap yakapin ang pagbabago. Nagiging mahirap lang siya dahil ayaw natin baguhin ang mga bagay na nakasanayan na. Ayaw natin magbago dahil ayaw natin mahirapan ulit. Ayaw natin tanggapin na magiging mas maginhawa lang ang buhay natin kung dadaan tayo sa panibagong sakripisyo at paghihirap. Bakit meron bang umaakyat agad na hindi lumibot para humanap ng hagdan pataas?

Ayaw man natin tanggapin, mahirap man unawain, masaklap man isipin, parte ng buhay ang pagbabago. Ganun lang yun. Pag tinanggihan mo ang pagbabago, tinanggihan mo na din ang mabuhay sa mundo.